02

1047 Words
Maagang nagising si Serene mula sa kaniyang mahimbing na pag tulog ng umagang yun. Kailangan na kasi niyang mag-handa upang pumasok sa kaniyang trabaho. Kahit na nararamdaman niya na masakit ang ulo niya dahil sa hangover ay pinagsawalang bahala na lang niya yun sapagkat alam niyang male-late na siya. Hindi kasi siya pwedeng ma-bad shot sa kaniyang boss dahil hinahabol niya ang pagiging Employee of the Month para sa buwan na yun. Nalaman niya kasi na may prize na makukuha ang tatanghalin sa titulo kaya naman nagsusumikap talaga siya. Kapag naiisip niya na ang makukuhang premyo ay pagtaas ng kaniyang sweldo o di kaya ay ang pagka-promote niya sa trabaho ay mas lalo siyang ginaganahan na magtrabaho. Kailangan niya kasi na ipakita sa kanyang ex-boyfriend na mas better siya ngayon kahit na break na sila. "Akala mo ikaw lang ang magiging boss noh. Hintayin mo lang Peter-- pagsisihan mo na iniwan mo ko,"Galit na saad niya sa sarili niya at marahas na siyang bumangon mula sa kama niya. Dumiretso na siya banyo upang maligo. Isa kasing boss ang kaniyang dating kasintahan sa isang malaking kompanya. Hindi niya alam kung ano ang posisyon nito dahil hindi naman mahilig magkwento ang lalaki tungkol do'n. Nararamdaman niya kasi na parang nahihiya ang kaniyang ex-boyfriend na i-brag ang tungkol sa mataas na posisyon nito sa isang kilalang kompanya dahil ayaw nito na maramdaman niya na isa lang siyang consultant. Basta ang huling balita niya ay na-promote na naman ito sa trabaho at mas lalong tumaas ang posisyon sa kompanya na pinagtatrabahuhan nito kaya naisip niya na baka yun din ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kaniya ang lalaki. Mabilis na nagpara nang cab si Serene nang makababa na siya sa apartment na tinutuluyan niya. She is just wearing a white long sleeve, black skirt and a black ribbon around the colar neck with matching a pair of black heels. Lunes ngayon kaya naman yun ang suot niya. Kahit walang proper uniform ang maliit na agency na pinagtatrabahuhan niya ay pinipili niya pa rin ang tamang damit na susuotin niya. Yun din ang naging dahilan kung bakit napabilang siya sa list nang pagpipilian para sa magiging Employee of the Month sa katapusan ng buwan na halos isang linggo na lang ang hihintayin. Pagkasakay niya sa cab ay doon niya na inilabas ang face powder niya, cheek tint and lip tint na gagamitin niya para mas maging presentable siya sa trabaho. "Sa Liberty Agency lang po ako Manong, "wika niya at nagsimula na siyang mag-ayos. Dahil alam niya kasi na male-late na siya kaya sa loob na lang niya ng sasakyan yun ginagawa. Nakasanayan niya na rin kasi na gawin ang bagay na yun para makakuha pa siya ng ilang minuto para matulog. • • • "Good morning Manong, "mabilis na pagbati ko kay Manong guard nang tuluyan na akong nakapasok sa building namin. "Good morning Se. "Nakangiti na bati niya pabalik. Dumiretso na ako sa may elevator at hinintay yun na bumukas. Habang naghihintay ay sinimulan ko na ring i-check ang mga dala ko na mga titulo ng lupa na ibibigay ko kay Senior mamaya. "Good morning Serene. "Isang boses ng lalaki ang nagpalingon sa akin sa may gilid ko. Doon ko rin naramdaman na medyo nagkalapit ang mga braso naming dalawa. Lihim akong napa-rolled eyes sa isip ko. -_- Hindi talaga mabubuo ang araw ng mokong na ito kapag hindi ako kinakausap eh. Siya nga pala si Jake, isa siya sa senior ko. At dahil nga isa rin siyang senior kaya naman kailangan kong maging magalang kahit na hindi ako under sa team niya. "Good morning."Pagbati ko sa kaniya pabalik. "Balita ko na reach mo na daw ang kota mo kahapon. "Paunang wika niya. If I know, ini-stalk niya ako. Ang tagal na kayang may gusto sa akin ang lalaking to. Kahit nung hindi pa ako regular na empleyado dito sa Liberty ay patay na patay na siya sa akin hanggang ngayon na consultant na ako. "Ahh. Oo. "Tipid na sagot ko na lang, sakto naman na bumukas na yung elevator kaya sumakay na ako. To be obvious, syempre kasabay ko siya at sa kamalas malasan naman ay kami lang ang dalawa dito sa loob. "Ngayon pa lang ay kino-congrats na kita, "sabi pa niya at medyo humarap pa siya sa akin ng konti tsaka ipinakita yung ngiti niya. Hays. Konting tiis na lang Serene, hindi mo na kailangan na maging mabait sa kanya kapag na-promote ka na. Malay mo, yung prize pala na matatanggap kapag ikaw ulit ang naging Employee of the Month ay promotion-- edi magiging Senior ka na rin tulad niya. "Salamat. "Tipid na sagot ko na lang ulit. Alam ko naman na sanay na siya sa ganu'ng mga sagutan ko-- hindi lang naman kasi siya ang pinapakitunguhan ko ng ganito kundi lahat ng mga lalaki na alam kong may lihim na pagtingin sa akin. Pero noon yun nung may boyfriend pa ako. Sigurado ako na magiging friendly na ako sa mga lalaki ngayon dahil single na ako. Hindi nga lang kay Jake kasi hindi ko talaga siya type. Well, gwapo naman siya kaya lang hindi ko tipo yung mas matanda sa akin ng limang taon. "Labas naman tay--" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang bumukas na yung pinto ng elevator. Napangiti naman ako ng lihim dahil doon tsaka tuluyan nang lumabas. Hindi kasi same ang floor namin kaya alam kong hindi niya na ako masusundan. "Bye Senior."Yun na lang ang sinabi ko nang lumingon ulit ako sa kaniya at naglakad na palayo. Buti na lang talaga at bumukas na yung pinto. Alam ko naman na aakitin na naman niya akong kumain sa labas o di kaya ang manood ng sine. Gano'n siya lagi kahit na alam niyang in a relationship pa ako dati. Shit! Naalala ko na naman si Peter! Yes, Peter ang name ng ex ko. Wahhh. Kailan ko ba siya makakalimutan!? Nakakainis na kasi eh. Bigla bigla pa siyang pumapasok sa isip ko at kagabi, napanaginipan ko pa siya. Ang galing lang! Paano ako makakapag- move on kung gano'n di ba? Bwiset! Kapag naalala ko kung paano siya makipag-break sa akin kahapon, kumukulo na agad ang dugo ko. Biglaan kasi ehh, sa sobrang biglaan ay hindi talaga yun pumasok sa isip ko. Jeez!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD