"Napaka sama mo talaga!!"
Sigaw ng ama ko dito. Nagulat ako ng may pumutok.
"Dencio..!!"
Sigaw ng Ina ko. Kaya napatingin ako sa taas.
"Ina. Ama anong nangyayari sa inyo diyan?" Sigaw ko sa ibaba. Kahit alam ko na hindi nila maririnig ang sigaw ko. Dahil malalim ang kinalalagyan ko.
"Talagang masama ako. Kaya nagkamali kayo na hindi ako ang pinili niyo. Sa ayaw at sa gusto niyo magiging akin siya at wala kayong magagawa dun. "
Sabi nito at tumawa pa ng malakas.
"Kahit anong Gawin mo. Wala kaming sasabihin dahil hindi namin alam kung nasaan ang anak namin ngayun."
Sabi ng Ina ko. Habang galit na galit na naktingin dito at hawak ang ama ko na may sugat sa balikat dahil sa tama Ng bala.
"Alam ko kaya magdasal na kayo dahil isusunod ko kayo sa mga kapwa niyo katutubo na nakipag kita na sa Anito niyo at kahit hindi niyo sabihin makikita ko din ang anak niyo. Wag kayong magalala ihahabol ko siya sa inyo Pagkatapos ko siyang paligayahin para kahit kasama niyo na siya hindi niya ako makalimutan." Sabi nito at humalakhak pa ito ng malakas.
"Dalahin niyo yan at isama niyo sa iba."
Sabi nito at kinaladkad na ng mga tauhan niya ang mga magulang ko.
Ng marinig ko ang pag alis nila. Gumawa ako ng paraan para makaakyat sa taas. Kaso bumigay ang kinakapitan ko na tangal ito sa pagkakabaon sa lupa. Dahil sa bigat ko kaya nagderedertso akong nalag lag sa bangin. Tumama ako sa nakausling bato kaya nawalan ako ng Malay bago ako bumagsak sa tubig.
****
"Lando paki ayos mo ang sasakyan na yan.at yan ang dalahin namin papuntang ilocos balak ko na magbakasyun kami dun ng Isang lingo."
Sabi ni Berting na amo nito.
"Sige po sir."
Sagot nito kay Berting.at umalis na si Berting iniwan na ito pagkatapos sabihin yun at si Lando naman ay nagutos sa mga katulong na linisin ang Featherlite Vantare Platinum Plus. Isa ito sa mamahaling sasakyan nila Don Mauricio noong nabubuhay pa ito. Ito ang sinasakyan nila kapag malayo ang lugar na pupuntahan nila Dito sa pilipinas. Pinamahala ito ni Jade kay mang Berting nitong nakaraan lang. Kaya ngayung pupunta sila sa ilocos ito ang gusto nilang sakyan. Kasi para lang silang nasa hotel habang nagbibiyahe. Dahil ang sasakyan na ito ay parang bahay. May sarili itong banyo,kusina, Sala, dining table at mga kwarto. Kaya kapag naka sakay ka dito para kang nasa hotel lang. Lagi itong pinalilinis ni Mang Berting sa mga katulong kaya konting linis na lang ang gagawin nila.
Pagdating ng hapon nagumpisa na silang umalis may kasama silang mga tuhan ni Don Mauricio. Naka sakay sa Vantare silang mag asawa kasama Ang isang katulsi Lando siya ang personal na magluluto sa mga amo niya. May kasama din silang dalawang driver. Namagsasalitan sa pag mamaneho.
Papunta sila sa private resort nila mang Berting sa ilocos.
Mag cocomping ang mga ito. Ganito sila tuwing summer nagbigay talaga Ng Oras si berting sa asawa niya para ipasyal ito o kaya pupunta sila sa mga resort nila.
minsan sa Ibang bansa. Para malibang ito at makalimutan ang anak nila na namatay. Tanghali na sila dumating sa resort.
"Magandang tanghali sir!"
Bati ng Isang may idad na babae sa kanila. Pero tumango lang dito si Berting ang asawa nito ang bumati sa babae.Ang kinausap niya ang asawa ng babae.
"Halika na po kayo ng makakain, nagluto po ako nung malaman ko po na darating kayo." Sabi nito kaya dumeretso sila sa kusina para kumain.
Pagdating ng gabi nagtayo ng tent sila Lando sa tabi ng dagat. Kasi gusto nila Berting dun matulog. Napagkasunduan nila ng asawa niya na mamimingwit sila ng isda sa may bandang malayo sasakay sila ng balsa.
Pagkatapos nila mamingwit sinalubong sila ni Lando. Papunta na sila sa tent ng may mapansin si Berting sa tabi ng dagat.
"Ano yun parang may basura na inanod sa tabi." Sabi nito at tinuro ang tabing dagat.Inilawan naman ni Lando ng plus light ang tinuturo nito. May nakita nga siyang inanod dun. Nilapitan nila ito ni Berting. Laking gulat nila ng makita na tao ito.
"Sir tao po at isang babae. Mukha po siyang katutubo sa suot niya."
Sabi nito habang iniilawan ang babae na punit punit ang damit na suot. Hinipo ito ni Lando sa leeg tiningnan niya kung buhay pa ito dahil puro sugat ito.
"Sir buhay pa po siya."
Sabi niya ulit.
"Buhatin mo at dalahin sa loob ng bahay." Sabi ni Berting dito. Kaya agad naman itong binuhat ni Lando at dinala sa loob ng bahay.
"Ay! Ano ba yang buhat buhat mo Lando?" Tanong ng may idad na babae na sumalubong sa kanila nung dumating sila.
"Wag ka na ngang magtanong Belen at ihanda mo na lang ang kwarto na paglalagyan ko dito."
Sabi ni lando dito. Kaya agad itong lumakad. Sumunod naman dito si Lando at si Berting.
"Dito. Dito mo siya ipasok."
Sabi nito at binuksan ang kwarto sa taas ng bahay. Hiniga nila ang babae Dito.
"Belen Ikaw na ang bahala magbihis sa kanya at Lando tawagan mo ang private Doctor natin dito sa ilocos papuntahin mo dito para gamutin ang babae."
Sabi ni Berting at nagpaalam na ito sa kanila. Tawagin na lang daw siya nila kapag dumating ang doctor.
Tinawagan ni Berting si Jade pinaalam niya ang tungkol sa dalaga na nakita nila sa tabing dagat.
Kianabukasan dumating ito sakay ng
chopper kasama si Doctora Donita ang private Doctor ni Jade.
"Nasaan siya mang Berting?" Tanong nito kay Berting.
"Nasa taas siya Iha" Sabi nito. pinuntahan nila. Nakita nila na inaasikaso ito ng asawa ni Berting.
Nilapitan ito ni Doctora Don tinahi nito ang sugat ng dalaga sa ulo.
"Wala naman na pinsala sa katawan niya . maliban sa mga sugat at konting bale sa balikat niya at hita
. Sanhi siguro ng pagkakatama niya sa mga bato." Sabi ni Doctora Don.
"Kailan siya magkakamalay?" Tanong ni Jade.
"Sa ngayun hindi pa natin alam. kung kailan siya gigising." Sagot ni Doctora. Lumabas na sila ng silid.
"Ano sa palagay mo ang nangyari sa kanya?" Tanong ni Jade kay Doctora. Napaisip ito.
" Ayun sa nakita kong mga sugat niya. Parang galing siya sa mataas at nalalag lang siya sa tubig.Sa mga galus at bali na natamo niya kasi mukhang hindi galing sa dagat ang mga yun." Sabi nito. napaisip narin si Jade.
'" Kung ganun maari ka bang maiwan dito para personal na tumingin sa kanya. Para sa safety niya. Hindi natin alam kung ano ang nangyari s kanya. Pano kung nanganganib pala ang buhay niya. Hindi ako pwede basta kumuha ng doctor pano kung may naghahanap na pala sa kanya. Hangat hindi natin alam kung sino siya at kung anong nangyari sa kanya" Sabi ni Jade.
"Sige magpapaalam lang ako sa ospital."
Sabi ni Doctora.
"Sige magpapaalam din muna ako sa opisina." Sabi ni Jade at nagpalam muna sila kay Berting.
" Tawagan niyo po ako pag may nagyari o kaya nagising siya. magpapaalam lang kami sa mga trabaho namin babalik din kami bukas." Sabi ni Jade kay Berting. Tumango ito.
*****JESSEI POV#*****
Nagising ako sa isang silid. Nagulat ako ng makita na hindi ko ito silid. Kaya agad akong napabangon. Ngunit napahiga uli dahil sa sakit ng ulo ko at kanang balikat. Masakit din ang kaliwang hita ko. Kaya napa tingin ako sa balikat ko. May benda ito. Kinapa ko ang ulo ko. May benda din. Ganun din ang kaliwang hita ko.
"Ano ang nangyari sa akin? At nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko at inilibot ang paningin ko sa paligid ng bumukas ang pinto. May pumasok na isang may idad na babae.
"Oh Iha, gising ka na pala."
Sabi nito sa akin. Napatingin ako dito at napa kunot ang noo. Hindi ko siya kilala.
"Sino po kayo? At bakit po Ako nandito?"
Sunod sunod na tanong ko dito.
"Aay! Ang dami mong tanong teka lang at tatawagan ko si Doctora Donita. Para malaman niya na gising kana.Bago kita sagutin." Sabi nito at kinuha ang CP niya sa bulsa at tinawagan ang doctora na sinasabi niya.
"Hindi nga namin alam. Kong pano ka napunta sa dagat at inanod papunta dito sa resort." Sabi nito sa akin. Nakaupo na ito sa tabi ko.Napatingin ako dito.
"Sa dagat? Anong dagat?"
Tanong ko dito. Dahil nalilito ako. Anong dagat at paano ako na punta sa dagat.. Wala akong maalala.
"Oo dagat, dun ka namin nakita sa tabing dagat. Wala kang malay..Ano ba ang nangyari sayo Iha?"
Tanong nito sa akin. Lalo lang kumunot ang noo ko. Dahil lalo lang akong nalito.
"Anong dagat? Paano ako napunta sa dagat?." Tanong ko dito at na tampal nito sa noo niya.
"Ibig mong sabihin hindi mo alam kung bakit ka nasa dagat?"
Sabi nito sa akin tumango Ako.
"Naku baka sa pagkakatulog mo ng matagal kaya nawala ang alala mo.tulog ka uli para bumalik ang alala mo baka naiwan mo sa panaginip mo."
Sabi nito sa akin. Na lalo lang akong nalito dito. Maya maya dumating na ang doctora.
"Doc wala daw siyang maalala sa nangyari sa kanya."
Sabi ni manang sa Doctora. Tiningnan ako ng doctor at iniilawan ang mata ko kinuha ang blood pressure ko at tiningnan ang paghinga ko.
"Wala naman siyang problema.Baka pansamatlang memory lost lang yan. Babalik din ang alaala mo. Sanhi yan ng pagka banga ng ulo mo sa isang matigas na bagay. Kaya nagkaroon ka ng temporary memory lost."
Sabi nito sa amin at Maya maya nagpaalam na ito sa amin.
"Wala ka talagang naaalala sa nangyari sayo. Kahit pangalan mo." Tanong ni manang ng makabalik na ito. Tumango Ako dito napa buntung hininga ito. Nakita ko na may ibang tao maliban sa amin ang narito sa silid.
"Ilang Araw na po akong tulog?"
Tanong ko dito.
"Dalawang lingo lang naman."
Sabi nito sa akin. Maya maya nagpaalam na sila sa akin. Nung makaalis na sila ipinikit ko ang mata ko para magisip. Baka may maalala ako pero wala talaga along maalala.
Hangang sumapit ang isang buwan matagal ng bumalik si mang Berting sa Cavite at naiwan dito sila doctora Donita, Jade at Michelle na nakatulala.
Dinala ito ni Jade para daw makapsagap ng sariwang hangin. Kinuhang private doctor ko si Don ni Jade ang amo ni mang Berting para magasikaso sa akin. Ang ginawa nila dahil wala akong naaalala kahit ang pangalan ko. Laura ang tawag nila sa akin. Ang pangalan ng anak ni mang Berting na namatay. Hindi muna umalis si Jade kaya sila ni Doctora ang kausap ko. si Michelle naman unti unti ng gumagaling kasabay ko. Pinaimbistigahan ni mang Berting ang malalapit na lugar sa resort baka may nawawala. Pero wala silang nalaman.
Hangang umabot ng dalawang buwan wala parin akong maalala. Hangang umalis na sila Jade dahil sinundo ito ng boyfriend niya yata yun. Naiwan kami ni Michelle na nakakausap na. Minsan nandito ang kapatid nito. Hindi ako pinalalayo ni mang Berting sa resort dahil hindi paraw sila nakakasiguro sa kaligtasan ko.
Minsan dumating sila Jade dito sa resort Kasama ang mga kaibigan niya may ka mission daw sila dito sa ilocos. Ng dumating sila may sugat ang ibang kasama niya. Ewan ko kung saan ko nakuha ang alaala ko. Ng gamutin ko ito parang alam na alam ko ang ginagawa ko. Kaya nagulat si Don ng dumating ito sakay ng Chopper. Na nakabenda na ang mga kasama ni Jade.
"Laura baka Isa kang Doctor at na disgrasya kayo sa dagat. Baka lumubog ang barko na sinasakyan niyo."
Sabi ni manang sa akin. Nanlaki pa ang mata nito ng matapos ko ang paggagamot ko sa kasama ni Jade kanina. Napa isip din ako sa sinabi niya sa akin at kinuha ko sa closet ko ang damit na suot ko. Ng makita nila ako.
"Laura ano kaya kong sumama ka na lang sa amin. Gagawan ko ng paraan na makapasok ka sa Ospital. Sa tingin ko sayo nakatapos ka ng college kasi nakaintindi ka ng English at kung mag salita ka parang may pinagaralan ka. Marunong ka rin manggamot.b
Baka maalala mo ang lahat pag nakapasok ka ng oepital."
Sabi ni Jade sa akin.
"P.pero paano yun Jade. Hindi ko nga alamaAng buong pangalan ko?"
Sabi ko dito ngumiti ito sa akin.
"Wag kang magalala ang gagamitin mo ang ipelyido ni mang Berting at ang tatayong magulang mo si mang Berting at si manang Lus." Sabi nito sa akin. Kaya napa ngiti ako dito at nagpa salamat dahil ang magasawa ang tatayo na magulang ko pansamantala habang wala akong natatandaan.