"Kumain ka na ba? "Tanong ko kay Peter nang makarating siya dito sa apartment ko. Inaasahan ko talaga na darating siya ngayon kasi tinext niya ako na pupunta siya dito.
Halata pa na galing pa siyang work at dumiretso siya agad papunta dito dahil sa suot niyang white long sleeves na nakatupi na hanggang siko niya pati na rin ang maluwag na pagkakatakid ng kaniyang necktie.
Hindi niya ako sinagot dahil dire-diretso lang siya na lumapit doon sa mini refrigerator ko para kumuha ng bottled water at uminom. Dahil nagtataka ako kaya naman sumunod ako sa kaniya at iniwan ang panonood ko ng telebisyon.
"Pagod ka ba? Ang tahimik mo kasi eh, "sabi ko pa at umupo ako do'n sa matangkad na upuan at sinandal ang siko ko sa may counter kung saan nakatalikod pa rin siya.
Hindi niya pa rin ako sinagot
Naninibago ako dahil hindi naman siya ganyan eh. Minsan mga hinahalikan niya pa ako pag dumadating siya dito sa apartment ko o bigla na lang uupo sa tabi ko just to cuddle.
Magsasalita na sana ulit ako para magtanong sa kanya pero nagsalita na siya na ikinatigil ko.
"I can't have a relationship with you anymore, "mahinang wika niya habang nakatalikod sa akin. Kahit na mahina lang ang pagkakasalita niya ay para bang na bingi ako dahil doon.
"A-ano? "Yun lang ang tangi kong nasabi sa kanya makalipas ang ilang segundo na pagkabigla ko. Dahan-dahan na siyang humarap sa akin at agad na nagtama ang mga mata namin.
Wala akong mabakas na kahit anong emosyon sa mukha niya at diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko nang sabihin niya ang mga salita na hindi ko inaasahan na masasabi niya sa akin.
"Let's break up, "sabi niya at ipinatong na lang niya yung hawak niyang bote ng tubig sa counter tsaka nagmadali nang umalis ng apartment ko.
Naiwan naman ako do'n na nagtataka, naguguluhan, nasasaktan at napapaluha.
Nakipaghiwalay na siya sa akin? Without saying any reason why?
What the f**k!
I tried to called him and text hindi that night pero mukhang blinock niya na ako or nagpalit na siya ng number. I DON'T f*****g KNOW!
I just want to ask him kung totoo nga ba ang sinabi niya dahil hindi pa rin mag-process sa isip ko kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin.
Unang una dahil okay naman kami nitong buong linggo, madalang nga kaming mag-away na dalawa eh. As in, sa isang taon na pagsasama namin ay bilang na bilang lang talaga sa mga kamay namin kung ilang beses ba kaming nag-away. Kadalasan nga ay misunderstanding lang o di kaya ay laging late ang pinag-aawayan namin.
Give and take ang relasyon namin, pareho kaming matured mag-isip and we know our priority.
Kapag busy ako, naiintindihan niya and kapag busy naman siya...ako naman ang umiintindi.
But still, we find way to make up with each other.
Sobrang click nga namin eh kaya hindi ko alam kung bakit siya nakipaghiwalay.
Second thing is hindi ako yung girlfriend na demanding at yun daw ang gusto niya about sa akin. Unlike his past relationship to his two exes. Hindi rin naman ako yung tipo na sinasakal ang boyfriend, yung 'bawal do'n- bawal dito'-- same thing with him. Ang pinagbabawal niya nga lang sa akin ay yung mag-travel ako ng mag-isa dahil gusto niya daw ay kasama siya. Pero hindi pa namin nagagawa yun dahil mas busy siya kesa sa akin. Bawal din ang bisyo like smoking, but he allowed me to drink alcohol in responsible way.
Almost perfect ang relationship namin that's why I DON'T UNDERSTAND! BAKIT SIYA NAKIPAGHIWALAY SA AKIN! ANONG DAHILAN?
May third-party ba? Kahit ako, masasabi ko na wala siyang babae dahil hindi siya gano'n eh.
WORK BA? I really don't know!
• • •
Hindi ko mapigilan na kabahan mula dito sa kinatatayuan ko habang nakikita ko ang boss namin kasama ang Senior ko na si Ms. Janda. Ia-announce na kasi nila kung sino ang magiging Employee of The Month ngayong buwan.
Halos isang linggo ko rin itong hinintay at ngayon na malapit na malapit na talaga, hindi ko maipaliwag ang dapat kong maramdaman.
Kung dati kasi ay tiwala pa ako na ako ang magiging EOTM, ngayon ay hindi na. Kasi nabalitaan ko na nakahabol din sa kota niya ang co-worker ko na si Bella kaya medyo tagilid ang lagay ko ngayon.
"I got the result from your Senior Ms. Janda this morning. Alam ko na hinihintay niyo itong lahat kaya hindi ko na patatagalin pa ang pag-announce, "paunang wika ng boss namin na si Mr. Liberty.
Ngumiti siya habang dahan-dahan niya nang binubuksan yung maliit na envelope.
Kinakabahan talaga ako.
"Congratulations, Ms-- "he hang her words and smiled again. Lalo akong hindi mapakali.
"Serene Grayson. "She continued.
Oh my God!
Mabilis na napa-angat na ang aking paningin dahil doon.
"Congratulations sis. "Unang bati ng co-worker ko na si Sam dahil nasa likuran ko lang siya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko kahit na lagi akong nagiging EOTM. Mas masaya nga lang ngayon kasi may premyo na makukuha.
"Congratulations Miss Grayson. "Ms. Janda.
"Congratulations Ms. Grayson, sumunod ka sa akin sa opisina ko. "Nakangiti pa na wika ng Boss ko at agad na akong nag paalam sa mga kasamahan ko. Napadaan pa ako do'n sa harap ni Bella at nag-rolled eyes lang siya sa akin. Ang bitter huh!
Narinig ko pa ang sinabi ni Ms. Janda na mas galingan daw ng iba para sa susunod ay maging Employees of the Month din sila.
Tuluyan na akong pumasok sa opisina ni Ms. Liberty at umupo sa harapan ng lamesa niya.
"Congratulations ulit Ms. Grayson. You deserve it, ang taas ng ranking mo sa listahan ni Janda, "wika niya at napangiti naman ako dahil doon.
"Salamat Ma'am. "I answered politely.
"Sure ako na matutuwa ka sa prize na matatanggap mo. Here. "At inabot niya sa akin ang isang maliit pero mahabang brown envelope, walang salita na tinanggap ko naman yun.
Ano toh? Karagdagang sweldo? O di kaya ay pin na may naka engraved na 'SENIOR' kasi promoted na ako? Huhuhu. Kinakabahan akong buksan.
Hanggang sa binuksan ko na nga yun at nakita ko ang isang white na medyo makapal na papel. I think this is a ticket. Binatuhan ko nang nagtatakang tingin si Ms. Liberty kasi hindi ito ang inaasahan na matatanggap ko.
Ngumiti siya sa akin.
"You got a super ferry ticket from 2Go Travel. Dahil, magkakaroon ka ng one week vacation in Coron. With standard room and libre na rin ang mga pagkain mo do'n. Idagdag pa ang 20,000 pesos na pocket money. What do you think? Excited ka na ba? "Tanong niya at hindi pa rin ako makapag-react.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil dito kasi mas gugustuhin ko talaga na ma-promote na lang kaysa ang mag bakasyon.
• • •
"F*ck pare, simula nang makilala mo yung babae dito sa bar ni Optimus-- napapansin ko na lagi ka na lang nandito, "sabi ng kaibigan ko na si Flynn. Nandito lang kami sa may office ng bar.
"Anong nakilala? Hindi niya nga nakilala eh. "Natatawang wika naman ni Optimus at base sa tono nang pananalita niya ay nang aasar lang siya kaya hindi ko maiwasan na samaan siya nang tingin.
Pero, kung sabagay tama naman sila. Nandito na naman ako sa bar para hanapin yung babae at umaasa talaga ako na makikita ko siya ulit dito. But, it's been 2 weeks already at hindi ko pa siya nakikita ulit.
I don't know if she really exist o baka lasing lang talaga ako nu'ng gabing yun at imagination ko lang siya.
F*ck! That's really bullshit!
Gustong gusto ko na siyang makita at makilala. Kahit halos dalawang linggo na ang nakaraan ay hindi pa rin siya maalis sa isip ko.
Uminom na lang ulit ako ng hawak kong alak na Black Label.
"Wag na nating pag-usapan si Pierce, let's talk about the wedding of Fiona and Carlos. Nakakuha ba kayo ng ticket kasama du'n sa wedding invitation na pinadala niya? "Tanong ni Flynn.
"Yeah. Pero I think, tayong apat lang ang pinadalhan niya ng ticket kasi secret wedding naman yun sa Coron eh. Ako, ikaw, si Pierce at si Natalie. "- Optimus.
"I got one, pero hindi ko pa sure kung pupunta ako. "I answered.
"I already texted Carlos and Fiona, sinabi ko na mahuhuli ako kasi isasabay ko pa si Natalie sa akin. May shoot pa kasi siya. "Wika ni Optimus. Si Natalie ay isa rin naming kaibigan na modelo.
"Same. Baka nga hindi ako makapunta eh. "Dagdag na saad naman ni Flynn.
"Magagalit sa atin si Carlos kapag isa sa atin ang hindi man lang pumunta. "I said and take a sip of my drinks.
Napatingin naman sila sa akin.
"You go! Wala ka namang work na maiiwan eh. Susunod na lang kami. Sayang yung ticket, 2Go pa naman yun, "sabi ni Optimus.
"Yeah right. Ikaw na lang ang mauna, para naman makapag-unwind ka at nang makalimutan mo na yung mysterious girl mo. "Natatawang saad naman ni Flynn.
I just rolled my eyes at him.
Mukhang tama siya, I think kailangan kong libangin ang sarili ko para hindi ko laging naaalala yung babae.
Ang hindi alam ni Pierce ay doon pa sa barko niya mismo makikita ang babaeng matagal niya nang hinahanap at kinababaliwan. Magkikita kaya ang landas nilang dalawa at lalong lalalim ang pagtingin niya para kay Serene? At si Pierce ba ang magiging daan para mawala na ang sakit sa puso ng dalaga mula sa pakikipaghiwalay ng kaniyang ex-boyfriend na si Peter?
Abangan...