“SEE nag-eenjoy ka sa party ni Hyun.”
Sumisimsim si Lynn sa ikalawa na niyang glass of wine nang umupo sa tabi niya si Rea. Ilang minuto na rin nang maghiwalay sila ni Hyun. Nagpunta ito sa mga kaibigan habang siya naman ay umupo sa may bar area at umorder ng maniinom.
“So far, I’m having a great time. At saka ang sarap nitong bagong wine nina kuya ha? Ang mabuti pa subukan mo rin.” Pansin kasi niya na walang hawak na alak ang kaibigan.
Pero nang akma na niyang tatawagin ang bartender ay mabilis siyang pinigilan ni Rea. “Nope. Hindi ako pwedeng uminom. Maaga kami ng kuya mo bukas sa airport.”
“Yes. Maaga kami bukas, Sis.” Out of nowhere ay nasa likuran na ni Rea ang kuya niyang si Mikael.
“Vacation?” tanong niya sa mag-asawa. Wala kasi itong nabanggit na aalis ang mga ito.
“May titingnan ako sa vineyard ng Vittorio sa Burgandy. Mga isang linggo lang naman. Isasama ko si Rea.”
Ang tinutukoy ng kapatid ay ang vineyard ng kompanya nito sa Burgandy, France. Doon nanggagaling ang malaking porsyento ng mga ubas na ginagawang wine ng Vittorio.
“Alam na nina Mama at Papa na aalis kayo? Paano si Cookie?” Tanong niya.
“Isasama namin ang bata,” sagot ng Kuya Mikael niya. “At saka nakapagpaalam na ako kina Mama at Papa. May pinapatanong din pala sila sa’yo.”
Kunot noo niyang tinitigan ang kapatid. “Ano raw, kuya?”
“Kelan daw mo ba daw sila bibigyan ng apo?” Pagkasabi ay tumawa ito.
Napasimangot siya dahil hindi niya inaasahan ang biro na iyon ng kuya. Akala kasi niya ay seryoso ang tanong nito. “Ewan ko sa’yo. Pakisabi na lang malapit na para ‘di na ako kulitin.”
Noon pa man ay madalas na siyang tinatanong ng mga magulang kung kailan ba daw siya mag-aasawa. ‘Di na raw siya dapat magpatumpik-tumpik pa at baka tumandang dalaga na siya. Alam niyang nag-aalala lang naman ang mga ito para sa kanya. Kaya lang ay ‘di pa talaga niya maibibigay ang gusto ng mga magulang.
“Malapit na? Malapit nangang maging puti lahat ng buhok nina Mama at Papa sa kahihintay. Mag-asawa ka na kasi. Tingnan mo kami ni Rea. Parang second honeymoon na namin ito. Hindi yata ako makatulog sa excitement,” nakangising sabi ng kapatid at pagkuwa’y hinalikan sa labi ang asawa nito.
Malambing namang sinagot ni Rea ang halik. Pagkatapos ng halik ay hinaplos nito ang pisngi ni Mikael. “Baka ‘di ka makatulog sa sobrang excitement mo,” biro ni Rea.
“Eh‘di walang tulugan ngayong gabi,” sagot naman ng kuya niya sabay halik muli sa labi ng asawa.
She rolled her eyes at the scene in front of her. “Ang bata pa ni Cookie. Susundan niyo na agad?”
“Naiinggit ka lang kasi wala kang boyfriend. Sabi nang hahanapan kita ng makaka-date eh ayaw mo naman.”
“Salamat na lang kuya. Kaya kong maghanap mag-isa.” Hindi pa rin talaga tapos ang kapatid sa pangungulit sa kanya.
“Ang taray mo na talaga, Lynn,” sabi ng kapatid sabay pisil sa kanyang magkabilang pisngi. “Na-miss ko tuloy ang sweet at taba-chingching kong little sister.”
“Aray, Kuya! Wala na akong chubby cheeks kaya medyo masakit na yan.”
“Sige na nga. Ikaw na ang may pinakamaliit ang bewang sa lahat.” Tumawa ang kapatid at saka siya binitawan. “Paano? Uuwi na kami. Kung gusto mo, ihahatid ka na rin namin,” anyaya sa kanyang kapatid.
Umiling siya. “Huwag na kuya. Masyadong malayo ang condo ko sa bahay niyo. Okay lang ako, promise.”
“Mag-ingat ka pauwi, ha? Magpahatid ka sa mga kaibigan natin kung ‘di mo na kaya,” bilin nito sa kanya. Alam nitong maaasahan sa anumang oras ang mga kaibigan.
“Opo. Sige na at maaga pa kayo bukas.”
Tinapik siya ni Rea sa balikat. “Mauuna na kami,Lynn. I-enjoy mo lang ang gabi. Paminsan-minsan lang ‘to.”
“Yes, I will.”
Ilang sandali pa ay umalis na ang mag-asawa. Naiwan siyang mag-isa sa kinauupuan. Nang lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na siyang ma-bore. Wala kasi siyang makausap na matino roon dahil pati ang mga kaibigan ay ‘di niya mahagilap.
Makauwi na nga lang.
Aakma na siyang tatayo nang biglang may tumawag ng pangalan niya.
“OMG! Is that you Lynn Parcon?” masayang bati ng babae. “Kumusta na? Grabe! Di ko ini-expect na makita kita rito! And you look so…great!”
Tinitigan niya ang mukha ng babae at pilit inaalala kung saan niya ito nakilala.
“It’s Hannah. Remember me?” pagpapaalala pa sa kanya ng babae. “Classmates tayo noong high school!”
Yeah, right. Kaklase nga niya ito. Sa pagkakaalala niya ay isa si Hannah sa mga officers ng student organization dati.
“Hi!” Pinilit niyang ngumiti nang maluwag. “Of course I remember you.”
“Ah, oo nga pala. Kaibigan mo si Hyun Olivares kayaka nandito sa birthday niya.”
Tumango siya. “We’re quite close. Ikaw, kumusta?”
“Naku, okay naman! Eto, Mrs. Gatchalian na. You know Albert Gatchalian of Ace Coffee? Siya ang asawa ko.”
How the heck would she know an Albert Gatchalian? Siguro kaibigan ito ni Hyun kaya naimbitahan din sa party.
“Two years na kaming kasal. May baby na nga kami. Ikaw? Kumusta ka na? Sino ang napangasawa mo?”
Sandali siyang natigilan sa tanong nito. “Well… I’m focused sa trabaho ko kaya you won’t hear wedding bells yet.”
“Really? Pero may boyfriend ka naman siguro diba? Sa ganda at sexy mong mo nang ‘yan siguradong marami kang manliligaw!”
Hindi niya alam ang isasagot kaya nginitian na lang niya ito. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Hannah.
“Grabe. Ibang-iba na ang hitsura mo. No offense meant ha, pero hindi talaga kita agad nakilala eh. You looked different!”
“Well, I’ll take that as a compliment. Kaya minsan naiisip ko, ‘di na muna ako mag-aasawa. Nakakasira ng figure ang pagbubuntis.”
Ansaveh! Kung anu-anong rason na ang pinagsasasabi niya sa harap ng kaklase.
“Pero dapat mag-asawaka na rin. Alam mo naman, ‘di na tayo bumabata. ‘Di ba? High risk na tayo sa pregnancy.”
Talaga bang ipaalala pa sa kanya ang edad nila? Sasagutin na niya ang babae nang bigla na lang may tumawag sa cellphone nito. Nahihimigan niyang ang asawa nito ang kausap. Nang ibaba na ni Hannah ang cellphone ay agad na itong nagpaalam sa kanya.
“Pasensya na, Lynn. Hinahanap na ako ng hubby ko. Kasi naman ‘yon, ‘di kayang mawaglit ako sa paningin niya. See you around ha?”Tatalikod na sana ang babae pero bigla itong humarap muli. “Ah siya nga pala, Lynn! ‘Wag kang mawawala sa reunion natin. Nasa f*******: page ng batch natin ang details. Dalhin mo ang boyfriend mo, okay? See yah!”
Iyon lang at umalis na si Hannah. Naiwan tuloy siyang parang nanghina ang tuhod sa nangyari. Now she has no more excuses for the upcoming reunion. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng lugar na magkikita pa sila ng kaklase ay sa birthday pa ni Hyun?
“Do you want another drink, Ma’am?” tanong sa kanya ng bartender. Napatingin tuloy siya sa kanyang kopita. Ubos na iyon kaya pala nagtanong ang bartender.
Imbes na uuwi na siya ay parang kailangan niya yata ulit ng isa pang maiinom.
“Ah, yes please. Can you pour me—”
Natigilan siya nang muling maalala ang sinabi ng dating kaklase. Dapat mag-asawa ka na rin. Alam mo naman, ‘di na tayo tumatanda.
Grabe talaga! She’s still very young looking kahit almost 30 na siya.
What if umupa na lang siya ng lalaking magpapanggap na boyfriend niya?
Hayh… Sira na talaga siya! Sino ba ang mga dating kaklase para i-please niya? She better stay at home at trabahuhin ang proyekto niya. Mas sasaya pa siya.
“Excuse me, Ma’am but I didn’t get your order. Gusto niyo po ba ng isa pang wine?” tanong muli sa kanya ng bartender.
Sandali siyang nag-isip. Parang nagbago ang panlasa niya dahil sa pagkikita nila ni Hannah.
“Ma’am?” tanong muli ng bartender.
“Fine, I’ll have Martini, please.”
HMMM… Ang sarap ng pakiramdam na humiga sa mainit na kama. Idagdag pa ang komportableng unan na umaalalay sa ulo ni Lynn. Goodness. It’s been a while since she felt this kind of comfort.
And that smell… that manly smell...
Idinantay ni Lynn ang kamay sa ibabaw ng unan na hinihigaan niya. Ang unique naman ng unan niyang iyon—smooth pero may pagkamatigas ang humps nitong disenyo. Inihilig pa niya ang mukha sa kanyang unan ng maramdamang may kumakabog sa loob noon.
It sounded like a soft beating drum. A rhythm similar to a…heart?
Kalokohan.
Paano nagkaroon ng puso ang unan?
Inayos niya ang pagkahiga nang maradamang tila ba gumagalaw ang kanyang unan. Tila ba mas lumalapit ito sa kanya. Hindi rin niya maikakaila ang parang mahinang buga ng hangin sa kanyang leeg. Kinikiliti siya niyon.
Grabe naman ang panaginip na ‘to. Kung ano-ano nalang ang nararamdaman niya. Kung di lang siya nananaginip ang maiisip niyang may kayakap siya ngayon sa kamang kinahihigaan.
Isang matipunong lalaki. Yay!
Nais pa mang matulog ni Lynn pero mas nananaig na ang kyuryusidad sa kanyang katawan.
Dahan-dahang binuksan ni Lynn ang mga mata at doon na niya nalaman na hindi unan ang kanyang hinihigaan kung hindi ay isang katawan. Katawan ng isang lalaki na may matitigas na abs!
Abs? Paano naman nagkaroon ng abs sa kanyang kama ngayon?
Bago pa man siya nakapag-isip ay isang impit na tili ang lumabas sa kanyang bibig. Nagising na rin ang lalaki at napabalikwas sa kinahihigaan. Pero hindi pa man ito tuluyang nakatayo ay natulak na niya ito pababa ng kama.
Lagpak ang lalaki sa sahig kaya naman napaungol ito sa sakit.
“What the f**k are you—”
Hindi maituloy ng lalaki ang sasabihin dahil sa sobrang gulat nang makita siya. But what the hell? Hindi lang ito ang gulat na gulat. Pati siya ay parag tinamaan rin ng kidlat sa na-realize.
“Ikaw?!” bulalas niya nang masigurong hindi siya namamalikmata. Ang lalaki sa harap niya naka-boxers lang ay walang iba kung hindi ang kabarkada ng kuya niya.
”What the f**k are you doing here, Hyun?!”