Kinabukasan nasa Clinic ako ng dumating na naman si Gov.
"Jessei! Nandiyan si Gov may mga dala na naman." Sabi Day day sa akin. Kasalukuyang may ginagamot akong matanda. Napakunot ang noo ko. Tumayo ako at lumabas. Nakita ko si Gov na kausap nila Ka Isko. Ang mga Kasama naman niya busy sa pagtatayo ng Tent. Ng makita niya ako nagpaalam ito Kay ka Isko. Saka lumapit sa akin.
"Ahhm. Magandang umaga Doctora." Bati nito sa akin. Ng lumapit siya sa akin.
"Magandang umaga naman Gov" Bati ko din sa inyo. Kumamot ito ng ulo niya.
"Ahhm, Magpapapedding kami sa mga Bata at may kasama din akong mga dentista para magturo sa kanila. ng tamang pagsisipilyo. Dito Muna ang inuna namin sa susunod sa ibang tirbo naman Ang punta namin" Sabi nito ng Nakita na nakatingin ako sa mga nagtatayo ng mga tent. Tumango na lang ako. Saka nagpalam sa kanya na babalik na sa mga pasyente ko.
Saktong natatayo nila ang tent dumarating naman Ang grupo ni Mayor.
"Naku Jessei, nandito din sila Mayor." Sabi na naman ni Day day. Napakunot ang noo ko.
"Ano bang problema ng dalawa na ito bat nagsulputan dito.?" Bulong ko Habang tumatayo. Saka lumabas. Nakita ko na may mga dalang tao din si Mayor. Kausap nito si Gov at si Ka Isko paglabas ko. Ng makita ako ngumiti ito.
"Jessei Ang gwapo ni Mayor ngayun ah" Bulong ni Day day sa tabi ko.
"Mas gwapo naman si Gov tingnan mo. Saka mas mabait pa diyan kay Mayor." Sabi naman ni Indang. Tiningnan ko ang dalawa na parehas Kinikilig sa tabi ko. Napailing na lang ako. Nakita ko na palapit sa akin si Mayor.
"Hi! Doctora.. May dala akong kunting pagkain para sa mga Katutubo. Saka may mga kasama ako na magseseminar sa kanila sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim. May dala din kaming mg organic fertilizer. Nagtuturo din kami sa ibang tribo" Sabi nito. Tumango na lang ako. Saka alanganing ngumiti.
"Jessei tingnan mo si Gov nagbibigay ng pedding pero sayo nakatingin. Muntik na tuloy matapon yung pagkain na binibigay niya." Sabi ni Day day na natatawa. Kaya napatingin ako dito. Nakita ko na nakatingin ito sa akin. Ngumiti ito sa akin Nailang ako. Kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa ginagamot ko.
"Ano ka ba . Day day pareho lang sila ni Mayor tingnan mo si Mayor halatang. Wala sa tinuturo sa kanya ang isip. Kasi kanina pa tingin ng tingin Kay Jessei. Kaya Mali mali ang ginagawa. Kaya napatingin ako sa gawin ni Mayor. Muntik na akong matawa ng makita na nalulunod na ang halaman sa dinidilig niya. Ng makita nito na nakatingin ako sa gawin nila Kumamot ito sa ulo. Napailing na lang ako.
Sumunod na araw nasa kabilang bundok ako Nanggagamot ng dumating ang grupo ni Gov.
"O, Doctora. Nandito ka pala."Sabi nito. Ng makita ako. Tiningnan ko ang mga Kasama niya na nagtatayo ng tent.
"Hi! Doctora." Bati sa akin ng kasama niya.
"Marvin Salvatore. Kaibigan ni Gov." Pakilala nito sa akin.Sabay lahad ng kamay niya.
"Hi! Doctora Jessei Mangandatu." Sabi ko. Ng aktong aabutin ko na ang kamay nito agad na hinawakan ni Gov ito. Napatingin ako sa kanya.
"Pasensiya kana dito sa kaibigan ko Doctora." Sabi ni Gov Saka kumamot sa ulo.
"Kaya pala dito kami pumunta Doctora. Nandito ka pala." Sabi na naman nung kaibigan ni Gov.. Napatingin ako dito. Siniko ito ni Gov. Saka nagpaalam na ito at hinila ang kaibigan niya. Nagtataka na tiningnan ko sila.
Ng matapos akong manggamot. Niyaya kong tumulong mag bigay ng Pedding.ang mga Kasama ko
Nagulat si Gov sa paglapit ko. Kasalukuyang nagsasandok ito. Kaya Natapon ang sopas na sinasandok niya. Muntik pa siyang mapaso Nagtawanan ang mga nasa tabi ko.Tumigil lang sila ng sitahin ko. Mas lalo itong nataranta ng lumapit ako. Impit na nagtawanan ang mga Katutubo na nakapila.
"Ako na po Gov." Sabi ko sa kanya. Wala sa sarili na inabot nito ang sandok sa akin. Bawat na sasandok ko siya ang nagbibigay sa mga nakapila.
"Naku Doctora bagay po pala kayo maging magkapartrner ni Gov." Sabi ng Isang katutubo na nakapila. Na Mula ako. Napatingin sa akin si Gov.
"Talaga?" Bagay kami?" Tanong nito sa dalagita na nagsalita.
"Opo bagay kayo." Sabay sabi na Sagot ng mga nakapila.
"Dahil diyan dadagdagan ko ang Ibibigay ko sa inyo." Sabi nito kaya nagsigawan ang mga ito. Napangiti na lang ako. Pagtingin ko sa kanya nakatitig siya sa akin. Natigilan ako Saka umiwas ng tingin. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.
Nasa kalagitnaan kami ng ginagawa ng dumating ang grupo nila Mayor. Nakita ko ng salubungin siya ng leader ng tribo. Tumingin siya sa gawin namin. pinagpatuloy ko na Ang ginagawa ko.
"Hi! Nandito karin pala." Sabi ni Mayor na ikinagulat ko. Hindi ko Kasi napansin ang paglapit niya sa akin.
"Ah. Oo nagkataon na nandito ako Naggagamot ng dumating ang team nila Gov." Sabi ko na lang. Ngumiti ito. Nakitulong narin ito sa amin.
Naiilang ako sa kanilang dalawa Kasi Hindi na sila umalis sa tabi ko.
Pati nung tumulong ako magtanim.
NH dalang binhin nila Mayor.
Naghuhukay sila ng may tumawa Kay Mayor kaya naiwan si Gov.
"Ayos na ito Doctora." Sabi ni Gov kaya umupo na ako para itanim ang dala ko.
Nilagay namin ito sa gitna Saka tinabunan namin ng lupa pakuha ko nung fertilizer nagkasabay kami ng pagkuha nito. Paghawak ko ng itim na plastik sakto din siyang humahawak dun kaya.ang kamay ko ang nahawakan niya. Parehas kami nagulat nakayuko ako siya naman nasa likod ko. Kaya ng mapatingin ako sa kanya. Nagsalubong ang paningin namin. Natulala ako sa kanya. Lumakas bigla ang t***k ng puso ko. Natauhan lang kami pareho ng may tumawag sa kanya.
"Ford!" Tawag ni Marvin sa kanya. Agad na binawi ko ang kamay ko na hawak niya. Saka Bumalik na sa halaman na tinanim namin. Tumingin naman siya sa akin. Bago siya tumingin kay Marvin na lumapit sa kanya.
"Ford! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Sabi nito Saka tiningnan Ang tinitingnan nito. Saka tinapik ang balikat ko.
"Kung natatapat kana ba. Hindi yung tinitingnan mo lang siya. " Sabi nito.
"Bakit mo ba kasi ako hinahanap?" Iritableng tanong ni Ford dito.
"Kailangan na nating bumalik. May tawag sa atin. Kailangan daw natin Pumunta sa safe house." Sabi nito. Napakunot ng noo si For.
"Ngayun na?" Tanong niya.
"Yeah! Now na. Kaya magpaalam kana sa mahal mo." Sabi nito na tumawa ng nakakaloko. Tiningnan niya lang ito ng masama.
Si Mayor na ang kasama ko pero hindi parin kumakalma ang puso ko. Lumapit si Gov sa amin.
"Ahhm. Kailangan ko ng umalis may importante kasing tawag sa akin. Pasensiya na Doctora." Sabi nito sa akin. Parang nalungkot ako. Kaya tumango na lang ako.
Kinagabihan hindi ako nakatulog agad Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari.
kanina.
"Bakit ganito inisip ko pa lang siya. Lumalakas na agad ang t***k ng puso ko. Ano ba tong nangyayari sa akin." Bulong ko. Maliwanag na ng makatulog ako.
********
Ilang araw ko na siyang hindi nagpapakita sa akin. Kahit yung araw ng pagpunta nila hindi sila dumating. Kaya na lungkot ako.
"Uy! si Doctora nalulungkot. Na miss mo si Gov no." Tudyo sa akin ni Day day. Ng dumating ang grupo nito na hindi siya Kasama.
"Hindi po nakasama si Gov Kasi may importante siyang ginawa. Sabi ng isang babae. Tumango na lang ako.
*******Mayor Rod POV #******
Ewan ko kung ano ang meron sa babaeng Katutubo. Mukhang tinamaan yata ako dito. Hindi ako napapalagay na hindi ko ito makita. Kaya ng dumating si Sofia. Nakipaghiwalay ako dito. Alam ko na sobra ang galit nito sa ginawa ko. Kaya pinabantayan ko ito sa mga tauhan ko. Dahil baka may gawin ito.
"Inisip mo na naman Yung babaeng Katutubo." Sabi ni George. Ng puntahan ako sa terrace. Hindi ako umimik.
"Bakit hindi natin kunin ng matahimik ka." Sabi nito. Minura ko ito. Wala sa palano ko na pilitin si Jessei. Para sa akin iba siya sa lahat ng babae na nakilala ko. Kaya dapat ingatan.
"Wooh! Tinamaan ka na nga sa babaeng yun. Hindi ako naniwala ng sabihin ni Sofia na hiniwalayan mo siya dahil sa babaeng yun. Pero ngayun naniniwala na ako." Sabi nito. Hindi parin ako. Naniniwala
"Kung ganun tol bakit Hindi ka magtapat sa kanya." Napatingin ako dito. Napaisip ako Balita nga hindi. Buo na ang loob ko magtatapat na ako sa kanya.
******JESSIE POV#*******
Busy ako sa paggagamot ng may mga dumating. Napalabas ako agad. Pero Nadismaya ako ng makita na grupo lang pala ni Mayor Ang dumating.
"Akala mo siya na no. Wag Kang magalala Doctora babalik din yun si Gov hindi ka nun matitiis." Sabi ni Day day sa akin na yinutudyo na naman ako.
"Ano kaba tigilan mo na nga ako diyan. Siguradong Nagsawa na yun. O baka may nakita na siya na bagong lolokohin at uutuin." Sabi ko dito.
"Hindi naman siguro Jessei sa tingin ko talagang may gusto sayo si Gov." Sabi ni Day day sa akin. Hindi na lang ako umimik. Pagdating ng tanghali niyaya ako ni Mayor na maglunch.
" Jessei mahal kita!" Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya sa akin katatapos lang namin kumain. Napapansin ko na sige ang tingin niya sa akin, pero hindi ko lang pinapansin.
" Wag kang magalala handa akong maghintay hangang sa matutunan mo rin akong mhalin. Sayo ko lang naramdaman ito. Kaya sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sayo na tunay ang naramramdaman ko para sayo." Sabi nito. Nabigla ako kaya hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Kaya napayuko na lang ako.
Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. bigla ko itong nabawi. huminga siya ng malalim. Napatingin ako sa kanya nakita kona nalungkot siya.
"Sorry, P..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ito.
"Okay lang hindi mo kailangan humingi ng tawad. Sabi ko nga diba maghihitay ako." Sabi niya. Tahimik kami ng ihatid niya ako.
Hindi na na naman ako nakatulog kinagabihan.
"Anong gagawin ko. Para tigilan niya ako. Natatakot na
masaktan ko siya." Bulong ko. KInabukasan nagulat ako ng may magp diliver ng maramimg bulaklak sa center.
"Naku Jessei hayagan na talaga ang pangliligaw sayo ni mayor." Sabi ni Day day sa akin. Hindi ako umimik. Kinakabahan ako sa nangyayari.
Naging balita na ang panliligaw ni Mayor sa akin.
Kinabukasan nagulat ako ng pumasok si Dayday na kinikilig akala mo bulati na binudburan ng asin.
"Jessei, hulaan mo kung sino ang parating dito sa center." Sabi nito.
" Hay naku Dayday, sino pa ba ang dumarating dito na kinikilig kayo ng ganyan kundi si Mayor." Sabi ko dito na hindi siya tinitingnan. Hindi na ito umimik. Kaya nilingon ko ito. Nagulat ako ng makita kung sino ang nasa likod ko.
"Hi! I miss you." Sabi nito sa akin. Natulala ako. Inabot niya sa akin ang bulaklak na hawak niya.
"For you." Sabi nito. Kinuha ko ang bulaklak. nailang ako sa pagkakatitig niya sa akin. Kaya tumalikod ako kunyari nilapag ko sa lamesa ang bulaklak.
"Kumusta kana" Magkapanabay na tanong namin. Napa yuko ako. siya naman napakamot sa batok niya.
"Go ahead." Sabi nito.
"Ayos lang ako. Ikaw kumusta na?" Tanong ko sa kanya. Saka tumalikod para hindi niya makita ang pagkailang ko.
"ayos lang.Sorry hindi ako nakapagpalam sayo ng maayos." Sabi nito sa akin.
"Hindi ayos lang yun. Hindi..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pagharap ko nakita ko na ang lapit na niya sa akin.
"Hindi na ano?" Tanong nito na titig na titig sa akin. Nalito ako ang lakas ng pintig ng puso ko para akong aatakihin sa puso.
"H..Hindi m..Mo na kailangan magpalam pa sa akin." Sabi ko na nagkakandautal sa nervous. Hindi ko alam kung bat ako kinakabahan. Samantalang nakatitig lang naman siya sa akin.
Ng humakbang pa siya palapit sa akin nataranta ako. Buti na lang may tumawag sa akin sa labas. Iniwan kasi kami nila Dayday.
"Jessei!" Tawag sa akin ni Betong.