"Ma'am ano po daw ang gustong niyong kainin ngayung tanghalian? Sabi po ni manang." Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Naputol tuloy ang pag babalik tanaw ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko nilingon ang nagsalita sa likod ko. "Kahit ano kamo. Ok lang sa akin." Sagot ko dito. Sabay ngiti sa kanya. Ngumiti din ito sa akin bago nagpaalam. Ng makaalis na ito tinapos ko na ang ginagawa ko sa mga halaman at bumalik na ako sa loob ng bahay. Dumeretso ako sa sala na nood ako ng TV. Maya maya nakisali na sa akin ang mga kasambahay. Nagising ako sa katok sa pintuan ko minulat ko ang mata ko saka ko tiningnan ang relos na nasa ding ding. Napabangon ako ng makita ko na alas otso na ng gabi. Madilim na ang boong silid ko. Nakatulog nga pala ako ng matapos mananghalian. Napahaba yata ang tu