"Hindi po pwede seniorita baka po matangal kami sa trabaho pag naabutan kami ni Seniorito." Sagot ni manang Flor sa akin habang hinahainan ako nila Balasang ng pagkain. "Kung ayaw niyo po kumuha na lang po kayo ng pagkain niyo diyan. Tutal Po marami naman po ang niluto ko. Hindi po namin yan mauubos at Isa pa baka hindi na naman kumain ang seniorito niyo dito sayang naman yan." Sabi ko sa kanila. Kaya tumango na lang sila. Ng matapos akong kumain. Umakyat na ako sa kwarto ko. Ng buksan ko ang ilaw nagulat ako sa naabutan ko sa loob. "Hoy bruha! Anong nangyari sayo bakit hindi ka nagpaparamdam ha." Sabi ni Michaela sa akin. Nakaupo ito sa kama ko. Hindi na ako nagtaka kung pano siya nakapasok sa kwarto ko. Siya ang may kakayahan sa amin na magbukas ng mga lock. "Pano mo nalaman na kwart