Chapter 7

2072 Words
Isinama nila ako pagalis nila. Pagdating Dumating kami sa Isang malaking bahay. Pinakilala niya ako sa mga tao na dinatnan namin. "Si Kay nga pala Assistant ko. at si Michiko anak niya" Pakilala ni Jade sa Mistisang babae at sa bata. Bumati Ang mga ito sa akin.Ilang araw Muna akong tinuruan ni Don. Yung iba naalala ko. Kaya hindi siya nahirapan magturo sa akin. Inasikaso ni Jade ang pagpasok ko sa hospital. Napagalaman ko na Isa pala siya sa mayari nito. Kaya walang kahirap hirap na naipasok nila ako dito. *****FORD POV#***** Nagulat ako sa dumating sa aking balita. Kasalukuyang nagaalmusal ako sa terrace ng bahay ko. Agad akong nagbihis at pumunta sa lugar nila Jessie. Nakita ko na maraming alahad ng batas na nagkakalat sa lugar. "Anong nangyari dito?" Tanong ko ng dumating ako. "Magandang umaga Gov!" Bati ng Chief of police sa akin. "Nilusob po ang tribo ni Apo Lakay kagabi. Wala pong tinirang buhay. sinunog po lahat." Sabi nito. Nanlaki ang mata ko. "No! Jessei!" Sabi ko saka nagmamadali akong pumasok sa loob ng tali. Aawatin sana ako ng mga pulis at imbistigador pero inawat sila ng mga tauhan ko. Nagderetso ako sa bahay nila Jessei. Nanlumo ako ng makita ang itsura ng bahay nila Jessei. Sunog na sunog ito. Pinuntahan ko ang mga patay na nagkakalat mga sunog ito. Nakita ko ang mga magulang ni Jessei. Pinaiba ko ang mga ito. Hindi ko Nakita siya. "Baka Isa siya sa mga sunog na sunog sir. " Sabi ng isang imbistigador sa akin. "Hindi sigurado ako wala siya mga yan." Sabi ko dito. Pinakalat ko ang mga tauhan ko para maghanap kay Jessei. Hinaloghog namin ang gubat. Halos Isang buwan ng pinahanap ko siya. Sumuko na ang mga imbistigador. "Nais kong malaman kung sino ang may pakana nito. Gawin mo ang lahat para malaman kung sino ang may gawa nito. pagbabayaran niya sa akin ng mahal Ang ginawa niya." Galit na galit na sabi ko kay Marvin. Tumango siya. "Makakaasa ka aalamin namin kung sino ang may gawa nito." Sabi nito saka tinapik ako sa balikat. Tumulong na sila sa akin sa paghahanap. "Bro tingnan mo tong nakita namin." Sabi nila sa akin. Napatingin ako dito. Kasalukuyang Nandito kami sa tribo nila Jessei. Nagbabakasakali na may makita. "Hindi ako pwedeng magkamali Kay Jessei ito polseras." Sabi ko. Pinuntahan namin ang bangin na nakitaan nila. Nakita ko na napaka lalim nito at sa ibaba nito dagat at mga bato. "Diyos ko Jessei nasaan ka ba? Sana walang masamang nangyari sayo. Kundi patawarin ako ng diyos kahit nasa impyerno pa ang gumawa nito sa inyo. Pupuntahan ko siya upang pagbayarin siya sa ginawa niya sayo. Pangako yan mahal ko." Bulong ko at naikuyom ko ang kamao ko. Hinanap namin sa mga kalapit na lugar siya. Pero wala kaming nakita. Halos dalawang buwan na naming hinahanap siya. "Parang awa niyo na tulungan niyo po akong makita ang anak niyo." Bulong ko sa puntod ng mga magulang niya. Pinalibing ko ito ng maayos. ********JESSIE POV#********* Pinasok nila Ako sa hospital. Si Don ang umaalalay sa akin sa hospital. mag iisang buwan na akong napasok sa hospital. Minsan paguwi ko galing hospital may pinapanood sila manang sa tv na pelikula. Nakinood Ako ng barilin ng lalaki yung kalaban niya. Bigla na lang sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay. Nagulat ako ng magising hindi ko alam kung nasan ako. Nasapo ko ang ulo ko ng sumakit ito.at unti unti bumalik sa alaala ko kung bakit ako nandito. "Gising ka na pala iha, may masakit ba sayo?" Nagulat ako sa nagtanong sa may pintuan. Ng lingunin ko ito si manang pala. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. "Kumusta kana may masakit pa ba sayo iha?" Tanong niyo sa akin. Ngumiti ako dito. "Medyo masakit ang ulo ko.at saka naalala ko na po ang lahat." Sabi ko dito. Nagliwanag ang mukha nito dahil sa narinig. "Talga Iha? Alam mo na kung ano ang nangyari sayo.?" Tanong nito sa akin. Tumango ako. "Naku matutuwa si Jade niyan." Sabi niya sa akin. "Ano ang nangyari sayo?" Tanong nito sa akin. Inalala ko ang nangyari sa akin. Ng maalala ko kung ano ang nangyari nung gabi na yun. Napaiyak ako nagulat siya sa akin hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit ka umiiyak iha?" Tanong nito sa akin. "Manang kailangan ko pong umuwi. Ang mga magulang ko kailangan nila ako manang." Sabi ko habang umiiyak. "Oo sige.Tatawagin ko si Berting para sabihin Kay Jade Ang nagyari sayo. Pero kailangan mo munang sabihin sa amin ang nangyari sayo." Sabi nito sa akin kaya nag kwento ako habang naiyak.Napahawak siya sa bibig niya ng marinig ang lahat "Naku iha dilikado ka na umuwi sa inyo magisa. Baka hinahanap ka pa nila." Sabi nito. kaya napaiyak ako. "Pero manang kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa mga magulang ko at sa mga katribo ko." Sabi ko dito at umiyak ng umiyak. Naabutan kami ni mang Berting sa kwarto na magkayakap at umiiyak ako. "Ano ang nangyari sa inyo?" Tanong nito sa amin sinabi ni manang lahat ng narinig niya sa akin. Nagulat si mang Berting. "Sabi ko na nga ba na may nangyari sayo na hindi maganda. Nung gabi na yun kasi ang dami mong sugat." Sabi nito sa akin. "Manong tulungan niyo po ako kailangan ko po malaman kung ano ang nangyari sa mga magulang ko at sa mga katribo ko." Sabi ko dito. Napa tingin siya sa akin at tumango "Wag kang magalala siguradong aalamin ni Jade kung ano ang nangyari sa kanila. Pero hindi ka pwedeng pumunta dun, Dahil siguradong hinahanap ka nila." Sabi nito sa akin. Pumayag ako basta malaman ko lang kung ano ang nangyari sa kanila. Dumating si Jade nalaman niya ang nagyari sa akin. Umakyat sila sa silid ko. Saktong tulog na tulog ako dahil nakatulogan ko ang pagiyak ko. Kinabukasan Umalis sila Jade Kasama sila Kay at Don papuntang Benguet. Habang hindi bumabalik sila hindi ako mapakali. Hindi na muna ako pinapasok nila sa hospital. Kasi baka daw may makakilala sa akin. Pagsapit ng isang lingo bumalik na sila Jade. "Jade ano ang nangyari sa kanila?" Tanong ko agad dito nung makita ko siya na pumapasok sa bahay. Tinitigan niya ako ng seryoso kaya kinabahan ako. Nagtanong ako uli kaya naupo siya sa sala at naupo naman ako sa tabi niya habang nagtatanong. Sinabi niya sa akin ang lahat napaluha ako ng marinig ang sinabi niya sa akin. Iyak ako ng Iyak. "Jade gusto kong pumunta sa amin." Sabi ko sa kanya sa pagitan ng pag iyak. Tututol pa sana siya kaso nagmakaawa ako sa kanya. "Sige. Pero hindi pa sa ngayun, hahanap pa ako ng paraan para makapunta ka dun ng ligtas." Sabi niya sa akin. Kaya wala akong nagawa kung hindi pumayag. Hindi ako nakatulog nung gabi.Iyak ako ng iyak sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa tribo namin. Pagkalipas ng isang lingo dumating sila. "Jessa! Maghanda ka at aalis tayo bukas na bukas din." Sabi nito sa akin habang nagsisikain kami sa lamesa. Natuwa ako sa sinabi niya kaya napatingin ako dito. "Talaga Jade?" Tuwang tuwa na Tanong ko dito. Tumango siya sa akin. Nayakap ko siya sa katuwaan ko. Natawa sila sa akin. Kinabukasan umalis kami dumeretso kami sa Baguio sakay ng sasakyan nila Jade papuntang Bakasyunan nila dun. Pagdating namin sa Baguio, madilim na. Kaya nag stay muna kami ng magdamag sa bahay nila Jade. Kinabukasan na kami umalis papuntang Mountain Province. Pinagsuot nila ako ng Jacket na may hood. Nagpangap kami na researchers. Habang paakyat ako ng bundok ang lakas ng kaba ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang makikita ko sa taas. Pag dating namin sa taas. Nakita ko ang isang katutubo na nag bibilad ng palay, lumingon ito sa akin. Nagulat ito ng makita ako at nakita naming binulungan nito ang batang katutubo sa tabi niya at tumatakbo itong umalis. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid nakita ko ang maraming Bahay na sunog na sunog. Nagderedertso kami sa kinatatayuan ng bahay namin. Napaluha ako ng makita na sunog na sunog ang Bahay namin at ang mga nasa malapit dito. Napalingun kami ng may maramdaman kami na yabag sa likod namin. Maya maya nakita namin na Isa Isang lumabas ang mga katutubo na natira dun. Nakita ko ang ilang kababata ko at ilang mga matatanda. "Jessa! Ikaw ba yan?" Tanong ni Betong sa akin nasa tabi niya si Indang, si Day day at si Iska. Tumango Ako dito at Inalis ko ang hood na nakasaklob sa ulo ko. Mabilis silang lumapit sa akin at niyakap ako. Nagyakapan kami at nagiyakan. "Anong nangyari dito?" Tanong ko sa kanila. "Akala namin patay ka na. Kasi sabi ni Epong nakita ka daw niya na nalag lag sa bangin." Sabi ni Indang sa akin. "Oo nalag lag nga ako sa bangin. Pero sa awa ng ating anitong nabuhaya parin ako." Sabi ko sa kanila. Kaya sabay sabay kaming humawak sa aming dib dib at tumingala. Nagkwento ako sa kanila sa nangyari sa akin habang hinahainan kami ng mainit na kape Ng mga katutubo at kamote. "Anong nangyari dito nung gabing Yun?" Tanong ko sa kanila. Nung matapos akong magkwento ng nangyari sa akin. "Nung malaman namin kay Betong na darating si Mayor. Nagmamadali kaming lumikas papuntang gubat. Hinintay kayo namin. Pero hindi kayo dumating yun pala nahuli nila kayo. Lihim kaming bumalik para tingnan yung iba pa nating ka tribo. Kaso lahat sila nahuli na. Nakita namin na tinipon ng mga tauhan ni Mayor ang mga ka tribo natin. Kasama ang mga magulang mo, Nagtaka kami nung makita na hindi ka kasama nila. Narinig namin na tinanong ni Mayor kung sino ang nakakaalam kung nasana ka. Galit na galit ito. Parang nabubuang na. Pero walang umimik Isa Isa silang tinanong at kapag hindi nila nasagot binabaril sila sa ulo. Hangang ang ama mo ang damputin nila pero nagmatigas ang ama mo kaya binaril din nila ito. Nung makita ng Ina mo na binaril nila ang ama mo. Nakipag agawan ito ng baril sa Isa sa mga tauhan ni Mayor kaya binaril din siya ni Mayor sa likod at pati ang mga ka tribo natin pinag babaril din nila. Hindi pa sila na kuntento sinonog nila ang mga ito. Pati ang mga tirahan natin wala silang tinira mga wala silang puso."nSabi ni Indang at tuluyan ng umiyak. Na puno ako ng galit sa narinig ko kaya napaluha ako sa galit. Dinala nila ako sa libingan namin at nagalay ako dito. Ng may lumapit sa akin na Isang katutubo may sinabi ito sa akin. "Manang, Wala diyan ang mga magulang mo Kinuha ng mistisong lalake ang labi ng magulang mo. Yung gwapo na pumupunta dito." Sabi nito. Npatingin ako kayla Betong. "Kinuha ni Gov ang labi ng magulang mo inilibing niya ito ng maayos." Sabi ni Betong. "dalawang buwan din siyang nagpabalik balik dito. Pinahanap ka niya. Naaawa na nga kami sa kanya. Kaso natatakot kami na malaman ni Mayor na may nabuhay sa amin. Kaya ng paimbistigahan niya ang nagyari walang nagsalita sa amin." Sabi ni Betong. Sinamahan kami ni Betong kung nasaan ang mga magulang ko. Iyak ako ng Iyak ng makita ko ang puntod ng mga ito. "Ama...Ina pinapangako ko Buhay ang kinuha nila sa akin kaya Buhay din ang sisingilin ko sa kanila.. Pangako ko yan sa inyo hindi ako titigil hangat hindi ko naipaghihiganti ang sinapit ng tribo natin." Sabi ko habang galit na galit na umiiyak. Pagkatapos naming pumunta sa Lugar namin. hiniling ko kay Jade na mag tatrabaho ako uli sa hospital kaya bumalik na ako sa trabaho. Hinayaan lang nila ako. Lumipas ang mga araw. Hindi parin naalis ang galit ko sa dib dib ko at ang plano kong paghihiganti. Nagulat ako ng katukin ako ni Jade sa kwarto ko Isang gabi. Naupo siya sa tabi ko. Saka hinawakan ang kamay ko. "Alam namin ang nasa isip mo. Naiintindihan din namin ang nararamdaman mo dahil minsan na naming naramdaman yan." Sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nagkwento siya sa akin. Nagulat ako sa nalaman. "Kaya kung ano man ang Plano mo handa kaming tumulong sayo sabihin mo lang. Nung una ka naming makita alam namin na may nangyari sayo na hindi maganda. Kaya nung tulungan ka namin Kasama mo na kami dun palang." Sabi ni Jade nayakap ko siya at umiyak ako ng umiyak sa balikat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD