Chapter 2

2064 Words
Sabi uli ni mang Isko at nagsipagsangayun naman ang mga kanayun namin. "Abay dapat nating protektahan si Doctora Jessei kung ganun." Sabi naman ng isang matanda.Tiningnan ko ang mga magulang ko tahimik lang sila. "Ano po ba ang naiisip niyo mang Isko?" Tanong ng isang matanda. "Abay ang naiisip ko na hindi natin hahayaang magisa si Jessei. Kailangan kahit saan siya magpunta kailangan na may kasama siya." Sabi uli ni mang Isko. Nagsipag sangayun uli ang mga kanayun ko. "Kaya yung mga anak niyong binata ang siyang itatalaga ko sa Center. Para ma bantayan si Doctora at kayong mga bantay sa tuwing baba si Jessa ng bayan kailangan na may sasama sa inyo sa kanya." Sabi ni mang Isko. Kaya pinagusapan nila ang sasama sa akin bukas sa pagbaba sa bayan at kung sino ang magbabantay sa akin sa center. Pagdating namin sa bahay kinausap ako ng mga magulang ko at pinayuhan na magiingat kay Mayor. Kaya nung gabi hindi ako agad nakatulog sa kakaisip. *** Pagdating ng isang buwan. Tuwing lingo niyaya ako ni Mayor na kumain sa labas. Lagi akong may kasamang mga kanayon ko. Ngunit isang araw nagulat ako ng humahangos na pumasok si Inday sa silid ko. Habang may chinicheck up akong pasyente. "Ate! .Ate! .Ate Jessei." Tawag nito sa akin. Kaua napatingin ako dito ng dumating sa harap ko. "Bakit Inday?" Tanong ko dito. "Ate may dumating na mga tao may kasama sila. May mga dala silang kahon.hinahanap ka ng leader nila. Ate ang gwapo niya." Sabi nito. Kaya napa kunot ang noo ko. "Ako hinahanap ng lalaking yun. Sino?" Sabi ko. Tumango lang si Inday..Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas. Nakita ko na nagkakagulo ang mga kanayun ko sa mga ito. Kausap nila mang Isko ang isang lalaki.. Napagkasunduan kasi nila na kapag may naghanap sa akin ipaharap muna kayla ka Isko at ka Ingo. Maya maya nakita ko na papunta na sila sa akin. Nagulat ako ng mapag sino ang kausap nila. si Gov. "Iha! Hinahanap ka ni Gobernador Laviste." Sabi sa akin nila ka Isko at ka Ingo. "Good afternoon po. Bakit mo po ako hinahanap Gov?" Bati ko dito ng humarap ako sa kanya. Iniwan na kami nila ka Ingo. "Aaahm. Wag mo na akong pino po hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Just call me Ford." Sabi nito at kumamot pa sa ulo kaya ngumiti na lang ako. "May dala nga pala kaming mga pagkain para sa mga kanayon mo." Sabi nito at tinuro ang mga kasama niya na inuumpisahan ng itayo ang tent sa gitna.Tumango na lang ako. "Salamat Gov." Sabi ko napakamot siya sa ulo niya. "Pwede bang Ford na lang masyado kasing pormal baka sabihin nila nangangampanya ako kaya nagdala ako ng pagkain dito." Sabi niya sa akin. Kaya tumango na lang ako. "Aahm..Narinig ko kasi na nagsusulisit ka daw para sa mga kababayan mo dito sa bundok. Nagkataon na may tinatayo kaming bagong Foundation na tumutulong sa mga kagaya niyong mga katutubo at mga Ifugao. Kaya pumunta ako dito para magdala ng konting tulong.at tanungin ka na rin kung ano ang maitutulong namin sa inyo." Sabi niya. Kaya napa tingin ako sa kanya. "talaga?" Tanong ko. At hindi ko naiwasan na ipakita ang katuwaan ko Kasi naghahanap talga ako ng tutulong sa amin maliban kay Mayor. "Of course. Kaya nga ako nandito eh." Sabi niya sa akin kaya sa tuwa ko nahawakan ko ang kamay niya. "Naku maraming salamat po." Sabi ko sa kanya. Kinamot na naman niya ang ulo niya at pinisil ang kamay ko. Kaya dun ko lang namalayan na hawak ko pala ang kamay niya. Kaya agad kong binawi ito. "Di ba sabi ko. Na wag mo na akong pino po at mahirap ba na tawagin mo ako sa pangalan ko na Ford." Sabi niya. Kaya nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Sorry!" Sabi ko na lang at napahawak sa bibig ko.Dinala niya ako sa tent ng maayos na ito. Pati ang mga lamesa na itayo na. Nilabas nila ang mga laman ng sako. Mga groceries pala ito at sa kabilang tent naman ay mga lutong pagkain. Namigay sila ng pagkain na naka pack sa styrofoam at juice na nasa pack din. Kaya tuwang tuwa ang mga Katutubo na kanayon ko. Yung iba nagtataka sa pagkain. Habang nagsisikain sila itinuloy ko na ang pag gagamot sa mga may sakit. Naki assist naman sa akin si Ford. Siya ang nagbibigay ng gamot na naka sulat sa reseta. Yung mga kasamahan naman niya nag palaro sa mga bata at matanda sa nayon namin. Pagdating ng hapon ipinamigay na namin ang mga groceries sa kanila. Kaya tuwang tuwa ang mga ito. Napag kasunduan namin na mga Vitamin at pagkain na lang ang ibigay niya na tulong sa mga kanayon ko kasi si Mayor na ang nag susuporta ng mga gamot sa kanila. Pumayag ito sa sinabi ko. Pagdating ng gabi nagipon ipon nanaman kami pinaliwanag ko ang mga tulong na ibibigay nila sa amin dito sa bundok. Kinabukasan Dumating na naman si Gov. Nagulat ako. "Pasensiya na nahilo kasi ako. Saktong nagiikot kami para sa ipapamigay namin na tulong." Sabi nito. Kaya chineck up ko naman siya. Normal naman lahat sa kanya. "Normal naman lahat sayo. Baka dahil sainit ng araw. Kaya ka nahilo. Mas maganda sayo ang laging may dalang tubig." Sabi ko sa kanya. Nagpahinga Muna siya ng ilang oras sa loob ng Center bago. Nagpaalam na. Sumunod na naman na araw dumating na naman si Ford may mga dalang Doctor ng bayan para tumulong sa pag gagamot ng mga may sakit dito sa amin. Hindi ko na lang pinansin ang palaging pagpunta niya dito sa bundok kasi sabi niya May foundation daw sila na tumutulong sa mga Katutubo at ifugao. Kaya hinahayaan ko na lang siya sa mga ginagawa niya. "Ate Jessei alam mo napapansin namin yang sI Gov sige ang tingin sayo kanina pa." Sabi ni Idang sa akin habang nakatingin sa kabilang tent. Nasa isang tent kasi kami habang nag gagamot ako sa mga may sakit. Kasi pati kabilang Bundok pinapunta namin dito para mag patingin at mabigyan na din ng libreng gamot. Tuwing myerkules dumarating Sila Gobernador Laviste. At byernes naman sila Mayor. "Kumusta kana Jessei. Balita ko nagpapaligsahan daw sila Mayor at Gov sa pag papa impress sayo ah." Bati sa akin ng kababata ko na si Indang. Ganito kami pag gabi nagkakasayahan habang nagtitipon tipon. Nagpapasalamat kami sa mga biyaya na natangap namin sa buong araw. Nagtuturo Kasi si Indang sa kabilang Bundok. "Hindi naman totoo yun. Iniisip lang ng mga kanayon natin na nanliligaw ang dalawa sa akin. Pero ang totoo si Gov Laviste may Foundation na tumutulong sa mga Katutubo at Ifugao.at si Mayor naman para mag pa impress sa mga katutubo dahil sa nalalapit na election." Sabi ko dito tumingin ito sa akin. Nakapalibot kami ng mga iba naming mga kababata. Habang ang nasa gitna namin ay apoy. Nagkakatuwaan kami may tumutogtog ng mga intrumento na gawa sa BAO at kawayan yung iba naman ay nagsasayaw sa gitna. "Talaga lang ha!" Sabi nito sa akin. Kaya natawa ako dito at tumango. "Ano kaba magugustuhan ba ako ng mga yun eh Isa lamang akong katutubo. Kung sakali mang nagkainteres sila sa akin. Siguradong hindi para seryosohin ako kung hindi Ibilang ako sa mga babaeng pinaglaruan nila." Sabi ko dito kaya tumango ito. "Tama ka diyan. Nag kainteres lang sila sayo kasi maganda ka. Pero hindi nila seryosohin ang isang katutubo dahil ang alam nila Isa lamang tayong katatawanan." Sabi nito at naalala ko ang mga naranasan namin sa bayan noong nagaaral kaming dalawa doon. Lalo na siya kasi maliban sa kulot na kulot ang buhok niya. Maiksi ito at maitim talaga siya.Kaya kapag pinagtritripan siya ng mga studyante dun ako ang humaharap sa kanila. "Tama ka diyan. Tayong mga katutubo bagay lamang sa mga kagaya natin...Kaya hangat nagagamit natin sila sungaban natin." Sabi ko at nagapiran kami. Maya maya hinila ako ni Tekla na kababata namin. Nagsasayaw ito sa gitna. Nagsigawan ang mga iba pa naming kababata na nakaupo. Ng tumayo ako hinila ko na din si Indang at hinila niya ang katabi niya hangang naghilahan na lahat at nagsayawan kami habang ang mga lalaki tumutogtog ng mga instrumentong kahoy. Ganito kami masaya kahit na kami salat sa ibang bagay. Masaya naman kami at busog kami sa pagmamahal ng bawat isa. Ganito ang buhay namin dito sa bundok tahimik walang gulo lahat kami nagkakaintindihan. *******FORD POV#***** "Hoy bro bat ang lalim ng iniisip mo diyan? Iniisip mo nanaman yung babaeng katutubo no." Sabi ni Marvin sa akin at siniko ako. Napatingin ako dito kasalukuyan akong nagkakape sa veranda ng bahay ko. "Bat ka nandito? May problema ba sa Batangas?" Tanong ko. Kasi pumupunta lang ito dito sa lugar ko. Kapag may emergency O kaya may problemang malaki ito. Hindi na kasi kami magkasama. Sa Batangas kasi ako dati naglalagi. Kaso ng humina na ang Papa ako na ang humawak dito sa Benguet, Pero magkasama pa kami sa grupo na tinatag namin. Ang Black night society tinatawagan na lang nila ako O kaya pinupuntahan kapag kailangan ako. Magmula ng manalo ako na Governor dito sa lalawigan ng Benguet. "Wala naman na miss ka lang namin bro. Kasi ang tagal mo ng hindi bumibisita sa Batangas." Sabi nito at nagsulputan na ang iba. "Busy lang ako marami kasing kailangang asikasuhin." Sabi ko at nagtinginan sila sa akin. "Oo alam naming busy ka sa kakapunta sa Bundok. Ano kaya ang meron dun?" Sabi naman ni Marco at nagtawanan silang lahat. Napailing na lang ako. Wala talaga akong maililihim sa mga ito. "Mga bro tinamaan na ni Kupido ang Brother natin." Sabi uli ni Marvin kaya nagtawanan silang lahat. "Ako nga tigilan mo Marvin. Palibhasa hindi ka pa tinatamaan kapag nakita mo na ang babaeng katapat mo ewan ko lang." Sabi ni Julluis nagtawanan na naman sila." "Hah..Hindi pa pinapanganak ang babae na bibihag sa akin no." Sabi naman nito. "Sinasabi mo lang yan kasi wala pa." Sabi naman ni Justine sa kanila kasi eto ang hindi babaero sa kanila. pumapangalwa ako kaso mukhang tinamaan ako sa babaeng katutubo. Iba Kasi siya parang napaka inosente sa lahat ng bagay at iba talaga ang dating sa akin. Nung una ko siyang makita parang hindi ako mapalagay. Nung hindi ko na siya nakikita. Lagi na nga akong pumupunta kayla mayor para makita ko lang siya. Kaso hindi na siya pumupunta dun. Kaya ng makita ko sila ulit sa restaurant hindi na ako pumayag na hindi ko siya ulit makita. Kaya nag tayo ako ng Isang foundation para sa mga katutubo at Ifugao. Para may dahilan ako na pumunta sa lugar niya.Ewan ko ba hindi ako torpeng tao pero pag dating sa kanya ng hihina ako. Sapat na sa akin na makita ko siya sa malayo. Kaya kung ano ano ang dinadahilan ko para makita ko lang siya. Hindi Kasi ako mapalagay kapag hindi ko siya nakikita sa Isang araw. "Ano ba talaga ang pinunta niyo dito?" Tanong ko sa kanila. Iba iba ang mga ginagawa ng mga ito. Sila Julluis at Justin nag cheches. Si Marvin ang kausap ko samantalang si Marco nagiisa sa sulok nag gigitara Isa kasi siyang singer sikat ang Banda nila na the Doom. Siya ang tahimik sa amin bihira itong umimik kung hindi mo ito tatanungin Hindi ito iimik. Ang pamilya kasi nito ang kinatatakutan sa china. Leader ng mafia din ang magulang niya. Lahat kami Ang mga magulang naming mga mafia leader. Pero dalawa lang kami ni Justin ang pumalit na sa magulang namin. Pero si Marvin ang hindi seryoso sa amin easy go lucky ito kaya sakit ng ulo ng magulang niya at si Edison ang may pamilya na sa Amin. Kaso problemado sa asawa niya. Kasi masyadong sosyal ito. Kaya lagi itong binubuska ni Marvin. Kapag nagkakaroon ito ng problema sa asawa niya. Kaya sabi ko rin noon hindi talaga ako mag aasawa. Pero ngayun hindi ko na alam kung yun parin ang pagiisip ko sa pagaasawa. "Wala naman naiinip lang kami sa opisina kaya naisip namin na mag bakasyon dito." Sabi ni Marvin. Kaya naisip ko na maggagala na naman ang mga ito dito. Sabagay maganda narin ito para may katulong ako sa darting na Fiesta.Kaya sinabi ko sa kanila ang nasa isip ko tuwang tuwa ang mga ito tatawagan daw nila ang mga girls nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD