04

1423 Words
04. Pabagsak na naupo si Serene sa bahay ng kaibigan niya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Maaga kasi siyang nakauwi galing sa opisina kaya naisipan niya na puntahan ang kaniyang college friend na si Ynna na halos ilang minuto lang ang layo mula sa Liberty Agency. "Wow. Buti naman at nagkaroon ka nang pagkakataon na bisitahin ako kahit na alam kong busy ka. "Saad ng kaibigan niya sa kaniya at dumiretso ito papunta sa kusina. Maliit lang ang apartment na tinitirhan ng kaniyang kaibigan kaya naman halos nasa iisang lugar lang ang sala at kusina. "Hayys. Ayoko lang umuwi muna sa condo." Tipid na sagot ni Serene saka niya ipinatong ang ulo niya sa head couch at pumikit. Pakiramdam niya kasi ay ang bigat-bigat ng ulo niya sa maghapon niyang trabaho sa opisina. Pero ang tunay na dahilan kung bakit ayaw niya pang umuwi sa condo niya ay dahil malulungkot lang siya ulit kapag nag iisa siya doon. Naaalala niya kasi si Peter kapag mag-isa siya sa kwarto niya lalo na yung mga panahon na magkasama silang dalawa doon. "Okay lang. Solo lang din naman ako dito sa apartment. Anong gusto mo? Juice? Tubig? O kape? "Tanong ni Ynna sa kaniya tungkol sa kung ano ang gusto niyang inumin. "May beer ba? "Walang emosyon na sagot ni Serene. Awtomatikong napakunot ang noo ni Ynna sa sinagot ng kaniyang kaibigan saka niya ito mabilis na binatuhan nang tingin sa may sala. "Hmm. May problema ka ba? "Tanong ni Ynna habang binubuksan niya na ang ref niya para kumuha ng beer sa loob no'n. Kilala niya kasi si Serene at hindi naman ito masyadong mahilig sa alak nung college sila lalo na nung nagka boyfriend na ito. Sasagot pa lang sana si Serene sa tanong niya pero muling nagsalita si Ynna. "At saka, hindi ba magagalit ang boylalet mo kapag nag inom ka? Mamaya, baka sumugod yun dito sa apartment ko huh. "Natatawang saad pa ni Ynna pero ang totoo ay niloloko niya lang ang kaibigan. Tuluyan na siyang lumabas ng kusina at lalapit na sana siya sa kanyang kaibigan na naka upo lang sa sofa ng sala niya nang bigla itong magsalita. "Wala na kami ni Peter. "Walang emosyon na wika pa ni Serene na naging dahilan kung bakit napatigil siya at nagulat. Hindi niya kasi inaasahan ang sinabi nito lalo na at saksi siya sa mga panahon na masasabi niyang perpekto talaga ang relasyon ng dalawa. Mabilis siyang umupo sa tabi ng kaibigan at pinatong nito ang mga hawak niyang can beer sa coffee table saka niya niyugyog ito para pagtuunan siya nang pansin. "Ano? Anong break na kayo girl? Mag kwento ka naman. Kailan pa? Bakit? Anong dahilan? May third party ba? Mag chika ka naman diyan. Ang tagal mong hindi bumisita dito, kaya ayan tuloy-- hindi na ako update tungkol sa inyong dalawa.."Sunod-sunod na wika ni Ynna kay Serene. Parang tinatamad naman na binatuhan nang tingin at pansin ni Serene ang kaibigan. "Talagang sadista ka rin 'no? Gusto mong ikwento ko sa'yo lahat samantalang halata naman na hindi pa ako nakaka move on. Gustong-gusto mo talaga na nasasaktan ako eh. "May pagka sarkastiko na wila ni Serene saka mabilis niyang binawi ang kaniyang braso na hawak-hawak nito. "Eh kaya nga may alak ako ohh. "Pa unang wika ni Ynna saka tinuro niya pa ang mga can beer na nasa lamesa kaya doon napunta ang tingin ni Serene. "Magpakalasing ka lang, pwede ka naman na dito matulog sa apartment ko. Dadamayan kita girl. So, ano nga? Bakit naman nakipag break sa'yo ang boylet mo? Sayang 'yon. "Saad ni Ynna saka ipinagbukas niya pa ang kaniyang kaibigan ng beer at inabot niya ito dito. Mabilis naman 'yung tinanggap ni Serene at agad na ininom. "Yung walang hiyang 'yon. Basta-basta na lang niya ako iniwan nang walang dahilan. "Paglalabas niya ng sama ng loob niya para sa dating kasintahan. Nakinig naman sa kaniya si Ynna at gaya nang sinabi nito ay talagang dinamayan talaga siya ng kaibigan sa kanyang pagiging heart broken. "Hayys. Gwapo lang siya pero wala rin pala siyang kwenta eh. Grabe naman 'yun. Talagang iniwan ka lang niya ng ganun ganon lang. Tsk. "Saad ni Ynna sabay inom niya rin sa hawak niyang can beer. Na ikwento na kasi ni Serene ang lahat nang nangyari nu'ng naghiwalay silang dalawa ni Peter. Napainom na lang din si Serene ng alak na hawak niya habang pinapakinggan niya ang komento ng kaibigan. "So, sigurado ka ba na walang third party na dahilan sa pakikipag hiwalay niya sa'yo?"Tanong ni Ynna sa kaibigan. Agad namang umiling si Serene para sa kaniyang pa unang kasagutan. Nilunok niya muna yung alak na ininom niya bago siya nagsalita. "Hindi. Sigurado ako na wala siyang babae. Sobrang busy niya kaya sa work niya, halos kokonti na nga yung oras niya sa akin eh tapos maghahanap pa siya ng iba? Malabo yun."sagot ni Serene. Kahit naman kasi galit siya kay Peter ay hindi naman niya magagawa na siraan 'to lalo na at kilalang-kilala niya yung tao. Alam niya na walang third party at sigurado siya sa bagay na 'yon. "Hayys. Kung gano'n, then hayaan mo na lang siya girl. Baka naman babalik din 'yon sa'yo. Sa ngayon ay baka naguguluhan pa lang siya. May gano'n kasi na mga lalaki eh, 'yung tipong hinahanap pa nila yung sarili nila. "Paliwanag ni Ynna sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya at umaasa siya na tama ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Ayaw naman niya kasing magpaka bitter kung sasabihin niya na ayaw niya nang bumalik pa si Peter kahit ang totoo ay gustong-gusto niyang mangyari yun dahil mahal niya talaga ito. "Iba na lang ang pag usapan natin. Di ba malapit na yung Employee of the month niyo-- kailangan nga ba 'yon? "Tanong nito. "Katatapos lang kanina. "Walang emosyon na sagot niya sa kaibigan. "Oh my god? Really? Nakalimutan ko, so di ba matagal mo nang hinihintay 'yon? Hindi ka ba napili? " "Napili ako. Ako nga ang employee of the month. "Walang gana na saad pa ni Serene dahil hindi naman talaga siya masaya sa napanalunan niyang reward kanina. Mas gugustuhin niya naman kasi talaga ang pagtaas niya sa posisyon o ang karagdagang sweldo bilang reward pero hindi 'yon ang nakuha niya. "Talaga? Edi dapat masaya ka. Bakit parang hindi ka naman masaya-- ano ba yung prize na natanggap mo? "Tanong pa ni Ynna. Halata niya kasi sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan na parang hindi ito masaya sa pagiging employee of the month sa Liberty Agency. "Eh paano naman ako magiging masaya? Mas gugustuhin ko pa na maging senior na ako sa Liberty, o di kaya tumaas ang sweldo ko- pwede rin naman na i-cash na lang nila yung reward pero hindi eh. Aanhin ko naman ang one week vacation ko sa Coron na libre na ang lahat. "Pag rereklamo ni Serene na agad din niyang dinugsungan pa. "Kailangan pa daw na kumuha ako ng mga picture na masaya ako habang nandoon. Yung ido-documentation ko daw ang stay ko do'n. Like what the heck di ba? "Dagdag na saad pa ng dalaga. Mabilis naman siyang pinalo ni Ynna sa kaniyang braso, mahina lang naman 'yon bago nagsalita ang kaibigan niya. "Ano ka ba naman Serene Grayson, ikaw na ang pinaka kill joy na taong nakilala ko. Hindi mo naman kailangang i-document lahat nang pag-stay mo do'n. You just need to capture the beach, your room and food syempre kasama ka sa doon sa picture. Gano'n lang. 'Yun lang naman kaso ang kailangan ng boss mo eh. Gagamitin kasi nila yun to attract other employee para ayusin nila sa trabaho. Get's mo na? "Tanong ni Ynna kay Serene at sunod-sunod naman na nag-nod ang dalaga. Hindi niya kasi masyadong naintindihan ang sinasabi sa kaniya ng boss niya dahil medyo lutang ang isip niya kanina. "At ayaw mo no'n? Malay mo... that vacation in Coron will help you to move on sa ex mo? Kay Peter. O pwede rin naman na may makilala kang mga boylet do'n, edi winner! Wag ka kasing nega diyan girl. Be possitive. Baka doon mo na makita ang forever mo. Edi bongga!" Pagdudugsong na saad pa sa kaniya ni Ynna pero hindi na lang niya yun pinansin pa at muling uminom dahil para sa kaniya ay wala siyang balak na palitan si Peter. Umaasa pa rin kasi siya na magkaka ayos pa silang dalawa. Naisip niya kasi na tama si Ynna, baka nga naguguluhan pa lang si Peter sa relasyon nila kaya niya ginawa 'yon. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD