"Kayo po bakit hindi na po kayo sumabay sa amin, nakakailang naman po na kami lang ang kakain. Sabayan niyo na po kami." Sabi ko sa kanila. Tumingin sila kay Ford. Medyo natatawa si Ford na pinipigilan lang. "Ano ang problema ng lalaking to may nakakatawa kaya sa sinabi ko " Sabi ko sa isip ko at sinamaan siya ng tingin. Ngumiti lang ito sa akin. "Naku nakakahiya maman po sa inyo." Sagot ng babaeng matanda na. "Wala po yun, wag na po kayo mailang sa amin kami lang po ang nakikikain. Kaya dapat kami ang mailang sa inyo." Sabi ko sa kanila. Sabay ngiti sa kanila. Kaya nagpadag dag na pagkain si Ford at niyaya sila na kumain na rin. Kaya dinag dagan ng matandang babae ang pagkain at ang mga pingan. Nag si upo na rin sila. Tiningnan ko ang niluto nila nag tinola sila ng manok at nag pa