"Calling Doctor Asoncion.. Please come to the Emergency room!!" Narinig kong tawag sa akin sa Emergency. Kaya nagmamadaling pumunta ako sa emergency. "Doctor Asoncion iassist mo daw po si Doctor Velmonte sa Emergency." Sabi sa akin ng Isang nurse na sumalubong sa akin sa entrance ng emergency room. Tumango ako dito. Saka nagmamadali akong pumasok sa loob at nagderetso sa isang kwarto. Nagbihis ako. Saka pumasok sa loob ng operating room para mag assist. Nakita ko na isang babae ang nakahiga at inaasikaso nila. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Don. "Buti dumating kana. Ikaw ang magaling sa artery kaya pinatawag kita. Yung ibang bala natangal ko na pero yung isang bala tumama sa artery malapit sa puso niya. Ikaw ang alam ko na bihasa pagdating sa mga artery." Sabi nito sa akin