Naligo na ako at nagbihis nagaalmusal na ako. Ng tawagin ako ng katulong. "Seniorita, si Seniorito po tumatawag sa inyo." Sabi ng katulong Saka inabot sa akin ang wireless phone. Napakunot ang noo ko. "Hello?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag. "Hi! Good morning sweetheart, Kumain ka na ba. Wag kang magpapagutom dahil pag nagkasakit ka magaalala ako ng husto. I call you to check if kumain kana ng breakfast mo." Sabi niya napakunot ang noo ko. "Tumawag lang siya para sabihin na kumain na ako ng almusal. Ano ba ang topak nito." Bulong ko sa isip ko. Pero napangiti ako. "Actually kumakain na ako ng tumawag ka." Sabi ko sa kanya "Ok. That's good. Take care I Love You." Sabi niya. Saka pinatay na ang tawag. Napangiti na lang ako. "Uuy! Si Seniorita napapangiti ni Seniorito." Tukso ni Bala