Napapikit na lamang si Kikay nang makitang pababa na ang mukha ng lalaki sa kaniyang mukha. 'Kalma, Kikay. Kalma!' hamig sa sarili. Sunod niyang problema ang bunganga na hindi pa nagmumumog. 'Bakit naman wrong timing ang gusto nitong halikan ako?' naiinis na wika sa sarili. Kung kailan hindi agad siya nagmumog ay saka pa yata siya hahalikan ng boss. 'Oy! Naasang hahalikan?' tudyo pa sa sarili.
Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya ng biglang marinig ang tinig nito sa kaniyang punong-tainga.
"Sa susunod na ulitin mo pa iyon ay baka hindi na kita matantiya. Kaya kung wala kang alam ay itikom mo na lamang ang iyong bibig!" gigil na wika ni Zeus sa kaniya.
Nang tignan ni Zeus ang mukha ng babaeng nasa harap ay tila biglang nawala ang inis rito at nais matawa sa hitsura nito.
"Akala mo siguro hahalikan kita noh?!" tudyo nang makitang nakapikit pa rin ang babae sa kabila ng sinabi niya.
"Hindi ah! Napapikit ako kasi-kasi-"
"Kasi-kasi ay ano?" pag-uulit sa kaniya ng lalaki.
"Kasi naaapakan mo ang hinliliit ng paa ko. Ang sakit na. As in," angal niya sabay tulak sa lalaki upang makawala rito.
"Sor—ry!" nahihiyang hingi niya ng paumanhin.
"Sorry, mukha mo! Murder mo ang daliri ng paa ko. Ang sakit noon ah!" Irap sa lalaki.
"Sorry na nga, 'di ba?" giit naman nito. "Next time kasi huwag na magsalita kung wala ka ring alam," dagdag pa ni Zeus.
"Tignan mo ito oh. Hoy! Mister, ikaw ang may kasalanan tapos may gana ka pang magalit!" inis na wika sabay pamaywang sa harap ng lalaki.
Gustong matawa ni Zeus sa hitsura ng babaeng nasa harap. Napakaliit nito pero tila naghahamon pa. Muli siyang naglakad patungo rito at muli rin itong napaurong at bumalik sa pagkakatayonsa pader. Mabilis na tinukod muli ng dalawang kamay sa magkabilaang tagiliran nito.
Nakita niya ang paglamlam ng mata nito kasabay ng pag-umid ng dila nito at paglunok. Alam niyang apektado ito sa kaniyang presensiya.
'Naku naman kasi Kikay. Ginagalit mo ang prinsipe. Ayan tuloy!' maktol ni Kikay sa sarili habang napakabilis ng t***k ng kaniyang puso na tila ba napakaraming dagang naghahabulan doon.
Muling bumaba ang mukha ng lalaki kaya natakot na siya na baka sa pagkakataong iyon ay totohanin na nito. 'Inay ko po. Huwag!' dasal niya na hindi niya namalayang naibubulalas pala niya.
Dahilan upang magbunghalit sa tawa ang lalaki sa narinig buhat sa kaniya. "In your dreams, akala mo siguro ay hahalikan kita noh? 'Di ka pa nga nagtu-toothbrush!" anito sabay talikod sa kanya.
Nainis siya sa sarili dahil totoo naman ang sinabi ng lalaki pero mas nainis siya dahil pinamukha pa iyon ng lalaki.
"Tigil!" malakas na pigil niya sa papalayong lalaki.
"Ano? Baka gusto mo talagang halikan kita?" asar na baling nito.
"As if naman na gustong-gusto kitang kahalikan. Iinom ka na ng gamot mo!" Irap na sabad sa lalaki. Saka mabilis na naglakad at nilampasan ito upang maunang maglakad.
Walang nagawa si Zeus kundi ang sumunod sa babae. Ngunit hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang likod ng babae. Oversize lahat ang suot nitong pajama rito pero he find it cute and sexy. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang biglang lumingon ang babaeng tinitignan.
Sinasabi na nga niya. Kaya pala tila napapaso ang likod niya naglalagkit ang tinging pinupukol sa kaniya ng lalaking nasa likuran niya. Muling napamaywang si Kikay.
"Siguro pingnanasahan mo ako ano?" 'Di mawari kung naninita o nang-aalaska ito.
"Grabe ha?! Nakatingin lang ako sa dinaraan ko pinagnanasahan na kita. At FYI, sa hitsura mong iyan, pagnanasahan ko. Ikaw? Pagnanasahan ko bakit kanasa-nasa ka ba?" balik natanong sa babae.
Napasinghap si Kikay sa sinabi ng lalaki. 'Aba! Namumuro kang unggoy ka ha? Hindi ba kanasa-nasa, makikita mo. Maglalaway ka sa alindog este ganda ko. Hmmmmp!' inis na wika saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
Nang matapos ipainom ang mga gamot nito ay mabilis na iniwan ang lalaki. Nakita niyang tahimik lamang ito habang nakaupo sa gilid ng kama nito. Nakitang nagkalat pa ang silid nito. 'Naman ang lalaking ito. Nagdoktor pa kung burara naman!' angal saka nagsimulang damputin ang mga nagkalat sa sahig na iba-iba hanggang sa madampot ang isang underwear.
Nabigla siya nang makita ang nasa kamay at halos maibato niya ito sa lalaki. "Hoy mister! Caregiver lang ako hindi mo asawa. Bakit pati under-" putol na wika na hindi maituloy ang tinutukoy na bagay. "Underwear mo ay nakakalat!" aniya sa lalaki.
Wala itong imik at printe pang umupo saka nanood ng TV. Mas lalo siyang nainis sa ginawi ng lalaki kaya mabilis siyang lumapit sa lalaki at iniharang sa mukha nito ang underwear nito.
"Bakit mo hawak iyan?!" agad na hablot nito sa kaniya.
Tumawa ng malakas si Kikay. Saka biglang tumigil. "Paano naman po kasi ay naka-display ang batman mong brief. Dok!" pang-aasar niya pa sa lalaki saka muling tumawa.
Nainis na rin si Zeus kaya mabilis niyang dinakma ang babae at hinila dahilan upang pumaibabaw ito sa kaniya.
Nabigla si Kikay sa huling ginawa ng lalaki sa kanya at nasumpungan na lamang ang sarili sa nakakatwang aktuwasyon sa ibabaw nito kasunod ng paglagitlit ng pintuhan.
Kapwa sila hindi nakagalaw sa biglaang pagpasok ng kung sinuman. Kasunod ng mabilis na paglabas nito.
"I'm sorry!" agad na wika ng babae na nabosesan niyang ang Mama ng lalaki iyon.
Mabilis siyang bumaba sa kama. Biglang natahimik rin si Zeus. Tinungo agad ni Kikay ang pintuhan at doon ay nagtama ang mata nila ng ginang. Nagbaba siya ng tingin dahil nahihiya siya dito. Baka kasi isipin nitong inaakit niya ang anak nito.
"Hmmm!" tikhim niya upang tanggalin ang barang bumikig sa lalamunan. "Ma'am, sa nakita po ninyo. Wala po iyon, kasi nainis po si Sir Zeus. Bigla po niya akong hinila. Nabigla lang din po ako kaya ganoon po iyong nakita niyo," sunod-sunod na paliwanag siya sa ginang. "Sorry po," dagdag pa habang nakatungo.
Ilang segundo pa ang lumipas ngunit walang reaksyon buhat sa ginang.
"Naku, Ma'am sorry po talaga," ulit dito.
Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa balikat niya. Agad siyang napaangat ng mukha at nakita ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Okay lang iyon. Alam mo habang nakita ko kayo kanina. I saw my son face. My god, I knew it! I knew it!" tila batang wika nito.
Napanganga siya sa reaksyon ng ina ng lalaki. Buong akala niya ay magagalit ito. Kuntodo hingi pa siya ng pasensya rito. "Alam kong gagaling na ang anak ko at tila maging ang kaniyang puso," masayang saad nito.
'Maging ang kaniyang puso?' ulit ng isipan sa huling sinabi nito. Anong ibig sabihin nito. 'May sakit ba siya sa puso?' tanong pa ulit sa isipan.
"Maaaa!" tinig na naroroon na pala sa kanilang tabi.
"Anak, huwag kang KJ. Masaya lang ako at magkasundo na kayo nitong si Kikay. Hmmmm! Sana naman Kikay ay masaya ka sa amin. Huwag kang mag-alala. Mabait naman itong si Zeus, 'di ba anak?" diga pa nito sa anak.
"Naku Ma'am, I'm so happy. I'm just nose bleed in your grandson and your husband," pilipit at nakatawang English niya na hindi malaman kung tama ba ang grammar o hindi.
Hindi naiwasang matawa ni Zeus sa sinabing iyon ng babae. Nang marinig ni Kikay ang impit na pagtawa ng lalaki sa tabi ay mabilis itong siniko.
"Ouchhhh! Ang sakit noon ah!" agad na angal ni Zeus.
"Dapat lang sa'yo!" inis na wika.
"Hep! Tama na iyan. Breakfast is ready kaya bumaba na kayong dalawa. You better both fix yourself first. I invited, your Aunt Lucille to be with us for breakfast. She will be here anytime soon," ani ng Mama niya saka ito umalis.
Bago umalis si Kikay ay umirap muna ito sa kaniya na sinuklian naman niya ng isang pilyong ngiti na kinainis pa lalo ng babae.
"Mag-toothbrush ka ha? Baka mamaya pwede na!" pahabol ditong pang-asar.
"Tssseee! Neknek mo!"
Nasa hapag na silang lahat nang pumasok roon si Kikay. Halos bumagal ang lahat ng bagay sa paligid ni Zeus nang makita ang babaeng papalapit sa kanilang kinaroroonan. Hindi niya alam kung bakit tila bigla siyang nabatubalani sa kagandahan ng babaeng papalapit.
Tila nag-slow motion ang pakiramdam ni Kikay ng matuon ang lahat ng mata ng taong naroroon sa komedor at nakaupo sa mahabang mesa sa kaniya lalong-lalo si Zeus. Eksaherada man ang pakiramdam niya ngunit feeling niya ay napakaganda niya sa sandaling iyon.
Suot niya ang pinakamagandang bestidang nabili niya sa ukay-ukay sa kanilang bayan bago siya lumipad papunta roon. Isang bulaklaking bestida iyon na may maliit na manggas at pabalong palda na hanggang itaas konti ng tuhod. Lumitaw ang makikinis at mapuputi niyang hita na tinirnuhan niya ng isang flat sandal. Para hindi namang alangan dahil nasa bahay lang naman sila.
"Wow! You look so good today, hija!" puri ng Mama ni Zeus.
"Thank you, Ma'am," tugon rito.
"Anak, paupuhin mo na itong si Kikay diyan sa tabi mo?" Utos nito sa lalaking natitigilan. Ngunit ilang sandali pa ay wala pa rin itong reaksyon.
"Anak!" ulit ng ginang. "Anak!" ulit nito na mas malakas na nagpagising dito.
"Oh, I'm sorry, Ma. What is it?" tarantang wika nito. Dahilan para magtawanan lahat ng mga naroroon.
"You're Mom said, let Kikay seat next to you," ulit na ng Papa nito.
"Okay, have a seat," anito sa kaniya habang inaayos niyo nito ang uupuan niya.
"Hello po," agaw pansin niya sa bisita nila. Kapatid iyon ng Stepdad ni Zeus.
"Hi! Hows your stay here in the US? Hope you're having fun," magiliw nitong saad na halos hindi niya maintindihan sa sobrang slang.
"Yes, Ma'am. I'm enjoying here. Really, it's so fun," aniya na hindi magkandatuto.
Natawa na lamang ang mga ito saka nagsimulang kumain. Tahimik lamang sila ng lalaki habang nag-uusap-usap naman ang mga kasama nila sa mesa.
Sa dami ng kutsara, tinudor at kutsilyo sa harapan ay hindi niya malaman kung ano ang gagamitin. Hindi niya napaghandaan iyon, akalain ba niyang ganoon pala karaming kubyertos ang mga mayayaman kapag kumakain.
Agad namang napansin ni Zeus ang pananahimik ng katabi at nakamata lamang ito sa nasa harap na soup. Agad niyang dinampot ang kutsarang gamit sa soup. Nakita niyang dinampot din nito.
Gusto niyang matawa sa kainosentehan ng babaeng katabi pero hindi niya ginawa. Umupo siya ng tuwid saka nagsimulang kainin ang soup niya.
Napakunot-boo si Kikay sa ginawa ng lalaki. 'Peste! Pati ba sa pagkain magkaiba rin ang ginagawa ng mayaman sa mahirap,' atungal ng kalooban. Sila kasi eh kahit anong klaseng kutsara ay okay na basta kutsara at ang mahirap yumuyuko kapag sabaw ang kakainin bakit sila tumutuwid ang upo.
Wala siyang ginawa kundi ang gayahin ang ginawa ng lalaki at masuyong kinutsara ang soup saka sinanggi-sanggi sa bowl upang matanggal ang ilang exist sa ilalim ng kutsara upang hindi tumulo kapag nilapit na sa bibig niya.
'Ang hirap pala maging mayaman. Daming checheburetche! May papanyo-panyo pa bago kumain,' aniyang puna ulit.
Nang agawin siya ng tinig ng bata sa tabi niya. "Hey, you have some food in your lip," anito.
Lahat at napatingin sa kaniya kaya mabilis ang ginawang pagdila sa buong bibig niya.
Natigilan siya sa ginawa nang makitang nakamata sa kaniya ang lalaking katabi. Agad nitong kinuha ang isa pang panyo na nakalapag sa mesa at dinampi-dampi ito sa bibig nito.
Halos bumaba hanggang sa mesa ang panga sa ginawa nito. 'Peste ang hirap maging sosyal. Ayaw ko naaaaa,' hiyaw ng kaniyang kalooban.
Maya-maya ay biglang may sumipa sa kaniya. Agad siyang napalingon sa katabi na nangingiti. Gumanti rin siya ng sipa rito dahilan upang tuluyan itong tumitig sa kaniya.
Binilatan niya muna ito saka kumagat ng ginawa niyang egg sandwich. 'I miss tuyo with sukang sawsawan. Ang hirap talagang maging sosyal walang sinangag!' muling angal ng kaniyang isipan sa tumingin sa katabi na nakatingin pa rin pala sa kaniya.
Muling nagtama ang kanilang paningin kasunod ng paglundag ng kaniyang puso.