01
Her hips shaking and circling uncontrollably when she's following the rhythm of the music from the DJ here at Optimus Club. She is Serene Grayson and she's just having so much fun as if there's no tomorrow. Why? Because her boyfriend for almost a year broke up with her and she wants to forget all the pain that night. Akala niya kasi ay ito na talaga ang mapapangasawa niya dahil naaalala niya pa yung mga panahon na pinag-uusapan nilang dalawa ang future na magkasama sila.
She is a bit tipsy but she doesn't want to stop dancing and drinking alcohol.
Serene Grayson is now 25 years old and working as a consultant in a not-so-popular small pub in the town. She loves to travel but her boyfriend-- I mean her ex-boyfriend Peter is always against that hobby. Serene loves her boyfriend that's why she's allowing him to decide for herself.
"F*ck! Pagkatapos kong gawin ang lahat ng gusto niya, pati sarili ko napapabayaan ko na para lang sa kaniya. Ito pa ang ipapalit niya sa akin? That's bullshit!" she whispered to herself and paused a bit from dancing. Punong-puno siya nang hinanakit lalo na at wala man lang ibinigay na dahilan ang lalaki sa kaniya at nakipag-break lang ito.
Serene is unaware of the man sitting on a stool in front of the bar seemed attracted to her. She has no idea that her dance, her messy hair, and her body gave too much erection down there between the thighs of Pierce Cordova.
Narural lang para kay Pierce na maramdaman ang pakiramdam na yun lalo na at hindi niya talaga matanggal ang kaniyang paningin kay Serene habang patuloy lang siyang umiinom sa kaniyang mamahaling wine at napapakagat pa siya ng labi.
Even though he was always at that bar because it belonged to his friend Optimus, that was the first time he saw Serene.
Pierce Cordova is a young man aged 27. He doesn't have a job but he has an investment in Optimus Bar na sobrang sikat sa lugar na yun. May mga investment din siya sa malalaki at sikat na kompanya kaya kahit hindi siya nagtatrabaho ay patuloy pa rin ang pagpasok ng pera niya sa kaniya.
He is rich, handsome, at lagi siyang hinahabol ng mga kababaihan pero kahit gano'n pa man ay mailap pa rin siya mga ito. Bakit? Simple lang, dahil ayaw niya ng mga short commitments.
But, as he stared at Serene for a long time, nararamdaman niya na para bang nagbabago na ang kaniyang prinsipyo.
Bara bang handa siya na kalimutan ang pagiging disenteng tao para lang maka- one night stand niya si Serene.
Hindi niya matanggal ang kaniyang paningin kay Serene sapagkat natatakot siya na mawala ito. Halos matapos na ang kanta pero nakatingin pa rin siya sa babaeng nagsasayaw.
Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ito o hindi?
Wala din kasi siyang ideya kung may kasama nga ba ang babae o nag-iisa lang ito. Ayaw naman niyang mapa-away kung sakaling committed na pala ang babaeng gusto niyang makilala sa ibang lalaki.
Hindi naman nagtagal ay parang nakaramdam na ng pagod si Serene kaya naman nag-pasya na siyang ayusin ang sarili para mag handa nang umuwi. Ibinaba niya rin ang dress niya na medyo tumaas dahil sa wild na pagsayaw niya.
May pasok pa siya kinabukasan at ayaw naman niyang ma-late kaya kahit gusto niya pang magtagal sa bar ay kailangan niya nang umalis.
“Tama na ang party Serene, mukhang nag-enjoy ka naman ngayon kaya tama na.” Na sambit na lang niya sa sarili niya at lumapit na siya do'n sa lamesa at kinuha ang purse niya na nakapatong doon.
Kung wala lang siyang trabaho bukas ay siguradong magtatagal pa siya sa bar pero hindi pwede eh. Kung pwede lang din ay ayaw niya pang umuwi sa apartment niya dahil maaalala niya lang ang kaniyang ex-boyfriend kapag nandoon siya lalo na kapag nag-iisa. Madalas kasi na doon ang make out place nila.
“Wag lang talagang magpapakita ang hayop na lalaking yun sa akin kundi patay siya,”sabi niya ng may pagbabanta patungkol sa ex-boyfriend niya.
Pagkalabas niya sa bar ay agad siyang nag-para ng TAXI at sumakay do'n.
Natanggal naman ni Pierce ang tingin niya kay Serene ng biglang may sumulpot na isang babae sa harapan niya.
“Hey handsome,”wika ng babae na may pagka malandi ang tono nang pananalita.
Gumawa naman ng paraan ang binata para silipin ulit si Serene kahit na may nakaharang sa harapan niya. Nang makita niya na nandoon pa rin ang babae ay nakahinga naman siya ng maluwag.
“Are you really gonna ignore me here?”tanong pa ng babae at lalong lumapit siya kay Pierce at hinawakan pa nito ang dib-dib ng binata.
Dahil doon kaya agad na napatayo si Pierce sa kaniyang pinagkakaupuan.
“I’m sorry. I’m with someone,”seryosong wika niya at siya na ang kusang lumayo sa estrangherong babae.
“Kanina pa kita pinagmamasdan dito at mukhang wala ka namang kasama,”sabi ng babae sa kaniya at parang nagpupumilit pa ito.
Hindi niya yun pinansin at muli niyang binatuhan nang tingin ang pwesto ni Serene at mabilis siyang napakunot ng noo ng hindi niya na makita ang babae doon.
“Hey. I’m asking you, sino ba ang kasama mo?”
"Im sorry, I really have to go."Yun na lang ang sinabi niya at hindi niya na hinintay pa na makapagsalita ito at tuluyan nang umalis.
He ignored the crowded and narrowed way on the dance floor just to look for the woman but he failed to find her. Inilibot niya ang paningin niya pero hindi na niya nakita pa ang tanging babae na nakakuha ng atensyon ng gabing yun.
“f**k!”he exclaimed in annoyance. Ngayon ay mas lalo na siyang walang clue kung paano niya makikilala ang babae dahil wala siyang ideya kung sino nga ba ito.
• • •
“Can I see your log book for tonight?”tanong ni Pierce sa kaniyang kaibigan na si Optimus na nagmamay-ari ng bar. Hindi naman maiwasan ni Optimus na mapakunot ng noo dahil talagang pinuntahan pa siya ng kaniyang kaibigan sa opisina niya para hingin ang log book ng bar.
“Syempre hindi,”Optimus firmly said. Napatayo naman si Pierce sa sofa na inuupuan niya para lapitan ang kaibigan. Pero bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita na ulit si Optimus.
“Confidential ang mga pangalan na nasa logbook. Tsaka, ano bang kailangan mo?”he asked.
“May nakita akong babae kanina. Nakuha niya ang atensyon ko kaya kailangan kong malaman kung sino siya. Kailangan kong malaman kung anong pangalan niya at kung paano ko siya makikita ulit. So, can I see your log book?”pag uulit na tanong pa ni Pierce at talagang desperado na siya.
Ang log book kasi na tinutukoy niya ay ang listahan ng mga taong pumasok sa Optimus bar ng gabing yun. Umaasa siya na yun ang magiging daan para makilala niya ang babae at upang makita ito ulit
Napatawa naman si Optimus sa sinabi ng kaniyang kaibigan at napa-iling pa.
“Nagbibiro ka ba pare? So, gagamitin mo yung logbook ng bar para makita mo yung babaeng tinutukoy mo? Without any idea kung sino ba talaga siya? Oh come on. Alam mo naman na sikat ang bar ko kaya madaming babae at lalaki ang pumupunta dito? Tell me, paano mo mahahanap yung babae sa logbook ko na puro pangalan lang ang nakalagay?”Optimus answered in the very obvious situation of his friend.
Napatahimik si Pierce dahil don. Napagtanto niya na tama ang sinabi ng kaniyang kaibigan.
Pabagsak na lang na naupo ulit siya sa couch at napahinga ng malalim. The reality hits him.
“You know what, kung magkikita kayo ulit nung babaeng tinutukoy mo, ang tadhana na mismo ang gagawa ng way para magkita kayo. Wag kang mag madali okay?”wika pa ni Optimus at ipinag-patuloy na lang niya ang ginagawa niyang pag i-inventory.
Hindi naman maalis sa isip ni Pierce ang babaeng nakita niya sa bar. Alam niya sa sarili niya na gusto niya talagang makilala ang dalaga pero gaya nang sinabi ng kaniyang kaibigan na si Optimus ay mukhang malabo yun.