Chapter 16:

2111 Words
Matapos marinig ang tinig ni Kikay ay binaba na niya ang tawag. Alam na niyang hindi si Kikay ang babaeng mapapangasawa ni Joe. Muling sinipat ang kinaroroonan ng mga ito, mukhang nagsisiyahan sila. Dahil nakapagpaalam na siya sa mga ito ay umiskapo na muna, tutal ay bukas ng gabi ay may dinner sila sa bahay nina Joe. Dahil sa araw din iyon ng kapistahan sa kanilang bayan. Pagdating sa hotel na tutuluyan ay mabilis na naghubad. Sa pagod at jetlag ay pabagsak na inihiga ang katawan sa kama. Ngunit hindi siya dalawin ng antok bagkus ay ang mukha ng babaeng mapapangasawa ng kaibigan ang naglalaro sa isipan. Ano nga kaya ang kaugnayan nito kay Kikay. Hinawakan ang cellphone at binuksan iyon. Tumambad ang kuha nilang apat. Si Xian, siya, si Joe at ang mapapangasawa nito. Hinaplos ang mukha ng babae. "Kikay," usal sa kawalan. Napadako ang haplos sa may labi nito. Naalala ang naging halikan nila minsan ni Kikay. Napangiti dahil naalala niya kung gaano nanlaki ang mga mata nito. Napailing siya matapos ibaba ang cellphone niya. Saka na niya iisipin at aalamin kung sino nga ba si Althea Robles. Malakas na tunog ng cellphone niya ang gumising sa kaniya kinabukasan. Si Xian iyon, agad na sinagot ang tawag ng kaibigan. "Hey, Bro, sorry kung nadisturbo kita. Are you free today?" tanong ng kaibigan. Napakunot siya. Sa totoo ay mabigat pa ang katawan na bumangon sa kama. Napatahimik tuloy siya. "Never mind, Bro. See you later sa house nina Joe," tila nahulaang sabad naman ni Xian sa kabilang linya. Napangiti siya. "Bro, still have jetlag. Don't worry, I have a week vacation. Baka mamaya ako naman ang gumambala sa'yo," pahayag rito. Tumawa rin ang kaibigan. "No problem, Dude. Matagal nating hindi nagkakasama, kaya susulitin natin," dinig na turan na talagang masayang-masaya sa pag-uwi niya. Alam niyang ibababa na ng kaibigan ang tawag nito nang maalalang tanungin tungkol sa babaeng papakasalan ni Joe. "Hmmmm, Bro!" agap dito. "Yes, Bro. May itatanong ka ba?" agad na sabad nito. "Hmmmm, iyong fiancee ni Joe? K-kilala mo ba siya?" alanganing tanong rito. Ramdam niya ang pananahimik ng kaibigan. "Xian?" untag dito. "Ah, hmmm! Sa katunayan sa engagement ko lang siya nakita. Actually, hindi ko pa nga alam na ikakasal na ang ating kaibigan. It was just my guess because he was too eager to invite us. An even begged us to attain the town fest," dinig buhat rito. Bumalik sa isipan kung paano niya titigan ang mapapangasawa ni Joe, batid niyang sa titig nitong iyon ay matagal na niyang kilala ito. "Bakit mo natanong, hindi mo ba siya gusto para sa kaibigan natin?" untag nito. "Ha! Ah, 'di naman sa ganoon? Curious lang ako," pagsisinungaling niya. "Me too," maya-maya ay mahinang bulong ni Xian. "What did you say?" tanong. "Ah! W-wala, wala! Sige na, Bro. Rest and see you tonight," aligagang pagpapaalam nito saka mabilis na nawala sa linya. Pagkababa ng hawak na cellphone ay napabuntong-hininga siya. Anong hiwaga meron kay Kikay at sa babaeng mapapangasawa ni Joe. Kailangan niyang tuklasin kung bakit sila magkamukha. Hindi na siya nakabalik sa pagtulog at pabaling-baling na lamang siya sa paghinga hanggang sa magtanghali na. Hindi rin siya dalawin ng gutom kaya hindi pa siya bumabangon. Nang muling mamutawi sa isipan ang masiyahin at magandang mukha ni Kikay. Muling hinagilap ang kaniyang cellphone. Tatawagan niya sana ang kapatid nang makita ang skype, naalala niyang ginawan niya nga pala ng Skype si Kikay. Napangiti ito at tinawagan ito. Mas lalong lumuwag ang ngiti niya nang makitang active ito. Agad niya itong tinawagan at mabilis namang sumagot ito. Nakita ang inaantok na mukha nito. "Hello, 'nay, may nakalimutan ba kayong sabihin? Kababa lang natin ng tawag ah," anito na halatang hindi pa rin siya nakikita nito. Nakasabog pa kasi ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha. "Sorry, nagising ba kita?" aniya at doon ay nanlaki ang mata nitong halos hindi niya maidilat. "Sir!" gilalas nito. Bahagya siyang napatawa sa reaksyon nito. "Hello, Sir, pasensiya na ah. Akala ko kasi si Inay na naman at nangungulit. Kumusta po ang Pilipinas? May problema po ba at napatawag kayo?" 'di magkandaugagang tanong nito. "Well, okay naman lahat maliban sa isa," aniya. Nakita niya ang pamimilog ng labi nito. "Maliban sa isa? Ano po iyon, Sir," tanong pa nito. Napangiti si Kikay sa naglalaronsa isipan. 'Sus! Na-miss yata ako ng kolokoy!' Maaasiwa na si Zeus sa pagtawag-tawag ni Kikay ng Sir sa kaniya. "Una, ayaw kong tinatawag mo akong Sir," dinig pang wika nito. 'Naku, heto na. Mukhang aamin na siya. Labs mo na ako at tatawagin kitang honeypie!' "Call me Zeus. Pangalawa, itatanong ko lang kung may kapatid ka?" sagot niya kay Kikay na noon ay hinahawi ang nakasabog nitong buhok sa mukha. Napangiwi siya sa narinig. 'Asa ka pa kasi,' tudyo ng isipan. "Naku, Sir este Zeus pala. Wala akong kapatid. Iyong lalaking kasama nila Unay at Itay sa airport. Si Segundo iyon," sabad nito. Napakunot-noo tuloy siya ng mabanggit ang lalaking iyon. "What I mean is kakambal?" giit na tanong nito. Ngayon ay hindi na lang labi nito ang namilog pati mata nito. Saka maya-maya ay nakitang tumatawa na ito. "Ikaw talaga, nag-skype ka pa talaga para kulitin ako," ani ni Kikay na tila nagising lahat ang dugo sa katawan at natatawa na naman. Umiling-iling pa siya dahil hindi niya alam kung bakit weird ang mga tinatanong ng lalaki. "Kakambal, ako?" aniya saka muling tumawa. "Unique ang mukhang ito, walang kamukha. Ako lang," sabad kay Zeus. Nakitang pormal ang mukha ng lalaking kausap kaya napatigil siya. "Bakit mo nga pala natanong?" maang na tanong dito at may pilyang ideya na naman sa isipan. "Siguro na-miss mo ako noh?" biro rito na kinakunot nito. "Wehhhhh, aminin!" pang aalaska ritong lalo. "Okay, I know na antok ka na kaya matulog ka na. Bye!" saad rito upang maitago ang damdamin. Tama kasi ito, na-miss niya ang kakulitan nito. "Hala! Grabe siya oh. Biniro lang, nag-ala tigre na naman!" sabad pa ni Kikay. "Well, biruin mo na ang lasing 'wag lang ang bagong gising," balik sabad ni Zeus sa famous na kataga. "Hala! Bagong gising ka pala niyan, Sir?!" aniya sabay tapik sa bibig. 'Why, your so guwapo.' "Yup, and still wearing my boxer," turan na kinatigil niya. Bakit pa kailangan niyang sabihin iyon kay Kikay. Nakita niya ang pagsilay ng pilyang ngiti sa labi ni Kikay. "Sige nga patingin?" anito. Umiling siya saka nangingiti at pinatay na lamang ang tawag dito. Kikay really amaze her pero may misteryo rin bang nakatago sa masayahin nitong personalidad. Sino si Althea Lorraine Robles sa kaniya at bakit sila magkawangis. Muling nilapag ang cellphone at bumangon sa pagkakahiga. Tinungo ang banyo at naligo upang tuluyang magising ang kaniyang diwa. Ala sais pa lamang ng gabi ay nasa bahay na siya nina Joe. Masaya siyang nakipagbatian sa magulang ni Joe na tinuring na niyang pangalawang magulang. "Kumusta naman ang Mama mo, hijo. Naku, matagal-tagal na noong huli kaming nagkita?" tanong ng Tita Stella niya, isa sa bestfriend ng Mama niya. "She's good, Tita. Yeah, lagi niyang pinapaalalang batiin kayo. Kagabi, medyo mabilis lang ako kasi masakit ang ulo ko and beside ay abala rin kayo. Kaya hindi ko na kayo ginambala," aniya sa mga ito. Ngumiti ang mga ito at saktong papasok na noon sa sala si Joe na sumundo sa fiancee nito. Napatigil siya nang makita si Althea. Pinasosyal na version ito ni Kikay. Suot ang off shoulder floral dress nito. "Bro, buti naman at nandito ka na. Si Xian, wala pa ba?" tanong ni Joe. Napangiti na lamang siya. Naalalang sa lahat ay pinakahuli talaga itong si Xian. "Hey! Hey! Hey! I'm here," malakas na turan na nasa bukana. Ngunit nawala ang sigla nang makita nito ang fiancee ni Joe. Tila ba, nag-iiba ang kaibigan kapag nakikita ito. "Good, buti at nakarating ka na, hijo. Oh siya, tutal ay ayos na ang mesa ay magtungo na tayo sa komedor," singit ng Mama ni Joe. "Good evening po, Tita. Happy fiesta!" masiglang bati ni Xian nang mapansing nakatingin siya rito. Sa gilid ng mata ay nakita niya ang paggagap ni Althea sa palad ni Joe kasabay ng matamis na ngitian nila na tila ba silang dalawa lamang roon. "Althea is a sweet girl. She's naughty and very witty. We like her for Joe," pabulong na saad ng Papa ni Joe na si Mr. John. Napangiti na lamang siya. Habang nakaakbay naman si Xian kay Tita Stella nila papasok sa komedor. Sa mesa ay hitik sa nakahandang pagkain. Nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mukha ni Althea. Tahimik siya pero very observant siya. Nakitang nilagyan nito ng pagkain ang plato ni Joe. Bakas din sa mukha ng kaibigan ang labis na saya dahil sa babaeng nasa tabi nito. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagbundol ng paa sa kaniyang paa. Agad siyang tumingin kay Xian. Ganoon ito kapag may napapapansin. Asiwang sa pagkain ibinaling ang kaniyang pansin. Alam niyang tulad niya ay nahahalata rin siya nito sa pasimpleng pagtingin tingin kina Joe at Althea. Masaya ang usapan sa mesa. Most of it ay tungkol sa plano ng dalawa sa kasal nila. Ang love story nila at papaano sila nagkakilala. Matapos nang tanghalian ay sa veranda sila nagpahangin. Doon ay may tsaa na inihanda para sa kanila. Bahagya siyang nagpaalam sa mga ito upang pumunta sa harden ng Tita Stella niya. Batid nilang alam na nila ang gagawin doon. Ganoon kasi ang gawain niya noon, lalaki siya pero malapit siya sa mga halaman. "Naku, hijo, hindi ka pa rin nagbabago. Halika at may ipapakita ako sa'yo. Bagong breed ng orchids, ang bulaklak ay three colors," anito na excited ipakita ang mga bagong alagang bulaklak. Pagdating nila sa harden ay pinakita sa kaniya. Matapos ay iniwan din siya at sinabing bumalik siya agad dahil nag-bake ito ng banana cake. Matapos siyang iwan nito ay napabuntong-hininga siya ng malalim. "Oh, hinay-hinay lang, baka matuyo ang bulaklak ng harden ni Tita," sabad ng tinig sa likuran niya. Si Xian iyon na sumunod pala sa kaniya. "Oh, bro, bakit ka nandirito?" maang na tanong dito. Nagpamulsa ito. Saka lumapit sa kaniya. "Gusto mo ba si Althea?" deretsahang tanong nito. "Whaaaaat?!" gilalas na tanong dito. "Relax! I know na napapansin kong iba ang tingin mo sa kaniya," anito. Natahimik siya. Panahon na ba para aminin ditong may kilala siyang kamukha ni Althea. "Tama ba ako?" untag ni Xian. Umiling siya. "Parang nakita ko na kasi siya pero hindi ko lang matandaan?" kaila niya rito. "Ah, okay," anito saka tumango-tango. "Ako nga rin. Mukhang nakita ko na siya," anito na tila may diin. "Lets go," yaya pabalik. Bandang alas dies ng gabi ay nagpaalam na sila. Kahit may pasayaw sa plaza dahil pista ay tahimik pa rin naman sa nga daanan sa kanilang lugar. Nakitang naunang umalis si Xian. Hinintay pa niya kasi ang dating ng sundo niyang service ng hotel na tinutuluyan. Mga limang minuto rin ang pangitan nila ni Xian. Papaliko na sana ang sasakyan niyang service ng mamataan ang isang sasakyang umaatras at sa gilid ng daan ay isang babaeng naglalakad. Nakilala ang sasakyan. Sa kaibigan iyon. Na-curious siya kung bakit sinusundan ng kaibigan ang babaeng naglalakad sa dilim. Mas lalo pa nang businahan nito iyon. Pinatigil niya ang sasakyan upang makita ang gagawin ng kaibigan. Dahil sa pabilis ng pabilis din ng lakad ng babaeng tila natakot sa ginawa ng kaibigan ngunit mabilis na humabol ang kaibigan ay bumaba sa sasakyan nito. "Holy sh*t!" gilalas niya sa kawalan. "Sir?!" saad pa ng driver. "Sorry," hinging paumanhin. Gulong-gulo siya ng makilala ang babaeng kasama ni Xian. Si Althea. Pero papaanong si Althea ito kung naiwan lang ito kasama si Joe. Muli ay bumalik sa isipan ang reaksyon ni Xian habang kausap si Althea sa engagement party nito kagabi. May relasyon ba sila? Sumisingit sa kaniyang isipan. Napatigil lang ang paglalakad ng babae nang tila may tumatawag ito sa cellphone. 'Baka si Joe,' aniya pa sa isipan. Nakitang nag-agawan pa sila ni Xian sa cellphone hanggang sa tuluyang bumagsak ito. Hindi man rinig ang pinag-uusapan ng dalawa ay batid niyang magkakilala ang mga ito. Napapmura siya. Ano na lamang ang mangyayari sa pagkakaibigan nila kung sa iisang babae umiibig sina Joe at Xian. Mas lalo pang nagpapahirap na bakit kamukha ni Kikay ang babaeng pinag-aagawan ng dalawang kaibigan niya. Napuno ng katanungan ang isipan niya. Kailangan niyang malaman ang katotohanan sa katauhan ni Kikay. Alam niyang ito lamang ang makakasagot noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD