"Jessei, pinabibigay ni Mayor." Sabi ni Betong sabay baba ng isang kaing na manga.
"So totoo pala talagang nililigawan ka ni Mayor." Sabi ni Gov sa akin.
"Uy! Gov nandito po pala kayo." Sabi ni Betong sabay kamot sa batok niya saka tumingin s akin. Hindi ko siya sinagot hinarap ko si Betong.
"Sige salamat Betong, iwan mo na lang yan diyan.Ipapakuha ko na lang yan diyan at paki sabi na lang kay Mayor na salamat." Sabi ko dito.Nagpalam na ito sa aming dalawa.
"Tumatangap ka pala ng manliligaw." Sabi nito sa akin. Hindi ako umimik. Kasi ang lakas ng kabog ng dib dib ko ngayong naiwan na naman kaming dalawa dito.
" Nasan na ba kasi si Day day at Indang. Humanda talaga sa akin ang dalawa na yun. Tama bang iwan nila ako.
"Naiilang kaba sa akinJessei?" Nagulat ako sa tawag niya sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya.
"B..Bakit naman ako maiilang sa inyo Gov?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot siya.
"So kung ganun pwede din akong manligaw sayo." Sabi niya nanlaki ang mata ko. Sa narinig ngumiti siya sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog ng dib dib ko.
Nakaalis na lahat lahat si Gov hindi parin ako maka move on sa mga napagusapan namin.
"Jessei, Nagtapat na ba ng pag ibig niya si Gov sayo?" Tanong ni Dayday. Inis na tiningnan ko ang dalawa.
"At sino ang may sabi sa inyo na iwan niyo ako. Aber?" Sabi ko sa kanilang D
dalawa.
"Pasensiya na Jessei senenyasan kasi kami ni Gov na iwan namin kayo eh." Sabi ng mga ito kaya nanlaki ang mata ko.
"At talagang sumunod kayo. Pano kung may plano pala na hindi maganda sa akin yun?" Para naman na tauhan ang dalawa. Nagsisihan ang mga ito.
Kinagabihan napapaiisip ako.
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ahp." Sabi ni Iska saka siniko ako nagkakatipon na naman kami.
"Yung dalawang manliligaw mo ba yan?" Tanong nito sa akin.
"Iniisip ko lang ano ba ang topakk ng mga yun bakit hindi ako tigilan." Sabi ko.
"Pano naman kung totoong may gusto talaga sila sayo?" Sabi ni Iska. nakayuko ako at gumuguhit sa lupa. Naka upo lang kasi kami sa sapin may bonfire lang sa harap namin. habang nagsasaywan sila. Magsasalita palang ako ng magsalita siya uli.
" Katulad na lang ng dumarating na yan." Sabi niya sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko na nakatingin siya sa likod namin. Kaya tuingin ako sa likod namin. Nanlaki ang mata ko ng makita si Gov palapit sa amin. Habang may hawak na bouquet ng bulak lak may kasama pang maliit na kahon. Napakunot ang noo ko.
"Hi! " Sabi niya napapakamot pa siya sa bato niya. Napatingin ako sa mga kasama niya. Nakisali na ang mga ito sa mga kasama ko. Nagpalam sila Dayday at Iska sa akin.
" Bakit po kayo nandito?" tanong ko sa kanya. Sumimangot siya sa akin.
"Pwede bang wag mo na akong pinopo at tawaging Gov hindi naman ako pumunta dito para mangampanya. Pumunta ako dito para umakyat ng likow sayo." Sabi nito. Natulala ako.
"Ano daw aakyat siya ng ligaw sa akin?" Bulong ko.
" Para sayo nga pala." Sabi niya sa akin. Saka inabot ang dala niya sa akin. Wala sa sarili na inabot ko ito. Umupo siya sa tabi ko. HIndi ako makapaniwala na totoo nanlilingaw siya sa akin.
Napagkatuwaan kami nila iska tumugtog sila Betong hinila nila kami ni Gov. Napatingin ako sa kanya. Ng nasa gitna na kami.
" Hindi ako marunong sumayaw"
Sabi nito habang tumatawa. napapatingin ako sa kanya. Kasi kapag tumatawa siya nawawala ang mata niya. Namumula pa ang tenga niya. nagsisigawan ang mga kasama niya.
" Wag kang magalala Gov sundan mo lang kami." Sabi ni Betong kaya sumayaw na kami ng magumpisang tumugtug ang mga matatanda. Nung una hindi siya makasabay na tatawa ako sa kanya hangang sa natutunan na niya ang step. Sumali narin ang mga kaibigan niya sa amin.
"Salamat!" Sabi ko ng ihatid nila ako.
"Jesseei!" Tawag niya sa akin. Kaya napalingon ako sa kanya.
"Seryoso ako ng sabihin ko na liligawan kita at seryoaso din ako sa nararamdaman ko sayo. Kaya handa akong maghintay kung kailan handa ka ng tangapin ako sa buhay mo." Sabi niya na seryoso. Hindi ako nakaimik.
"Sige na magpahinga ka na bukas na lang uli. Good night." Sabi nito at nagpaalam na.
Ng sumunod na araw lagi na siyang pumupunta pareho ni Mayor. Nabalita na Ang pangliligaw sa akin ng dalawa. Sinasamahan ako ni Gov sa pagiikot ko sa ibang tribo.
Nagkakatuwaan kami habang nakapalibot sa apoy. Katabi ko si Ford Ng dumating si Mayor. Nagulat ito ng makita si Gov na nasa tabi ko Niyaya din siya nila Dayday. Tumabi ito sa tabi ko.
Naiilang ako. Ngayun lang Kasi uli na nagkasabay sila ng pagpunta.
"Anak sino ba talaga sa dalawang manliligaw mo ang napupusuan mo? Hindi sa nakikialam kami Sayo. Pero payo lang anak mas maganda na magpasya kana kesa tumagal pa na umaasa ang tao sayo. Mas lalo lang siya masasaktan sayo." Sabi ni Ina. Kaya nagpaisip ako. Kaya kinabukasan ng magpakita sa akin si Mayor kinausap ko na siya.
"Pasensiya na Mayor. Ayaw ko na umasa ka sa Wala. Ang tanging maibigay ko lang ang pakikipag kaibigan." Sabi ko sa kanya.
"Ano kaba Hindi naman ako nagmamadali. Sabi ko nga diba handa akong maghintay" Sabi niya kaya Hindi na lang ako nakaimik.
Kahit ayaw ko nagpatuloy parin ito sa pangungulit sa akin. Kaya iniwasan ko na lang sila. Kahit nandiyan ako lagi kong pinagsasabi na wala ako. kahit na gusto Kong makita si Ford. Pero pilot Kong iniwasan siya dahil Alam ko na Hindi ako nababagay sa kanya.
May mga bagong sakit na lumalaganap kaya kinailangan Kong maglibot sa mga tribo para magbakuna.
Nasa kalagitnaan ako ng pangagamot ko ng dumating si Ford. Nagulat ako.
"Jessei! " Tawag niya sa akin ng mabutan niya ako.
"Iniiwasan mo ba ako may nagawa ba akong mali?" Tanong niya Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napayuko ako. Hindi ko kinakaya Ang nakikita ko na lungkot sa mga mata niya.
"Kausapin mo naman ako." Sabi niya. Saka nilapitan ako. Aktong iiwas an ko siya Nagulat ako ng hawakan niya Ang kamay ko.
"Wag naman ganito. Alam mo ba na nasasaktan ako. Sa tuwing iniiwasan mo ako." Sabi niya.
"Ano ba Kasi Ang gusto niyong gawin ko. Hindi niyo ba nakikita hindi ako ang nababagay sa inyo. Alam ko na naguguluhan lang kayo sa nararamdaman niyo. Na chachallenge lang kayo sa akin. Kaya please lang Tigilan niyo na ako." Sabi ko sa kanya.
"Ano ba Ang dapat gawin ko para maniwala ka na totoo Ang nararamdaman ko para sayo. Hindi pa ba sapat ang mga pinakita ko." Sabi niya pero Hindi niya parin binibitawan Ang kamay ko.
"Wala!" Sabi ko Saka binawi Ang kamay ko at iniwan ko siya. Tumulo Ang luha ko ng umalis ako. Dahil sa totoo lang mahal ko na siya kaso natatakot ako na masaktan pagdating ng huli.
*****MAYOR ROD POV #*******
Nagtataka ako dahil pakiramdam ko iniiwasan ako ni Jessei nitong nakaraang lingo kaya mainit ang ulo ko.
"Mayor, Nakita ko ang grupo nila Doctora na nagiikot sa mga tribo." Sabi ng isang tauhan ko. Napaisip ako. Kaya nagorder ako ng bulaklak at umalis.
Nagulat ang mga kasama niya ng makita ako.
"Nasaan si Doctora?" Tanong ko sa kanila. Nagaalangan na tinuro nila ang likod ng tent. Palapit ako ng makarinig ako ng boses. Pagdating ko sa likod napakunot ang noo ko ng makita na naguusap si Gov At si Jessei magkalapit sila habang hawak ni Gov ang kamay nito. Mukhang seryoso Ang pinaguusapan nila. Parang may sumuntok sa akin. Nakaramdam ako ng galit.
"Kaya ba iniiwasan mo ako nitong nakaraang araw dahil kayo na. Hindi ako makapapayag may magari sayong iba. Sa akin ka lang wala ng iba. Ako lang ang pwedeng umangkin sayo Jessei." Bulong ko habang nagtatagis Ang ngipin ko. Nalamukos ko ang hawak ko na bulaklak. Pagdating ko sa bahay naginom ako ng nginom. Pagdating ng gabi inipon ko ang mga tauhan ko.
"Kailangan iharap niyo siya sa akin. Kailangan ko siya ng buhay. Patayin Ang lahat ng hahadalang." Sabi ko sa mga tauhan ko.
*****JESSEI POV#******
Kumakain kami ng gabi ng may narinig kaming ingay sa labas. Napatayo kami at sumilip sa bintana ang tatay ko.
"Hoy Estong, bakit kayo nagkakagulo?"
Tanong ng tatay ko sa lalaking payat na katabing bahay nami. Na nagmamadaling pauwi sa kanila.
"Naku Dencio andiyan si Mayor lasing na lasing. Dalian mo itago mo na si Jessei dahil hinahanap siya ni Mayor. Kilala mo naman yun at alam mo naman kung bakit niya hinahanap si Jessei."
Sabi niyo. Sa tatay ko, nagulat ako sa narinig ko na sinabi niya sa tatay ko. Hindi na nakapag tanong pa ang ama ko kasi nagmamadali itong umuwi.
"Tay Dencio!!"
Papasok ng ang tatay ko. Ng may tumawag sa kanya Kaya naplingon siya sa madilim.
"Bakit Betong?"
Tanong niya Dito.
"Naku Tay Dencio. Itakas niyo na po si Jessei pinapahanap siya ni Mayor. Galit na Galit tinipon ang lahat ng kanayon natin sa labas."
Sabi nito. Kaya nagpaalama na ang ama ko at pinuntahan kami sa may pintuan ng kusina.
"Bilisan mo Ibyang magimpake na kayo at aalis tayo ngayun din."
Sabi nito sa nanay ko. Kaya nagmamadali na hinila ako ni ina sa taas para magimpake ng damit namin. Malayo pa bago nakarating ang pangkat nila Mayor sa amin. Kasi nasa may pangalawang baytang kami ng hagdan hagdan palayan. Sa may likod nasa itaas Sila sa harap ng Center namin. Kaya makikita lang nila kami pag may nagsumbong kung nasaan kami.
Ng matapos na kami mag impake ng damit nagmamadali kaming lumabas ng bahay at pumunta sa likod bahay papuntang gubat.
"San tayo pupunta Dencio?"
Tanong ni Ina kay ama. Napatingin ang ama ko sa amin.
"Bahala na kailangan natin makalayo dito bago pa nila mahanap ang anak natin " Sabi ng ama ko. Sa ina ko. Nasa bungad pa lang kami ng gubat Ng makarinig kami ng maraming yabag. Kaya nagmadali kami sa kakamadli namin hindi namin namalayan na nasa dulo na kami. Banging na ang likuran namin at sa ibaba ay dagat.nl Nagkatinginan kami ng marinig namin na malapit na ang mga yabag at ingay ng mga naghahabol sa amin. Nataranta ang mga magulang ko. Napatingin sila sa akin at sa bangin.
.
"Anak tumakas kana. Hayaan mo na kami. Bilisan mo anak tumakas kana." Sabi ni Ina sa akin. Umling ako.
"Hindi Ina lalaban tayo hangang huli. Kung kinakailangan na lumaban ako para sa inyo lalaban ako Ina Pero Hindi ko kayo iiwan." Sabi ko sa kanila. Umiiyak na ako. Dumating ang mga tauhan ni Mayor.
"Kunin ang Doctora. Kailangan natin siyang makuha ng buhay." Sabi ng lalake. Kinilabutan ako dito.
"Magkakamatayan Muna tayo bago niyo makuha ang anak ko." Sabi ni ama.
"Utos ni Mayor na patayin lahat ng hahadlang walang bubuhayin." Sabi na naman ng lalake. Humanda ako.
"Magkakamatayan muna tayo bago niyo magalaw Ang mga magulang ko." Bulong ko sa sarili ko. Ng magsalita ang ama ko.
"Anak alagaan mo ang sarili mo at patawarin mo kami anak."
Sabi ng ama ko sa akin at seryosong nakatingin ito sa akin habang palapit ito. Napakunot ang noo ko.
"Ama ano po ang si..."
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Dahil nagulat ako sa pagtulak ng ama ko sa akin sa bangin. Napatili ako ng malaglag ako dito sa pag kalaglag ko may nasagi ang kamay ko na hindi ko alam. Kaya bago pa ako matuyang ma laglag humawak ako dito ng mahigpit kaya nakasabit ako dito. Naririnig ko ang mga Boses sa taas.
"Hulihin niyo ang mga yan at wag papakawalan."
Sabi ng Bose's ng Isang lalake. Hindi ako nagkakamali. boses yun ni Mayor.
"Pilitin niyong malaman kung nasaan si Jessei. Kung kinakailngan masaktan para malaman niyo kung nasaan ito pahirapan niyo."
Sabi nito.
"Yes! Mayor."
Sabi ng Isang lalaki.
"Mayor ano po ang gagawin ko sa mga katutubo na iniipon niyo?"
Tanong naman ng Isang lalaki. Mukhang kakarating lang nito.
"Ano pa di patayin niyo lahat ang mga yun at sunugin. Ang lahat ng bahay nila ng hindi sila parisan at malaman nila na hindi ako madaling kalaban. Ginawa ko ang lahat maging akin lang siya Nagpakabayos ako. Sinuyo ko silang lahat pero ano ang ginawa nila mas pinili nila ang walang kwentang lalake na yun."
Sabi ni Mayor. Kinabahan ako para sa mga magulang ko at sa mga katribo namin.
Nahihirapan ako kasi isang kamay ko lang ang nakahawak sa baging na nahagip ko sa gilid ng bangin. Kasi ang isang kamay ko hindi ko maangat dahil tumama ito sa gilid nung malaglag ako.