bc

STARDOM: Kikay Kong Caregiver

book_age18+
28.4K
FOLLOW
287.2K
READ
family
aloof
doctor
drama
comedy
bxg
ambitious
city
enimies to lovers
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Tunghayan ang pag-iibigang nagmula sa irapan na napunta sa tarayan hanggang nakarating sa harutan at humantong sa kiligan. Makilig at mainlove sa pag-iibigang walang papares sa ace to king ng peryahan at tong-its sa sugalan. Ang sugal ng pag-ibig ni Kikay, ang babaing pasaway

Si Zeus Zedrick, mayaman, guwapo, sikat at doktor. Prophesyong kayang gumamot ng karamdaman ng iba pero paano kung ang mismong sarili ay unti-unting igupo ng karamdaman. Na ang dating malakas at masayahin ay unti-unting magiging bugnutin at asal bata. Paano gagamutin kung ang sakit na unti-unting pumapatay sa'yo ay sakit dulot ng pusong sawi.

Si Kathleen o mas kilala sa pangalang Kikay. Lumaki sa inang sugalera at amang sabungero. Sa kanyang kakalugan siya ang reyna sa pasugalan at peryahan. Bangkera sa pagiging pasaway at kabulastugan. Pero sa kabila ng lahat, may pangarap pa rin naman ito. Ang makapunta ng Amerika.

Saan hahantong kung sa laro ng kapalaran ay pagtatagpuin ang dalawang katauhang may iba't ibang pananaw sa buhay. Paano gagamutin ang puso ng lalaking tupakin at asal bata ng isang kalog at pasaway na

Ano ang gagawin sa isang rebelasyong sasambulat sa'yong harapan na hindi ka nag-iisa kundi may dalawang katauhang nagtatago sa likod ng iyong magandang mukha.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Ayos, Kikay ah, parang suman. Siksik!" bungad ni Manang Goring sa kanya. Ang kanang kamay ng ina sa sugalan. Napangiti siya sa banat nito. "Manang Goring, parang lumilindol ah. Bilbil mo kasi umaalog," sagot sa naman rito saka sila sabayang tumawa. Ganoon na sila ni Manang Goring. Ito ang best friend niya sa kalokohan kaya walang nasamang tinapay sa kanila. Pero noon 'yon noong dalagita pa siya pero ngayong dalaga na siya ay seksi na siya kaya iba na ang birada sa kanya ni Manang Goring. "Ayos, Kikay ah. Bagay sayo 'yang damit mo pero mas bagay sa'yo si Segundo." Tukoy sa anak ng kalarong si Manang Segundina. Gwapo naman si Segundo kaya lang tricycle driver at tumador pa. Mas gusto niya ang Kuya nitong si Premiro kaya lang may asawa na. Makapit masyado ang babaeng kumapit dito kaya walang nagawa kundi ang pakasalan ito. "Si Manang Goring naman parang bagyo. Natatangay ako sa papuri mo," pabirong sagot sa matanda. Nang makita siya ng ina ay nakapamaywang na naman itong nakamata sa kanya. "Oy, Kikay galing ka na naman sa peryahan. Anong oras na hindi ka pa nakakapagluto!" pagbubunganga ng ina. Alam niya na naman natatalo ito kaya mainit ang ulo. "Umuwi ka na at magluto, mamaya matatapos na kami rito," utos nito sa kanya. Agad siyang umuwi nang mabungaran ang amang tumatawa habang nakikipagkuwentuhan sa kumpadre nito. "Oh, anak buti narito ka na. Lutuin mo na 'yong manok doon. Namatay kasi kanina," tukoy sa tandang na pinansabong nito. Agad na tumalima dahil alam niyang matagalang luto ang gagawin dito. Matapos makapagsaing ay sinalang agad ang kinatay na manok para lumambot ito bago pa dumating ang ina at magbunganga na naman ito. "Oh, Kikay ito ang isang libo. Itago mo upang may panggastos ka d'yan sa pangarap mong makapunta ng Amerika," turan ng ama habang nakapangalumbaba siya at hinihintay na malutong mabuti ang uulaming manok. "Nanalo ako sa sabong. Limang libo, kaya sa'yo na 'yan bago pa dumating ang nanay mo," anang pa nito na kinangiti niya ng tudo. Masuwerte siya at suportado siya nito sa kaniyang pangarap. Matapos ang halos humigit-kumulang isang oras ay dumating ang ina. "Kikay, ano nanalo ka ba sa peryahan?!" pasigaw na turan ng ina. "Opo, Inay kaya may panlakad na ako sa papeles ko papuntang Amerika," aniya na kinalukot ng mukha nito. "Ano namang Arimeka, Aremika ka d'yan, Kikay? Hindi ka naman nagugutom dito ah," malakas na turan ng kanyang ina. "Ano bang ulam natin d'yan?" dagdag pa nito tanong. "Adobong manok," aniya at nakitang nagliwanag ang mukha ng ina. "Naku, buti na lang at buenas ka sa sugal. Ganyan, gumaya ka sa aking magaling hindi d'yan sa Itay mong puro talo, walang diskarte, hindi mautak!" parinig sa amang papasok ng bahay nila. Napakamot tuloy siya sa ulo. "Naku dahil nga po kay Itay kaya may ulam tayo ngayon, Inay kasi namatay ang manok niya," aniya sa ina. Lalong nagngingit ang mukha nito sa sinabi. Tumayo at humarap sa ama na nakapamaywang, mukhang galit. "Ano ka ba naman Karyo? Malas na ba talaga? Ewan ko na kong bakit ikaw pa ang pinili ko sa dami nang manliligaw ko noon," anang ng ina nang biglang ilabas ang ama ang apat na libo. "Sabi ko na nga eh, swerte ako sa'yo," mabilis na bawi sa sinabi habang binibilang pa ang inabot ng kaniyang ama. "Bakit namatay daw ang manok mo?" nagtatakang tanong ng ina sa kanyang ama. "Oo nga eh," malungkot na turan ng ama. "Paano ka nanalo kung namatay ang manok mo?" maang na tanong ng ina. Maging siya man ay napaisip din. "Ikaw pala d'yan ang walang utak eh," pabiro ng ama nang biglang dumilim ang mukha ng inang si Lumen. Ngunit agad na nagsalita ang ama bago oa muling bumuka ang bunganga ng ina. "'Di sa kalaban ako tumaya," natatawang turan ng itay niya. Kaya napatawa na rin siya. Ganyan ang pamilyang nagisnan at nakalakhan na niya. "Ayaw ko nga sabi! I said, I don't like to eat! Bakit ba ang kukulit ninyo," sigaw ni Zeus sa mga caregiver na kinuha ng ina. Inis na inis siya dahil tila hindi napapagod ang inang hanapan siya ng caregiver. "Get out!" malakas na utos sa mga ito. Halos tatlo ang caregiver na salitang nagbabantay sa kanya na tila ba isa siyang baldado. Tinabing niya ang tray na kinalalagyan ng pagkain para sa kanya. "Pabayaan niyo na ako. Leave me alone! Leave me alone! Gusto ko nang mamatay," bulyaw pa sa mga nahihintakutang caregiver niya. Hindi alam kung naiintindihan ba siya ng mga ito. Napatigil silang lahat. Tahimik na tahimik ang kaniyang silid. "Didn't I tell you to leave me alone!" banas na baling sa caregiver niya. "But, Sir—" "I said, leave me alone. Alone! I want to be alone!" Dumadagundong na boses niya dahil sa inis. Napasugod ang Mama niya sa ginagawang pagwawala. "Zeus, anak ano ka ba? Naririto kami ng Papa mo! Ano bang nangyayari sa'yo?" naiiyak na turan ng ina. Hindi siya makaimik dito. "Ma, iwan niyo muna ako," mababang tinig. Pagod na pagod siya. Wala siyang ganang kumain at mas lalong wala siyang ganang makipag-usap ninuman. "Pero, anak kailangan mong kumain," giit ng ina. "Kailangan mong uminom ng gamot? Zeus, naman!" gilalas nito na kita ang prustrasyon sa mukha nito. Saka bumaling sa kaniyang caregiver. "You may leave, Mrs. Parchment," anito sa kaniyang African-American caregiver. Doon ay mabilis naman itong umalis. "Mom, gusto kong mapag-isa," giit sa ina at doon ay matiim siyang tinitigan nito. Lumapit at hinawakan ang mukha niya. Hindi niya naiwasang tignan ito sa mata dahilan upang mapaluha siya. "Anak, hindi ka naman nag-iisa. Si Alexis lang ang nang-iwan sa'yo, nandito kaming pamilya mo," saad ng ina. Bakas sa mukha ang pagsusumamo. Hindi siya nakaimik at nang bitawan siya nito ay napayuko siya. "Sige, iiwan kita pero magpapahatid ako dito ng pagkain ha, kainin mo," anang nito bago tuluyang umalis. Hindi niya mapigilang maluha sa kalagayan, idagdag pa ang panloloko sa kanya ni Alexis. Akala niya ito na ang katuparan ng babaeng pinapangarap niya pero bakit nagawa pa siyang lokohin nito. Hanggang ngayon ay hindi malaman kung bakit siya nagawang lokohin nito. Maya-maya ay may kumatok at pumasok ang isang caregiver para ipasok ang pagkaing sinabi ng ina. Wala siyang nagawa kundi ang kumain kahit wala siyang panlasa. Mahal niya ang ina at ayaw itong nag-aalala. Masyado lang siyang nalukungkot kaya nagagawang magkulong sa silid. 'Alexis,' bulong niya sa sarili. Naalala ang mga sandali kapiling ito. Ang mga halakhak nito na parang musika sa kanyang pandinig. Ang mga ngiting nagbigay kulay sa kanyang buhay pero unti-unti rin namatay dahil sa kanyang kataksilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.5K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
66.2K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
327.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook