Chapter 7:

2003 Words
Nakahawak ang dalawang kamay sa pader habang patukoy ang pagdaloy ng tubig mula sa dutsa. Pilit hinahamig ni Zeus ang sarili. "Bakit ba kasi tila nananadya ang babaeng iyon?!" banas na saad sa sarili. At hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit tila apektadong-apektado naman siya rito. Matapos hamigin ang sarili ay mabilis siyang pumanaog. Agad na naamoy ang masarap na amoy ng niluluto sa kusina nila. Mabilis na nagtungo roon. Nakita ang kusinera nilang si aling Magda. Pinay ito at kanang kamay ng ina. Kapampangan kaya masarap magluto. Ngunit nakakalungkot dahil may balak na itong umuwi at mag-alaga ng apo nito. Takam na takam na siya kaya agad na sinunggapan ang pagkaing nasa mesa. Unang kagat niya ay nasarapan na siya. Hindi niya alam kung anong luto iyon pero masarap sa panlasa niya. Kaya nakailang subo na rin siya. Ihing-ihi naman si Kikay. Pinilit niya lang tapusin ang nilulutong omelet kasi baka masunog kung iwanan niya iyon dahil abala si Manang Magda. Hindi niya maihabilin rito. "Shocks! Gutom na mga alaga ko sa tiyan pero parang puputok na panubigan ko," maktol sa sarili. Wala siyang nagawa kundi ang patakbong tinungo ang toilet para makaihi na. Pabalik na siya sa kusina nang makita ang likod ng lalaki. Mukhang sarap na sarap itong nakain nang maalala ang niluto. Nanlalaki ang mga hakbang na sinunggaban ito. "Bakit mo kinain?" agaw pansin sa lalaki habang isusubo sana ang huling subo. Napakunot-noo si Zeus sa nakitang hitsura ng babaeng nasa harap. Para itong susugod sa giyera. "Pagkain, natural kakainin," banas na sagot sa babae saka binaba sa plato ang isusubo sana. "Oo,pagkain pero pagkain mo ba? Nakakainis ka naman eh. Pinaghirapan kong lutuin tapos nilafang mo lang," maktol sa lalaki. "Ikaw ang nagluto?" maang na tanong ni Zeus. Napataas kilay si Kikay. "Yes, bakit?" aniya. 'Anong akala mo sa akin, kahit manok na tandang napapasarap ko. Ganyan ka-ekspert si Kikay,' pilyang saad sa isip. Naalala niya tuloy ang kanyang mga magulang. "Sorry ha, akala ko kasi luto ni Manang. Beside bakit mo kasi iniwan," palusot ni Zeus. "Ihing-ihi na ako eh, alangan namang unahin ko pang kumain. Paano kung maihi ako diyan?" deretsong talak ni Kikay. Saka lang siya natigil nang mapagtantong wala pala siya sa kanilang munting baryo sa Pinas. "Magluto ka na lang ulit," wika ni Zeus saka tumalikod. "Aba! Ang herodes, paglutuin na namanako ulit. Kakainis ah, tomjones na ako!" ngusong saad sa sarili saka hinawakan ang kutsarang isusubo sana ng lalaki at mabilis na sinubo. Napangiti si Zeus nang makita ang ginawa ni Kikay. Hindi niya lubos akalaing magaling pala itong magluto. Nangingiti rin si Kikay dahil nagustuhan ng lalaki ang luto niya. "The best way to get a man is through his mouth," aniya sa kasabihan. "Este stomach pala." 'Masaya ka pa, gutom ka na nga,' tudyo ng isip ng biglang tumunog ang tiyan. Wala siyang nagawa kundi ang maghalungkat muli sa ref kung ano ang pwede niyang makain na hindi na magluluto pa. Papalabas na si Kikay sa kusina ng marinig ang hagikgik ni Jacob. Namataan agad niya ito sa maluwang na sala ng bahay at kalaro ang tiyuhin. Napataas ang kilay niya. "Buti naman," aniya sa sarili saka pasimpleng lumapit at umupo sa tabi. Napatigil si Zeus nang makitang umupo sa tabi ang babae. Agad niya itong tinignan. Nakangiti ito sa kanya. 'Ano na namang kapilyahan ang naiisip ng babaeng ito,' himutok ng isipan. Masyado kasi siyang apektado kapag naroroon ito sa paligid. "Tito, I want to play the game we usually play with Aunt Alexis," hiling ng bata. Mas lalong natigilan si Zeus. Pinagmamasdan lamang ito ni Kikay at ayon sa reaksyon ng lalaki ay apektado pa ito sa hiwalayan nila ng babae. Paano ba namang hindi matitigilan si Zeus ay ang gustong mangyari ng pamangkin at ang lagi nilang nilalaro ay kasal-kasalan. Kung saan sila ni Alexis noon at ito ang tatayong mangkakasal sa kanila. "No way!" mariing sambit nito sa bata. Nakita ni Kikay ang panlulumo sa mukha ng bata. "Ang KJ mo naman, gusto lang makipaglaro pamangkin mo eh," salag sa lalaki. Parang gusto tuloy magsisi dahil sa irap nito. "Gusto lang naman kasi maglaro ng bata bakit 'di mo pa pagbigyan," aniya sa mababang tinig. "Please, Uncle," sumamo pa ni Jacob. Na-curious tuloy si Kikay kung anong klaseng laro ang nilalaro nila ng ex nito at pati ito ay ayaw na ring laruin ng lalaki. Lumapit siya kay Zeus. "Ano ba kasing laro iyon at mukhang ayaw mong laruin. Bahay-bahayan ba?" ngising tudyo sa lalaki. Napakunot-noo si Zeus sa pagdiga ni Kikay sa kanya. Feeling close pa ang babae. Hindi niya sinagot ang tanong nito bagkus ay umupo siya at inabot ang remote control ng TV. "Sabi ko ano ba kasing laro iyon," habol ni Kikay sa lalaki. "Huwag mo nga akong kulitin," inis namang sagot ni Zeus sa babae. Muling binalingan ni Kikay ang bata na tila nagtatampo sa tiyuhin. Kaya naisipan niyang inisin lalo ang lalaki upang maiganti ang bata. "Anong klaseng laro ba iyon at ayaw mo?! Ang KJ mong herodes ka. Bahay-bahayan ba? Unggoy-ungguyan, luksong baka, patintero o ano?!" banat niya. Nainis naman si Zeus sa babae. Halos sumigaw na kasi at sa tapat pa talaga ng kanyang tainga. "Kasal-kasalan. Kasal-kasalan!" hindi mapigilang sigaw sa harap ng babae. Si Kikay naman ang natigilan sa sagot ng lalaki. 'Kasal-kasalan?' ulit sa isip. Nang makabawi ay pilyang napangisi siya. Kasi kung papayag ang lalaki ay sila ang magka-partner. 'Not bad,' pilyang wika sa sarili. Napansin naman ng lalaki ang pagkakangisi ni Kikay. "Ano naman nginingisi-ngisi mo diyan," sita nito. "Wala, masama bang ngumisi. Pwede ba tumayo ka na diyan at laruin ang pamangkin mo? Ayan, iiyak na," aniya sabay turo kay Jacob na nangingilid ng luha. Tumayo naman ang lalaki at lumapit sa pamangkin. Naririnig niyang pinapaliwanagan ito ng lalaki. "You know, Jacob, we play like that before because Aunt Alexis is here but now she's gone," rinig na paliwanag ng lalaki. "But Kikay is here," tinig ng bata. 'Sige push pa Jacob. Push pa,' aniya sa isip. Umasam din siyang maikasal sa lalaki kahit 'kasal-kasalan' lamang. "But she's not my girl. She's not even my type," sagot ng lalaki na pandidiin pa nito. 'Aba't ang herodes. Not my type daw. Tse!' ngitngit ng kalooban. "Why not! Kikay is cool," ani ng bata saka humalikipkip sa harap ng tiyuhin. "And she's pretty," dagdag pa nito. Sa narinig mula sa bata ay nagningning ang mata ni Kikay. 'Buti pa itong bata marunong tumingin ng maganda kaysa sa matandang nag-iisip bata. Hhmmmpp!' angil ng kaibuturan niya. Nakakailan na kanya ang lalaki. 'Not my type daw,' ulit sa isipan niya. Nang maya-maya ay pumunta sa tagiliran nito ang bata at tila bagay na tinulak ang tiyuhin papalapit sa kanya. "Stop it Jacob," awat nito ngunit ayaw paawat ang bata. Napangiti siya nang makita ang tila luging mukha ni Zeus. Magkatabi na silang dalawa. "Huwag ka na kasing umangal. Gawin mo na lang gusto ng bata," bulong dito. "Ayoko," madiing sagot naman nito. Aangal pa sana siya nang marinig ang pagkanta ng bata ng tila wedding match. Nakangiting umangkla siya sa kamay ng lalaki. Iilag sana ito nang makapit pa sa tuko ang pagkakapit niya. "'Wag ka nang umangal diyan! Sige, lakad," utos papalapit sa batang tatayong pari. Halos gustong magtatatalon sa tawa ni Kikay nang walang nagawa si Zeus kundi ang umayon sa kanya. "You may kiss the bride," tinig agad ni Jacob sa kanila pagkalapit nila. Nakangangang napatingin agad siya sa kanyang groom este kay Zeus. "Wait, why not do the ceremony first. Why kiss the bride, that's too fast," 'di magkandatutong English ni Kikay. 'Peste! Nabulol-bulol pa ako sa English kong iyon ah,' aniya sa sarili. "You may kiss the bride," ulit ulit ng bata. Bigla niyang siniko sa braso si Zeus. "Kiss the bride daw oh," aniya. Halos magsalubong ang kilay ni Zeus nang makitang nakanguso pa si Kikay habang hinihintay ang halik niya. Hindi niya tuloy alam kung nagpapatawa ba ito o hindi. 'Peste, nasobrahan ata arte ko nga. Hindi kaya nagmukha akong engot nito,' aniya sa sarili nang ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring humahalik sa kanya. "Uncle I said kiss the bride," maktol ng bata. "Sabi na kasi kiss the bride eh," pasaring pa ni Kikay sa lalaki. Nang bigla siyang tumingkayad upang abuting ang mukha ng lalaki upang halikan sa pisngi at tumigil na ang bata bago pa tuluyang mabuwisit ang tiyuhin. Malapit na siya sa pisngi ng lalaki nang bigla itong lumingon sa kanya at saktong sa mga labi nito nag-landing ang kanyang labi. Nanlalaki ang mga mata habang magkahinang ang mga labi nila. Bigla tuloy siyang naghiya kaya natigilan siya. "Done, so back to your home work," anang ng lalaki sa pamangkin saka umalis. Hindi na ito nag-abalang tignan man lang siya. Mabilis dumaan ang araw, linggo at buwan. Napakabilis at magdadalawang buwan na rin pala siyang malayo sa pamilya niya. Papahiga na siya nang makita ang pasalubong sa kanya ng mag-asawang Carlson. Isang mini-ipad iyon. Hindi siya marunong sa mga high tech na bagay ngunit hindi naman siya ganoon kamangmang. Agad siyang napunta sa youtube. Naalala niyang marami na pala siyang na-miss na mapapanood sa Pinas. Lalo na ang MMK. Agad na tinipa ang MMK at lumabas mula roon ang mga episode. Nanood siya. Nakakaiyak ang palabas kaya hindi niya maiwasang umiyak. Tulo ang luha at sipon niya. Ilang episode na ang napanood niya. Grabe na rin ang mata niya nang mapansin ang oras. Alas onse na pala. Kahit ayaw siyang dalawin ng antok ay pilit natulog. Sikat ng araw ang gumising sa kanya. Agad siyang napabalikwas nang maalala ang gamot ni Zeus. Panbilis siyang pumanaog upang puntahan ang lalaki. Hindi na siya nagbihis tutal naman ay oversize pajama ang suot niya. Naghikab muna siya bago kakatok. Hindi niya mapigilang mahikab. Dagdag pa ang malaking mata este mugtong mata niya dahil sa MMK na iyan. Nabigla si Zeus nang mapagbuksan ang naghihikab na dalaga. Taas pa dalawang kamay nito habang naghihikab. Hinuha niya hindi pa yata nagmumumog ito o naghihilamos. Napakunot-noo siya nang makitang mugto ang mata nito. Grabe ang antok niya kaya hindi mapigilan ni Kikay ang humiikab. Nang idilat ang mata ay nabungaran ang seryosong mukha ni Zeus. "You seems so sleepy. You miss, your boyfriend?" tanong nito. Napakunot-noo rin siya. 'Ang aga-aga, Anong boyfriend ang pinagsasabi ng mokong na ito,' irap sa lalaki. "FYI, wala akong boyfriend. Bakit naman pati iyon ay tatanungin mo, aber?" aniya. "Mukhang isang drum kasi ang iniyak mo? Akala ko iniyakan mo ang boyfriend mo. Hindi natiis ang ugali mo kaya hiniwalayan ka," wika ng lalaki. 'Aba't may pagka-chismosa kang herodes ka ah. Boyfriend daw, 'di pa amaning gusto lang malaman kung single ako eh,' pilyang saad sa isip. "Bakit mugto rin ba ang mata mo noong hiniwalayan ka ni Alexis mo?!" uyam sa lalaki. Hindi napaghandaan ni Zeus ang sinabi ni Kikay. Nakita ni Kikay ang pagngalit ng bagang ng lalaki dahil sa sinabi niya. "Don't ever say that again!" matigas at mariing wika nito. "Why? Because you didn't move on yet. Oh man, she's not the only girl in the world," wika habang nakikitang papalayo ito. Sa narinig ay napatid ang pagtitimpi ni Zeus agad na bibalikan si Kikay at sinaklot ang braso nito. "Don't dare me, Kikay. You don't know anything," anito saka muli siyang binitawan. "Siguro nga ay wala akong alam o hindi ko alam. She betrayed you but you still longing for her? Ha?!" sarkastikong wika niya. "She will never comeback, she's happy with other man. Then get life! Get life!" hindi naiwasang ibuhos pa ang lahat. Hindi man kasi sabihin ng mga kasama sa bahay ay alam niyang isa iyon sa dahilan kung bakit tila nawawalan ng lalaki ng ganang mabuhay pa. "Stoooooooppppp!" rinding sigaw ni Zeus. "No! Y-you can't stop me. You need someone to show you what you missed up in your life. Naturingan ka ngang doktor, isip-ata ka naman," uyam sa lalaki. Sa narinig ay muling binalikan ni Zeus si Kikay. 'Takbo na Kikay,' aniya sa sarili nang makitang nag-ala-tigre na ang lalaki. Mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo siya ngunit agad siyang nasukol ng lalaki. Napapaatras siya patalikod hanggang maramdaman ang pader sa likuran. Wala na siyang maaatrasan. Habang patuloy naman ang paglapit sa kanya ni Zeus. Napalunok siya ng tuluyan siyang masukol nito. Wala na siyang kawala habang nakatukod sa pader ang kamay ito sa magkabilaang tagiliran niya. Halos kalahating pulgada na lamang ang agwat ng mukha nila. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito. Habang ang dibdib naman niya ay pabilis ng pabilis. Grabe ang tensyong nararamdaman nang makitang unti-unting bumababa ang mukha ni Zeus sa kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD