Chapter 6:

2102 Words
Habang pinagagalitan ang sarili ay hindi niya namalayang nasa gilid na pala siya ng pool at hindi nabalanse ang katawan kaya tuluyan siyang bumagsak sa tubig. "Aaaaaayyy!" malakas na palahaw ang narinig ni Zeus mula sa pinanggalingan at nakita mula roon ang kumakampay na babae. 's**t!' mabilis na mura niya pabalik. Marunong siyang lumangoy pero kapag ganoong natataranta siya ay hindi niya alam ang gagawin. Naalala niya noong binatilyo sila ng mga kaibigang sina Luan at Xian. Nang minsang malunod si Xian. Wala siyang nagawa noon kundi ang umiyak habang nakikitang nililigtas ni Luan ang kaibigang si Xian. Bukod kasi sa sakitin siya ay mahina ang puso niya. Kaya na-inspire siyang maging doktor. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ng babaeng kumakampay. Nag-alangan siya kung tatalunin ba ito o hindi? Pero nanaig ang kagustuhan sagipin ang babae. Nasiyahan si Kikay nang malublob siya sa tubig. Tutal ay basa na siya ay maliligo na lang siya. Nagpakampaypay siya at nagpalutang sa tubig. 'Sayang kung alam ko lang na maluloblob ako aba! Nag-two piece ako,' aniya sa isip saka maalala ang dalang swim suit. Kung katawan lang naman ang pag-uusapan ay may ibubuga naman siya. Kung kagandahan naman ay maganda naman siya. Huwag lang siyang tatanungin ay baka dumugo ang utak niya, lalo na kung English. Nasa ganoong pag-iisip siya ng agawin ng pansin niya ng labusaw ng tubig. Mabilis siyang lumangoy paahon nang makitang hahabulin pa siya ng kung sinong herodes na tumalon sa pool. 'Magagamit ko pa yata ang martial arts ko rito ah,' aniya sa sarili habang papalapit ang lalaki sa kanya. Mabilis siyang umahon. Saka humanda sa unang pag-atake rito. Nabuwisit si Zeus nang mapagtantong marunong naman palang lumangoy ang babae. Ang siste tuloy ay naghabulan pa sila sa tubig. 'Hoy! Umahon ka diyan ay palalamunin kita ng aking malakabayong tadyak,' wika sa sarili ng makitang paahon na rin sa pool. Muwestra na niya ang paa nang biglang magtaas ng tingin at mukha ni Zeus ang nakita. Nang ganap na makaahon ng lalaki ay hindi niya namalayang matakam este mapalunok. Hubad baro kasi ito at tanging ang cargo short lamang ang suot nito. Kung kanina ay sa larawan niya lang pinagnasahan este pinagmasdan ang katawan nito ngayon ay mismong ito na ang nakahubad sa harapan. "Do you think it is funny!" singhal nito sa kanya ng makabawi. Naningkit ang mata niya. Wala itong karapatang makasigaw ng ganoon ito nga basta na lang lumusong sa tubig at may balak pa yatang ilublob siya. Nakipaghulian pa ito sa tubig. "Hoy, Mr. Sungit! FYI, talagang nakaka-funny sa ginawa mo. Papatayin mo yata ako sa nerbiyos ah, akala ko ay may gagahasa na sa akin! Mabuti na lang magaling akong lumangoy," nakapamaywang na wika. Mas lalong nainis si Zeus sa narinig. 'Gagahasahin huh!,' angil ng kalooban sa sinabi ng babae. "Una, hindi ako namimilit ng babae at sa hitsura mong iyan-" ani ni Zeus saka tinitigan si Kikay mula ulo hanggang paa. "Walang kagaha-gahasa," anito saka mabilis na tumalikod sa kanya. Sa totoo lang ay mababakas ang ang angking kagandahan ng katawan ng babaeng kaharap nang mabasa ang manang nitong damit. Bumakat kasi ang basang damit nito sa kaniyang katawan. "What! Gagong lalaki iyon ah, wala daw kagaha-gahasa. Kakainis," aniya saka mabilis na hinabol ang lalaki. Dumipa siya sa harap nito. "What?" taas na kilay na tanong ni Zeus. Nabahala si Kikay sa nakitang kaseryusuhan ng lalaki. Mukhang may sumpong na naman ito. "I'm asking you?! What is it?" ulit nito. "Ah, Sir, towel ko kasi ang hawak mo. Ayon iyong towel oh," sabay turo sa unuupuhan nito kanina. Napatigil naman si Zeus sa sinabi ng babae saka tinignan ang towel. Inabot niya ito saka mabilis na tinungo ang tinuro ng babae. 'Ayos ang palusot mo Kikay ah,' aniya sa sarili habang nakatingin sa likod ng lalaki. Nang makaligo at makapag-ayos ay mabilis siyang pumanaog dahil kailangan na namang uminom ng lalaki ng gamot. Papunta na siya upang katukin ang lalaki nang makitang nakatayo at nakatingin lamang ang bata sa pintuhan ng silid ng uncle nito habang kipkip ang isang kuwaderno. Napangiti siya. Alam niya na ang pakay ng bata sa tiyuhin. "What are you doing here? Knock the door," utos sa bata. May pag-aalinlangang tumingin ito sa kanya. "Go," engganyo niya rito. Siguro ay naaalala pa nito nang sigawan ito ng lalaki nang magpumilit na magpaturo ng assignment. Kakatok na sana ito ngunit napatigil at bumaling sa kanya. Napabaling-baling ng ulo na bakas pa rin sa mukha ang pag-aalinlangan. Ngumiti siya at inakay ito. "Come with me," aniya saka kumatok sa pintuhan. "Yes, what you want?" wika ng lalaki. "It's time to take your medicine and Jacob is here," tukoy niya sa pamangkin nito. "Come in," anito saka mabilis silang pumasok. Nakahiga ang lalaki sa kama nito habang nanunood. Agad na inabot ang gamot kasabay ng baso ng tubig. "What you want with your uncle?" tanong niya sa bata. "I need help on my home work," alanganin pa ring wika ng bata. Tila naman walang narinig ang lalaki. Hindi man lang tumayo upang tignan ang assignment na sinasabi ng bata. Mas lalong nalungkot ang bata. Sa inis ay hindi niya maiwasang batuhin ang lalaki. "s**t!" mabilis na mura ni Zeus nang maramdaman ang pagtama ng kung anong bagay sa mukha. Agad na napalingon kay Kikay na nandidilat ng mata sabay nguso sa pamangkin niya. Binalik ni Zeus ang pansin sa TV at hinayaan ang babae. 'Ang herodes, walang pakialam. Hahaba na ang nguso ko ngunit no pansin lang. Peste! Lintik lang walang ganti,' aniya sa isip saka tumayo sa harap ng TV. "Jacob, what is your home work?" malakas na wika. "Math? I don't know," mahinang wika ng bata. "Really? I love Math. Show me," aniya habang tinatakpan ang telebisyon. Mukhang nananadya ang babaeng nasa harapan niya. Pilit na binabaling ang tingin ngunit sunod naman ito nang sunod. "Ano ba Kikay, nanunood ako?" maktol niya rito. "'Di manood ka, walang pumipigil sa'yo," sagot niya naman habang tinitignan ang takdang aralin ng bata. Nanlaki agad ang makita ang dollar sign sa assignment nito. Basta usaping pera ay magaling siya. Anong silbi ng pagiging reyna ng peryahan kung hindi marunong sa pera. "Wow! Is this your home work? Don't worry, I'm good in money matter," ngiting wika sa bata. Napayuko siya habang inaabot ang notebook ng bata nang mapansing nanlalaki ang mata ng lalaking kanina ay inis na inis. Agad siyang napatingin sa sarili nang makitang-kita pala ang cleavage niya sa pagdukwang. 'Seyeeeeteee!' hiyaw ng isip saka mabilis na umayos ng tayo. 'Pero infairness maputi naman at malusog. Kaya care bear kung nakasilip, lumuwa na ang mata,' dagdag pa sa sarili. Parang biglang uminit naman ang bunbunan ni Zeus. Ewan ba niya kung bakit naapektuhan siya sa nakita. Bilang doktor ay normal na sa kanya ang human anatomy. Sa katunayan nga ay bilang propesyunal ay ituring na walang malisya ang mga bagay na ganoon pero sa babaeng nasa harapan tila nasisilihan ang pwet niya. Lalo na at tila nananadya pa ito dahil sa ngayon ay pwet naman nito ang nasa harapan. Nainis si Kikay nang tila nawawala siya sa huwesyo dahil sa tinging pinupukol sa kanya ng lalaki. Bigla pang nahulog ang lapis na inabot ng bata kaya dinampot iyon patalikod sa lalaki. Mahirap na baka tuluyang tumayo ang hindi dapat natayo. "Ah, this is very easy, Jacob," aniya nang makita ng tuluyan ang nasa kuwaderno ng bata. Pilit na tinuon na lang ang pansin doon kaysa pansinin ang lalaki. Mabilis namang nakuha ng bata ang tinuro kaya ito na ang gumawa. "Pwede ba lumayas ka muna diyan sa harapan at makapanood ako? Buti sana kung maganda ang-" putol na wika ni Zeus. Nanlaki ang mata ni kikay sa narinig. "Maganda ang alin? Ituloy moooooo!" sikmat niya. Mukha kasing may nais ipakahulugan ito. "Wala! A-alis!" sigaw ni Zeus. "Hoy! Mamang masungit. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinasabi ang nais mong sabihin," matigas na wika. "Okay, tutal mapilit ka. Buti sana kung kasing ganda mo si Cristine Reyes," ani ng lalaki. Napataas kilay siya. Crush yata ang herodes si Cristine Reyes ah. "Mr. Sungit, Anne Curtis ito. Anne Curtis," diin niya. "Ikaw nga diyan mukhang, Brod Pit," aniya tukoy ang komedyanteng si Brod Pit. "Anong nakakatawa doon?" singhal ni Zeus sa kanya dahil hindi maampat ang pagtawa. Sapo na niya ang tiyan sa katatawa dahil nakabusangot na ang lalaki. 'Sarap mo palang asarin eh,' aniya sa isipan. "Wala. Trip ko lang tumawa. Walang basagan ng trip, 'Dre," aniya sabay diga rito. Hihirit pa sana si Zeus nang bigla silang bulabugin ng ring ng cellphone ni Kikay. Agad na sinagot ng dalaga ang tawag. "Yes, hello?" alanganing tinig ni Kikay. Hindi niya kasi kilala ang numerong nakalihestro doon. "Yes. Ma'am. Yah, don't worry Zeus is fine," sunod-sunod na tinig na narinig ni Zeus buhat kay Kikay. Mula sa narinig ay alam na niya kung sino ang kausap nito. Ang kanyang Mama. "Naku, Ma'am Janeth huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay good boy naman po si Sir Doc. Okidokidok," anito. Natawa ang ginang sa kabilang linya sa sinabi ni Kikay. Saka sila nagtawanang dalawa. Napakunot noo si Zeus. 'Aba't namimihasa ang babaeng ito ah. Gawin pa akong bata, nakakainis ah,' maktol sa sarili habang nakatingin sa nakangising mukha ng babae. Nakita niyang binaba na nito ang cellphone kaya mabilis niya itong sinita. "I think I'm the boss here," tinig na nagpabalik sa seryosong mukha ni Kikay. "Yes, you are?" balewalang wika. "Then follow what I said. Anyways, mukhang ginawa mo pa akong bata sa pagsusumbong mo kay Mama ah," sarkastikong wika pa ni Zeus. Nakapamaywang na humarap si Kikay sa lalaki. "Excuse me! Masuwerte ka nga at sinabi kong good boy ka at natuwa pa ang Mama mo. Yes, you're the boss but your parents gives me the authority, so? Let me be the boss 'till they arrive. Babooo!" aniya sabay kalong kay Jacob palabas sa silid ng lalaki. Napahagikgik na lang si Kikay nang tuluyang makalabas ng silid ng lalaki. "s**t! Ako ba talaga'y binubuwisit mo Kikay," inis na anas ni Zeus nang makalabas ang babae. Kinabukasan ay maagang nagising si Zeus. Hindi na siya nakatulog pa kaya minabuting pumasok sa silid kung saan naroroon ang kanyang drum. Mabilis na hinampas ang mga cymbals na nasa itaas ng drum habang inaareglo ang piyesang tutugtugin. Biglang napatayo sa higaan si Kikay sa nakakabinging tunog na nagmumula sa kabilang silid. Halos malaglag siya sa kama sa kabiglaan. "s**t, ano ba iyon?" pungas na wika. Habang pilit dinidilat ang mata. Nakitang alas siyete pa lang ng umaga. Sa inis ay agad na sinugod ang silid ng lalaki. Wala ito sa kama ng pasukin ang kuwarto nito. Alam na niya kung nasaan ito kaya mabilis na tinulak ang pintuhan at bumulaga sa kanya ang lalaking abala sa pagpalo sa drum. "Ahhhhhhhhhh!" malakas na tili niya upang agawin ang pansin ng lalaki at hindi nga siya nagkamali. Lukot ang mukhang nakatingin sa kanya na may pagkahalong sindak at pagkamangha. Nang maalala ang hitsura niya. Bigla siyang napatingin sa puting kamison na suot at napakapa sa kanyang buhok na sabog at mukha na may puting cream na nilagay para matanggal ang pekas na iniwan ng kanyang pimples noong nakaraang may dalaw siya. "Ahhhh!" muli niyang tili nang mapagtanto ang hitsura. Agad na nakabawi si Zeus. Akala nito kanina ay white lady na ang nagambala niya. Iyon pala'y si Kikay. At naging uneasy ang kilos lalo na at sa puting kamison ng dalaga ay bakat ang tinatago nitong alindog. Nakailang lunok din si Zeus sa kagandahang nakalatag sa harapan. Nang maramdaman ni Kikay ang tinging pinupukol ng lalaki ay agad siyang umatras at bumalik sa silid. Ngunit bago makalayo ay pinaringgan niya ang lalaki. "Pwede ba? Magpatulog ka muna. Bibingihin mo ako sa lakas ng hampas mo," sigaw niya. Hindi na pinatulan pa ni Zeus ang pasaring ng babae. Tuluyan kasing madiskaril ang konsentrasyon at hanggang sa sandaling iyon ay ini-imagine ang mala-diyosang katawan ng babae. Tuluyan siyang nawalan ng ganang tumugtog kaya minabuting magtungo sa bathroom upang mag-shower upang mapatay ang apoy na binuhay ng babae sa kanyang kaibuturan. Naalala niya tuloy. Ilang taon na ba siyang walang kasintahan mula ng lukuhin siya ni Alexis. Habang nakatapat ang kahubdan sa shower at basang-basa siya ay patuloy na nasa isip ang magandang mukha at katawan ni Kikay. 's**t! Zeus, babae lang iyan,' hamig sa sarili dahil tila ayaw humupa ang init sa katawan kahit ramdam ang malamig na tubig buhat sa dutsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD