Chapter 3

2014 Words
******JESSIE POV#***** Nalalapit na ang Ambaya Festival. Na ginaganap sa bayan ng Banaue. Kaya busy na kami sa pag papa practice ng Dinnuya Dance, yan ang sasayawin namin sa bayan. Kasi Isa ang lugar namin sa imbitado. Ang mga kababata ko na lalaki iba naman ang pinapractice na sayaw ang traditional na sayaw ng labanan. Ito ang ilalaban namin dito sa lugar namin na sayaw laban sa ibang ifugao at Katutubo. May mga patimpalak kasi ng sayaw sa mga katutubo na nagaganap sa tuwing Ambaya Festival at kung ano ano pang patimpalak. Ang mga matatanda namin ang siyang nagtuturo sa amin. ******* Sumapit ang araw ng Ambaya Festival lahat kami busy sa paghahanda sa pagbaba sa bundok. "Jessei!! Jessei!" Tawag sa akin ni Indang. "Nandito ako sa kusina. Bakit?" Sagot ko sa kanya. "Jessei! Ayos na ba itong ayos ko?" Tanong niya sa akin at tiningna ko siya parehas kami nakapalda na pula na guhit guhit at naka blouse na puti at kwintas na puro puspuro na malaki. Nakatali ang buhok niya na kulut na kulut ng kulay pula na panali. Parehas kami ng ayos dahil napagkasunduan na namin na parehas lahat ang ayos naming mga babae at ang mga lalaki parehas din ang ayos. Ngumiti ako dito. "Oo naman ang ganda mo nga ngayun eh." Sabi ko dito. Napa ngiti siya sa akin. "Sus Ikaw nga itong pinaka maganda sa amin. Sigurado nanaman na sayo nakatingin si mayor mamaya." Sabi nitop sa akin. Natawa na lang ako at inaya na siya na lumabas dahil nasa labas na ang mga magulang ko. Lahat Kasi kami bababa sa bundok. Ang mga maiiwan dito sa lugar namin ay ang mga hindi na kayang bumaba. "O ayan na sila." Turo nung isa sa mga kababata namin at nagtinginan ang mg matatanda sa amin. "Wala nabang naiwan?" Tanong ni ka Isko. Kaya nagtinginan kami at sabay sabay kami na sumagot. "Wala na." Sabi namin. Kaya nagumpisa na kaming maglakad pababa ng bundok. Sanay kami maglakad kaya nilakad lang namin papuntang bayan..Pero nangangalahati palang kami may huminto sa amin na isang Jeep na sasakyan. "Sino po sa inyo si Doctora Mangan Datu?" Tanong ng driver nito sa amin. "Ako po bakit po?" Sagot ko ngumiti ito sa akin at bumati. "Doctora pinapasundo po kayo sa akin ni Mayor." Sabi nito kaya natuwa ang mga Kasama ko. "Ayan naman pala may sundo na sa atin." Sabi ni Pekto na kababata namin. "Naku Jessei hulog ka talaga sa amin ng Anito." Sabi naman ni Betla ang isa sa mga kababata kong babae at nagtawanan sila. Habang sumasakay. Pagdating namin marami na ang mga tao may sumalubong sa amin at hinatid kami sa isang mahabang lamesa magkakasama kami dun. "Jessei alam mo ngayun lang ako nakaupo ng ganito. Ang ganda ng upuan nila no.may sapin pa." Sabi ni Pekto at hinimas pa ang tela na nakabalot sa lamesa. Ngumiti ako dito. Pinalo naman ni Indang ang kamay nito sa lamesa. Nagtawanan kami. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid nakita ko ang mga kapwa naming katutubo sa ibang mga lamesa. Namamangha ang iba at halata na ngayun lang naka baba ng bundok. Naawa ako sa kanila. Maya maya nagumpisa na ang kasiyahan nagdatingan na ang mga bisita. Halatang may katungkulan sa Gobyerno ang iba at ang iba naman ay halatang may sinasabi sa buhay. Unang nagsayaw ang nasa unahan. Ng ritwal dance nakatingin ako sa stage. Ng may maramdaman akong may nakatitig sa akin. Nagulat ako ng makita si Governor Laviste na titig na titig sa akin at ng lumingon naman ako sa gilid niya nakatingin din sa akin si Mayor. Ngumiti ang mga ito ng makita na tumingin ako sa gawi nila kaya naiilang akong ngumiti. "Grabee nginitian niya ako.!!" "ili nung isang katutubo sa tabi Ng lamesa namin.kaya napatingin ako dito.nung Makita niya akong nakatingin sa kanya inirapan ako nito kaya natawa nalang ako. ********************* "Tawagin naman natin ang grupo nila Doctora ManganDatu sa Bundok Itugon." Tawag sa grupo namin kaya pumunta kami sa gitna ng stage nagpalakpakan sila. Nagumpisang tumugtug si Betong sa nakasabit sa bewang niya na Gangsa.at sinabayan narin siya ni Pekto sa pagtugtug sa gilid kay nagsipuntahan na kaming apat sa gitna at nagsimulang sumayaw ng Dinnuya dance. Nagpalakpakan ang lahat. Nanguna kami sa lahat kaya masayang masaya kami habang kumukuha ng pagkain. Inalalayan ko ang mga matatanda sa pagkuha ng pagkain at sila Indang naman ang umalalay sa iba naming kababata. Nagkakatuwaan kami sa lamesa ng lumapit sa amin si Mayor. "Kumusta na kayo?" Sabi nito sa amin. "Ayos naman po." Sagot ng mga matatanda.at inalok si Mayor na maupo. Naupo naman ito sa tabi ko. "Congratulations sa inyo. Ang gagaling niyo." Sabi ulit nito. Nakatingin lang ako sa kanila. Tumingin ito sa akin. "May lakad kaba bukas?" Tanong nito sa akin. "May mission po kami bukas..Mayor bakit po?" Tanong ko dito. Ngumiti ito sa akin. "Anong mission?" Tanong din ang sinagot niyo sa akin. "Magiikot po ako bukas sa mga karatig bundok namin. Para mang gamot ng may mga sakit na hindi kayang bumaba ng bundok." Sagot ko dito. Alanganin itong ngumiti sa akin. "Bakit po Mayor?" Tanong ko ulit Dito. "Iimbitahan sana kita mag lunch bukas" Sagot nito sa akin. Samantalang alam ko naman na aayain niya ako. Kaya nagdahilan ako. Sa totoo lang talaga wala naman kaming mission bukas. Pero dahil natunugan ko na aayain niya akong lumabas. Mag mimision na lang kami bukas. Dahil ayaw kong sumama sa kanya. "Ganun ba. Sige sa susunod na lang." Sabi nito at nangamot ng ulo at nagpaalam na sa amin. Maya maya siniko ako ni Indang at nginuso ang bandang kaliwa ko kaya napalingon ako sa kaliwa ko.Nakita ko na palapit sa amin si Governor Laviste. Kaso bago pa ito makalapit may sumalubong dito na babae at yumakap dito sabay halik. Na pailing na lang ako. "Ay nahuli!!" Sabi ni Indang sabay tawa. "Sabi ko na sa Inyo pinag tritripan lang ako ng mga yan. Akala nila susunggaban ko sila. Porket mayaman sila." Sabi ko at ininom ang juice sa baso ko. "Baka naman kaibigan lang." Sabi uli ni Indang sa akin. Natawa ako. "Kaibigan ka diyan. Kung mag laplapan nakalimutan na nasa gitna sila ng mga tao." Sabi ko dito. Natawa ito sa sinabi ko. "Di bale may Mayor ka pa naman." Sabi nito sa akin at uminom din sa baso niya ng juice. "Mayor ka diyan.eh may babae din yan na international Model. Nasa Ibang bansa lang.ang alam ko pa masyado daw selosa yun no." Sabi ko dito nanglaki ang mata ni Indang ng tumingin sa akin. "Talaga?" Sabi nito na hindi makapaniwala.sa sinabi ko. "Oo no! At hindi pa yun matapang daw yun. May pinapatay na daw yun na babae ni Mayor." Sabi naman ni Budang na kababata namin na nakikinig sa usapan namin. Napatingin kami dito. "Saan mo naman nalaman Yun." Tanong ko dito. "Usap usapan yan sa kabilang Bundok nung nababalita na pomoporma sayo si Mayor." Sabi nito sa amin. "Kita mo na. kaya kailangan ko talagang iwasan yang si Mayor." Sabi ko sa mga ito. Kung ano ano pa ang napagusapan namin. Gabi na kami umuwi.at kinabukasan naging busy ako sa pang gagamot sa mga kapwa ko katutubo sa karatig bundok namin. Pagdating ng hapon dumating sila Gov Kasama ang mga kaibigan niya sa bundok na kinaroroonan ko. May mission din daw sila dito. Namigay sila ng mga pagkain at Grocery.sa mga katutubo dito. "Hi! Hindi ko akalain na nandito din kayo nagmimision." Sabi nito sa akin ng lumapit ito sa gawi namin. Hindi ko siya pinansin kunyari busy ako sa pag gagamot sa baby na karga ng Isang katutubo. "Pagkakataon nga naman. Biruin mo makikita pala kita dito." Sabi ulit nito sa akin. Kaya napa tingin ako dito. Kinikilig naman ang mga katutubo na nakapila para mag pagamot sa akin. "Gov may kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong ko dito kasi nagtataka ako bat ito lumapit sa lugar ko. "Oo gusto kong. Aahm.. Hindi. Ahhm ang ibig kong sabihin wala naman." Nalilito nitong sagot sa akin. Kaya napa tanga ako dito. Nagtawanan naman ang mga katutubo na nakapila. Napakamot na lang ito ng ulo at nagpaalam. "Naku Doctora na torpe yata sayo si Gov." Sabi ng Isang babaeng katutubo na may karga na bata. "Oo nga Doctora nag kakanda mali mali eh." Sabi naman ng Isang buntis at nagtawanan silang lahat. "Kayo talaga may girlfriend na si Gov." Sabi ko sa mga ito at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Naging busy ako maghapon hindi na lumapit sa akin si Gov nahiya siguro. Pero lagi kong napapansin na nakatingin sa lugar ko at niloloko ng mga kaibigan niya ito na tinatawanan lang nito. Gabi na kami umuwi. Magkasabay na bumaba ng bundok ang team namin ni Governor Laviste.nag alok ito na ihahatid kami sa bundok na tinitirahan namin pero tinangihan ko. Nagpilit siya pero nagmatigas ako kaya wala siyang nagawa kung hindi pumayag. ********** "Jessei!! Jessei!!" Tawag sa akin ni Betong. Habang nagmamadali itong pumapasok sa Center. "Bakit ba para kang nagmamadali diyan?" Tanong ko dito. Huminga muna ito ng malalim at nagpunas ng pawis. "Naku Jessei dumating ang babae ni Mayor kagabi." Sabi nito habang nagpupunas ng pawis sa binigay Kong tissue. "So ano naman ngayun?" Sabi ko dito na naka kunot ang noo. Kasi hindi ko maintindihan kung bakit nagmamadali ito na sabihin sa akin yun. Ano naman ang pakialam ko kung dumating Yun. "Ano kaba alam mo ba na nagaway sila kagabi dahil sayo." Sabi nito kasi Isa na itong tauhan ni Mayor. Kaya nalalaman niya ang nangyayari sa bahay nito. "At bakit naman ako na sali sa pagaaway nila?" Sabi ko dito na lalo lang kumunot ang noo ko. "Kasi nalaman ni Madam na may kinalolokohan na naman ang boyfriend niya kaya hindi pa tapos ang photo shoot na dinaluhan niya umuwi na ito." Sabi ulit nito sa akin. "E bakit ako lang ba ang kinalolokohang babae ng boyfriend niya " Sabi ko ulit dito. "Oo at hindi lang yun nakikipaghiwalay si Mayor kay Madam dahil sayo." Sabi nito na ikinagulat ko. "Weh!! Totoo walang Eching." Sabi ko dito at hindi makapaniwala. "Oo no. Ikaw lang daw ang nag patibok ng ganon sa puso ni Mayor. Naiiba ka daw na nakilala niya." Sabi nito sa akin. "Eni Eching mo lang ako eh. Sasabihin niya ba yun sa girlfriend niya alam niya Nnaman na mag wawala ito " Sabi ko dito. "Totoo at talagang nagwala ito. Tinanong ang mga tauhan ni Mayor para malaman kung saan ka nakatira." Sabi uli nito sa akin. Napa tingin Ako dito. "Kaya ng malaman ko yun nagmamadali akong umuwi dito." Sabi na naman ni Betong. "Pano na Jessei. Ano ang gagawin mo?" Tanong into sa akin. "Ano naman ang gagawin ko no. Wala naman kaming relasyon ng boyfriend niya. Kaya bat naman ako matatakot sa kanya." Sabi ko dito. "Ano ka ba. Alam mo ba na nakikipaghiwalay na si Mayor sa kanya dahil sayo. Kaya galit na galit ito sayo." Sabi nito sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. "Kaya mag handa ka. Kasi baka mamaya puntahan ka dito at saktan ka." Sabi nito sa akin. Kaya napakunot naman ang noo ko at tumingin ako dito. "Bat naman ako sasaktan nun? Wala naman kaming relasyon ng boyfriend niya." Sabi ko dito at tinawanan ito. "Ikaw alam mo. Masyado ka lang exaggerated." Sabi ko dito. Habang tumatawa. "Bahala ka nga diyan..Tawanan pa ba ako nagalala na nga ako sa kanya." Sabi nito habang nakakunot ang noo at nagpaalam na sa akin. Naiiling na lang Ako dito. "Hindi matangal sa isip ko ang sinabi niya na nakikipaghiwalay si Mayor sa girlfriend niya ng dahil sa akin. "Seryoso? Totoo ba talaga yun?" Tanong ko sa isip ko. Parang hindi ako makapaniwala na gagawin niya yun. "Ano ba yan sa kagustuhan ko na tigilan niya ako mas nahulog pa yata sa akin. Pano na ngayun yan ano na Ang gagawin ko. Si Gov din parang timang din na nagpapacute sa akin. Haay ewan ko sa kanila." Bulong ko saka huminga ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD