Chapter 1
Nagiisang anak ng magasawang Katutubo si Jessei, dito na siya lumaki sa bundok kasama ang mga kapwa nila Katutubo. Dito din siya nagtapos ng pagka doctor. May kaya ang pamilya niya dito sa bundok dahil may sarili silang taniman sa hagdan hagdan palayan na pinagtataniman ng ama ni Jessei at may patahian naman ng damit ang kanyang ina. Kaya lumaki siya na hindi salat sa lahat ng bagay. Bumababa sila ng bundok kada isang lingo para mamili ng mga kailangan nila sa bundok at upang ipasyal narin siya ng kanyang mga magulang.
"Ina aalis napo ako. Ako poy pupunta na sa center para po tingnan ang mga bata at ang mga may sakit."
Paalam ko sa aking ina na busy na naman sa mga pinagagawa sa kanya na mga damit.
"Aba ay sige na magiingat ka na lang anak." Sabi nito sa akin. Kaya lumapit ako dito at humalik sa pisngi niya.
"Wag na naman po kayo mag paka pagod inay at baka po kayo naman ang magkasakit."
Paalala ko dito dahil lagi na lang pagod na pagod ito. Sa tuwing uuwi ako. Tumango na lang ito sa akin at umalis na ako.
"Naku Jessei buti dumating kana marami na ang nakapila."
Sabi sa akin ni Day day kababata ko. Hindi ito nakatapos kaya kinuha ko na lang na alalay ko dito sa center. Dahil magmula ng makatapos ako bilang doctor. Dito na ako nagtrabaho sa center namin. Dahil walang gustong magpa assign dito sa amin sa bundok. Kaya doctor ang kinuha ko sa kolehiyo dahil nahihirapan kami kapag may mga sakit sa amin. Kahit marunong kami sa mga herbal iba parin kung matitignan kami ng mga doctor.
"Sige papasukin mona ang isa sa kanila."
Sabi ko ng makaupo na ako. Pumasok ang isang nanay na may karga na isang bata.
"Yes. Nanay? Ano po ang problema ni baby?" Tanong ko dito ng makaupo na ito sa upuan na nasa harap ng mesa ko.
"Naku doktora nung isang araw pa po sumasakit ang tiyan niya. Nilagyan ko po ng langis. Pero hindi parin po tumitigil ang sakit ng tiyan niya."
Sagot nito sa akin.
"Ganun ba." Sabi ko at tumayo sa upuan ko saka lumapit sa mga ito.
"Nanay kailan po sumakit ang tiyan niya?" Tanong ko dito.
"Nung isang araw pa po."
Sagot nito sa akin.
"Nagtatae po ba siya?"
Tanong ko na naman.
"Kanina po tubig po ang tae niya at ngayun po bago kami pumunta dugo na po." Sagot uli nito sa akin. Tumango ako.
"Nanay bibigyan ko po kayo ng bote lagyan niyo po ito ng dumi niya.Dadalahin ko po mamaya sa bayan." Sabi ko at binigyan siya ni Day day ng maliit na bote.
at umupo na ako.
"Nanay reresetahan ko po muna si Baby ng Oresol. Balik po kayo bukas dito."
Sabi ko dito at neresetahan ko siya ng Oresol at binigay sa kanya ang reseta. Para ibigay niya kay Day day sa counter. Para bigyan siya ng Oresol.Libre kasi dito ang gamot at check up. Nag susulisit ako sa mga mayor at Governor para padalahan kami ng mga gamot dito sa bundok. Tanging allowance lang ang sahod namin dito sa center. Pero payag ako para sa mga kababayan ko at isa pa payag naman ang mga magulang ko. Tutal hindi ko naman kailangan ang sahod. Kasi sobra sobra sa amin ang kinikita ng mga magulang ko. Para sa mga pangangailangan namin at masaya kami kahit sapat lang sa amin ang kinikita namin. Masaya din ako na nakakatulong ako sa mga kababayan namin at pag dating ng hapon bumaba ako ng bundok. Sakay ng sasakyan namin na ginagamit ng tatay sa pag baba ng mga gulay. Para ibenta sa bayan. Ito ang sinasakyan ko pag pumupunta ako sa bayan. Para mag pa labaratory ng mg specimen ng mga kapwa ko Katutubo. Kilala ako dito sa bayan kasi ako lang ang doctor na naka suot ng damit ng ifugao. Hindi ako nag uuniform.
*********************
"So ikaw pala si Doctora Jessei Mangan Datu ng Itugon" Sabi ni Mayor Mangubat ng Benguet. Nasa bayan ako kasalukuyang nag susulisit ng gamot na ipamimgay ko ng libre sa mga kapwa ko Katutubo sa bundok. Tinitigan ako nito mula ulo hangang paa.
"Hindi ba halata Mayor sa suot pa lang."
Sabi naman ng Lalake na halos kasing edad niya lang na nasa tabi niya. Na tatawa tawa at nakatingin sa akin.
"Maganda ka pala kahit na Katutubo ka bagay sayo ang suot mo. Lumlabas ang magandang hubog ng katawan mo."
Sabi nito. Na ikinainis ko dahil sa pagtingin niya sa akin. Akala mo hinuhubaran ako.
"Wag kang ganyan Rod. Igalang mo naman si Doctora iibigay mo na ang hinihingi niya kong may ibibigay ka."
Sabi ng isang lalaki na naka upo sa sofa. Mukhang bisita nila ito.
"Ikaw naman Gov. Pinupuri ko nga siya dahil sa angkin niyang ganda. Of course meron akong ibibigay sa kanya papahiyain ko ba ang isang maganda na kagaya niya." Sabi nito at tumawa pa. Tinawag nito ang alalay niya sa opisina at may sinabi ito. Maya maya bumalik ito sa amin.
"O ayan ha miss ganda. Ipapadiliver ko na sa bundok ang nga gamot na hinihingi mo." Sabi nito sa akin. Ngumiti ako dito at yumukod bilang pasasalamat. Ng aktong na akong aalis. Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko. Nahila ko ang kamay ko sa pag ka bigla.
"Opps. Sorry gusto ko lang sanang ayain ka mag dinner mamaya."
Sabi nito sa akin. Kahit naiinis ako at gusto ko itong suntukin dahil sa ginawa nito ngumiti parin ako.
"Pasensiya na mayor busy po ako ngayun sa pagsusulisit sa mga kailangan namin sa bundok."
Sagot ko dito. Napa hinto ito ng pag ngiti at tumingin sa akin ng seryoso. Saka ngumiti uli.
"Kung ganun bukas libre ka ba?"
Tanong nito sa akin.
"Pasensiya na po. Pero pupunta po ako ng bayan ng Baguio. Tutulungan ko po ang tatay sa pag dala ng mga gulay doon. Baka po gabi na po kami makabalik." Sabi ko naman natahimik uli ito.
"Sige saka na lang kapag libre kana pasabihan mo na lang ako."
Sabi nito at seryoso akong tiningnan.
"Sige po salamat."
Sabi ko at yumukod bilang pasasalamat at umalis na ako. Kasama ang dalawang katutubo na kasama ko.
"Naku manang Jessei, nakursunadahan kayo ni Mayor."
Sabi ni Indang ang isang tumutulong sa akin sa center.
"Oo nga Jessei. Bakit kasi iba ang itsura mo sa amin. Sadyang napaka ganda mo hindi pa maitim ang balat mo at kingki ang buhok mo. Kaya talagang magugustuhan ka nila."
Sabi ni Iska ang kababata ko. Isa siyang guro sa amin parehas kami nagtapos para tumulong sa kapwa namin katutubo. Parehas ko din siya hindi kapos ang pamilya. Mangingisda ang tatay niya at ang nanay niya naman ay nagtitinda ng isda sa bayan. Totoo na iba ang itsura ko sa kanila. Morena lang ako at medyo kulot ang buhok ko na mahaba dahil pinaglihi daw ako ng nanay ko sa babae na madalas mamili sa kanya sa Baguio. Kaya ng isilang niya ako hindi ako kahawig nila. Pero hindi ko kinakahiya ang mga magulang ko kahit sa bayan ako nagaral. Kilala nila ang magulang ko dahil sa mga award ko sa school lagi silang pumupunta dun at lagi din akong hinahatid at sinusundo ng tatay ko. Nung una hindi sila naniniwala na magulang ko ang mga ito dahil bukod sa ita ang mga ito mga maliit pa ito. Samantalang ako mataas ako sa karaniwang babae sa taas na 5"6.kaya kilala ako sa bundok dahil ako ang naiiba sa kanila.
"Bakit kasi ikaw pa ang pumunta dito nasaan ba si Betong?"
Sabi uli ni Iska. Si Betong kasi dati ang inuutusan ko mag hatid ng sulat sa mga mayor. Pero ngayun kasi may sakit ito kaya ako na lang ang pumunta dito.
"May sakit kasi siya. Kailangan natin ng gamot sa bukid kasi uso ang lagnat at diarrhea ngayun. Wala na tayong stack ng gamot sa center."
Sagot ko dito kaya napatango na lang ito.
"Pero alam mo Jessei ang gwapo ng lalaki na sumali sa usapan niyo ni Mayor." Sabi ni Indang sa akin.
"Saka alam mo ate Jessei, grabee ang tingin nun sayo."
Sabi naman ni Inday. Tinawanan ko na lang sila.
***
Pagkalipas ng isang lingo sige ang iwas ko sa paanyaya ni Mayor, marami akong dinadahilan sa mga tauhan na pinapapunta niya sa bundok.
"Naku manang Jessei! Dumating po si Mayor may dala po na mga doctor at mga nurse." Sabi ni Inday. Kaya tumayo ako sa lamesa ko at lumabas ng Center. Nagulat ako sa nakita nagkakalat ang mga tauhan ni Mayor at may kasama sila na Doctor at Nurse. Ngumiti ito ng makita ako.
"Doctora!! Buti nandito ka. Nagdala ako ng mga doctor na papalit sayo habang kasama kita " Sabi nito at tinuro ang nga kasama niya. Napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nagulat ka ba sa sorpresa ko sayo. Marami kaming dala na mga gamot."
Sabi nito sa akin at tuwang tuwa na pinakita ang maraming kahon na dala nito.Pinapasok ko sa loob ng Center ang mga kahon.
"So paano dii pwede na kitang imbitahan na sumama sa akin na mag lunch." Sabi nito sa akin. Wala na akong naging dahilan.
"P. Pero w.. Wala akong damit na isusuot." Nauutal kong sagot, Kasi sa totoo lang kasi wala talga akong damit na kagaya ng mga damit nila.
"Walang problema. Ok na yang suot mo."
Sabi nito kaya nagpaalam na ako kayla Inday na aalis muna. Sumama ako sa kanila sumakay kami sa isang Mercedes Benz na kulay itim nasa tabi ko si Mayor sa likod ng sasakyan. Ilang na ilang ako.
" Aahm. Jessei wala ka bang boyfriend?"
Tanong nito sa akin. Ng lingonin ko ito nakita ko itong titig na titig siya sa akin.
"Meron po."
Pagsisisnungaling ko.
"Diyos ko patawarin niyo po ako. Alam ko po na ang bilin sa akin nila ina na masama ang magsinungaling."
Bulong ko sa sarili ko dahil sa totoo lang ngayun pa lang ako nagsinungaling. Kasi gusto ko na layuan na ako nito.
Biglang nagdilim ang mukha nito. Pero ng makita na nakatingin ako sa kanya bigla na lang itong ngumiti.
Dumating kami sa isang sikat na restaurant. Bumaba siya ako naman pinagbuksan ng driver niya.
nahihiya akong lumabas.
" Halika na Miss Jessei."
Sabi nito sa akin at tumingin sa akin.
"P. Pero nakakahiya ang suot ko."
Sabi ko. Dahil nakita ko ang mga suot ng mga kumakain sa loob.
"Walang problema ang suot mo."
Sabi niya sa akin. Kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.
Pagpasok namin nasalubong namin yung lalaki na kausap niya nung pumunta ako sa kanila. Ngumiti ito sa kanya at ng makita ako na kasama niya biglang nagdilim ang mukha nito at ng ipakilala ako ni Mayor. Ngumiti ito sa akin at kinamayan ako nagulat ako ng pisilin niya ang kamay ko. Kaya na bawi ko ng bigla ang kamay ko.
"Nice meeting you Miss Mangandatu."
Bati nito sa akin at titig na titig ito sa akin.Kaya nailang ako. Nagpaalaman na ang mga ito. Isa pala siyang Gobernador.
kumain kami at pagkatapos namin nagpahatid na ako sa bundok. Nagdahilan na lang ako. Kaya wala siyang nagawa kung hindi pumayag na ihatid ako.
"Ate kumusta ka. Wala bang ginawang hindi maganda sayo si Mayor."
Tanong sa akin ni Banong kababata ko dito sa bundok.
"Wala naman nagpahatid na ako pagkatapos naming kumain."
Sagot ko sa kanya. Kausap ni Mayor ang matatanda. Maya maya nagpaalam na ito sa amin.
Pagdating ng gabi nagkaroon ng pagpupulong kami.
"Mga kanayon pinatawag ko kayo kasi gusto ko pagusapan natin ang tungkol sa ating Doctora."
Panimula ni mang Isko ang aming leader dito sa bundok. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano daw tungkol sa akin? Bakit may problema ba ako?" Tanong ko sa isip ko.
"Ate ikaw pala ang paguusapan natin."
Sabi ni Betong. Kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit?"
Tanong ko at nakinig na lang kami.
"Dahil ang ating Doctora ang nakukursunadahan ng ating Mayor at kilala niyo naman lahat ang ating Mayor pagdating sa babae."