Chapter 1

2979 Words
“LUMABAS-LABAS ka naman ‘pag may time, Lynn. Nagmumukha ka nang bampira,” pambungad na bati kay Lynn ng kaibigan at sister-in-law na si Rea. Dinadalaw siya sa condo niya dahil nami-miss na raw siya nito.      Siya man din ay miss na rin ang kaibigan pero sadyang marami siyang ginagawa. Isa siyang game designer sa isang gaming company at kailangan na niyang matapos ang bagong mobile game. Naging successful kasi ang ni-release niyang laro last year kaya naman inaapura na siya ng boss niya na gumawa muli ng isa pa. Hindi naman sa pinagyayabang pero ang mga larong dinivelop niya ay laging nasa most downloaded mobile games sa playstore. “Pasensya na pero wala akong oras sa lakwatsa, Rea. May tinatapos kasi ako ngayon.” Inalis niya ang suot na eyeglasses at bahagyang kinusot ang mga mata. Kanina pa kasi iyon sumasakit dahil sa kakatitig sa screen ng kanyang computer. “’Yan na nga ba ang sinasabi ko. Pati ‘yang mga mata mo, hindi mo pinapagpahinga. Mas lalabo ‘yan.” Hinila siya ng kaibigan palayo sa computer at pianupo sa kalapit na sofa. “You need a break. Dapat kang magpahinga kahit konti. Pamper yourself.” “Kung maka-pamper para akong nagpapabaya sa sarili. Okay lang ako.” “Okay ba ‘yan? Ang laki-laki ng sweldo mo sa trabaho mong ‘yan ta’s ni lipstick ‘di ka yata bumibili. At saka nasaan na ang contacts na binili natin noong nakaraan? Bakit ‘di mo suot?” Tiningnan siya ng kaibigan mula ulo hanggang paa. “Paayos ka ng hair, magpa-spa. Sasamahan kita.” Nalolosyangan na kaya ang kaibigan sa hitsura niya? Totoong hindi na niya napapaayos ang buhok. Marami na iyong split ends dahil sa kakapusod niya noon. Naiinitan kasi siya kapag nakalugayang buhok. Ang suot naman niya lagi ay ang maluluwang na t-shirt at pajama pants. Mas gusto niya iyon para maging komportable siya habang nagtatrabaho. “Alam mo, Rea, wala namang nakakakita sa akin. Kaya okay lang na ganito. Ayoko kong nagko-contact lens sa bahay. Abala masyado. At saka na ako magpapaayos kapag tapos na ako sa ginagawa ko.” “Eh kailan ba ‘yan matatapos?” “Hmm… in two months or so. Depende.” “Ano? Ganoon pa katagal?” Bakas sa mukha ng kaibigan ang pagkabahala. Gusto tuloy niyang matawa dahil affected na affected ito sa hitsura niya. “Ano ka ba? OA ka masyado. Alangan namang magpaganda ako eh wala naman akong hinaharap na tao. Ganito lang talaga ang uri ng trabaho ko kaya dapat masanay ka na. Okay lang ako, promise.” “Tsk! Pumayat ka nga pero naging workaholic ka naman,” anas ng kaibigan na umiiling pa. Yes. Pumayat na siya. Simula nang gumradweyt sa high school ay ginawa niya ang lahat para matunaw ang mga taba niya sa katawan. Tumakbo, nag-gym, nag-diet. Lahat na! At nagtagumpay naman siya. Balingkinitan na siya ngayon. Wala na ang lumba-lumba na si Lynn. Napalitan na ng isang masipag at career oriented na babae na may vital statistics na 34-24-35. At siguradong sigurado siya sa measurements niya dahil sinusukat niya ang sarili kada matapos mag-workout sa gym ng condominium. “Ay grabe siya. Hardworking lang. Di naman workaholic,” pagtatama niya sa sinabi ng kaibigan. “At saka nagwo-workout pa rin ako araw-araw kaya super healthy ako.” “’Di ko kinikwestiyon ang pagwo-workout mo. Pero, Lynn ang mga hardworking na tao ay may social life pa rin. Nakikipagkita sa mga kaibigan. Buti pa noon pinupuntahan mo kami sa bahay. Ngayon hindi na. Dalawin mo naman kami ng kuya mo. At saka hinahanap ka na ni Cookie.” Siya man din ay miss na ang kapatid at ang kaisa-isang pamangkin na si Cookie—ang unico hijo nina Rea at ng Kuya Mikael niya. Pero nakatali talaga siya sa trabaho. Ilang araw na rin siyang hindi makalabas dahil doon. Sasagot na siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Notification iyon sa f*******:. Napabuntong-hininga siya. Hindi kasi niya nagustuhan ang nabasa. Isa iyong reminder tungkol sa high school reunion nila na gaganapin sa weekend doon mismo sa dati nilang eskwelahan. Mag-iisang buwan na niyang alam ang tungkol sa reunion pero hindi pa rin siya nagko-commit na pupunta. Hindi kasi niya feel na harapin muli ang mga dating kaklase. Ang nakakahiyang pangyayari noon sa basketball court ang nagtutulak sa kanyang kalimutan ang high school days niya. “O, bakit lukot ang mukha mo? Ano ba ‘yan?” tanong ni Rea. Iiwasan niya sanang mabasa ng kaibigan ang nasa cellphone pero huli na siya. Mabilisna iyong naagaw ni Rea. “High school reunion?”tanong ng kaibigan matapos mabasa ang post sa f*******:. Nagbuntong hininga siya. “Yes. High school reunion. As if interesado akong pumunta.” Dahan-dahang umiling si Rea na mukhang naalala na ang dahilan kung bakit hindi niya gusto ang lahat tungkol sa high school. Rea knows everything about her kaya naman ‘di na siya nagtaka kung ganoon ang reaksyon ng kaibigan. “Matagal na ‘yon, Lynn. Hindi ba’t tama naman na kalimutan na? At saka mga immature pa kayo noon. I’m sure, everyone has changed since then. So why not give it a chance?” “Teka, si Rea pa ba ang kausap ko o si Doc Rivera-Parcon? Pakiramdam ko kasi ay nasa therapy session ako,” natatawang sagot niya sa kaibigan. Isang psychiatrist si Rea kaya nahihimigan niya ang pagsusubok nitong gamutin ang masamang experience niya noong high school pa siya—na sa tingin niya ay ‘di niya kailangan. “Pinapayuhan lang naman kita. Pangako ko sa’yo, gagaan ang loob mo kung pupunta ka. Kapag nakita ka ng mga dati mong kaklase noon, naku! Bibilib sila sa success mo. For sure, magugulat sila na ikaw pala ang nagdesign sa mga nilalaro nilang games sa cellphone.”  Nai-imagine naman niya ang lahat ng sinabi ni Rea. Kaya lang may isang detalye sa reunion na iyon na hindi niya gusto. “Kailangan raw naming dalhin ang kanya-kanya naming partner sa buhay. Mapa-asawa, lover or fiancé, basta magdala kami ng isa. Tama ba naman ‘yon? Eh sino naman ang ipapakilala ko aber?” “Eh ‘di sabihin mong wala kang boyfriend.” Umiling siya. “My god, Rea. I’m almost 30. May anak na nga siguro lahat ng mga kaklase ko. Ikaw nga na ka-batch ko sa college eh may anak na rin. Tapos sasabihin ko sa kanila, single ako.” Hindi naman siya NBSB. Nagkaboyfriend naman siya nang dalawang beses. Pero hindi pa rin nagtagal ang relationship dahil mas pinapahalagahan niya ang trabaho. “So what kung single? Okay lang ‘yon.” “Alam ko. Wala namang problema kung single ako. Pero ayoko pa rin. Ayoko ng mga tanong.” Malamang ay ‘di siya maiintindihan ng iba. Pwede din sabihin na nagdadahilan lang siya. Pero sa loob-loob niya ay may sugat pa rin na kumikirot sa tuwing naiisip niya ang masamang karanasan niyang iyon sa high school. Tanging ang mga na-bully lamang ang tunay na makaka-relate sa pinagdaanan niya. Kaya kahit sabihin pa niyang halos napagtagumpayan na niya lahat ay nananatiling pilat iyon para sa kanya. “Fine. Hindi na kita pipiliting magpunta sa reunion niyo. Pero please naman, lumabas ka ng bahay mo. Nabuburo ka na rito.” Kumislap ang mata ng kaibigan na parang may biglang naalala. “Tamang-tama. Birthday ni Hyun sa makalawa. Dapat pumunta ka. Kumpleto ang mga kaibigan natin.” Bigla niyang naalala ang mga kabarkada ng kanyang Kuya Mikael. Napakakukulit ng mga ito noong mas bata pa sila. Ang mga ito rin ang tumulong sa kanyang sumaya noong down na down siya matapos ang basketball court incident. “O ano? ‘Di ka pa rin pupunta? Grabe naman!” Napangiti na lang siya sa pamimilit ng kaibigan. Tama din naman kasi ito. At saka hindi naman siguro makakasama kung magdi-day off siya nang isang araw. Huminga siya nang malalim at saka tumango. “Oo na. Pupunta ako. Need ko na rin siguro ang break. Na-miss ko rin ang makakwentuhan kayo. At saka mabuti na iyon para makakuha ng bagong ideas.”      “Hindi ka pupunta para mag-isip ng bagong ideya para mga ginagawa mong games. Magre-relax lang tayo doon, okay?”      Natawa na lang siya sa payo ng kaibigan. “Oo na po. Ang toxic mo talaga, Doc Rea.”   MARAMING bisita sa birthday celebration ni Hyun. Bukod sa mga kaibigan nila ay marami ding mga negosyanteng dumalo. Ang lahat ay nakisaya sa unli drinks at music na pa-party ni Hyun sa bahay nito.      “Nasaan na kaya ang nerd na ‘yon?” Inikot niya ang mga mata para hanapin ang birthday celebrant. Gusto sana niyang batiin ito. Pero magtatatlumpong minuto na mula noong dumating siya ay ‘di pa rin niya ito nakikita. Nakapagchikahan na siya sa lahat ng kaibigan nila kabilang na si Rea pero ‘di pa rin niya nababati si Hyun. Nasaan na kaya iyon?      Bitbit ang isang kopita ng wine ay lumabas si Lynn at nagpunta sa may hardin ng bahaypara makalanghap ng sariwang hangin. Masyado kasing maraming tao sa may pool area kung saan dinadaos ang party.      Imbes kasi sa bar ni Hyun ganapin ang party ay nagdecide itong sa bahay na lang iyon gawin. Kakatapos lang na ipagawa ni Hyun ang bahay at nagsisilbi na rin ang party na iyon as housewarming. Gusto niya ang ambience sa hardin kung saan walang tao. Umupo siya sa isang kahoy na silay roon at saka tumingala sa langit. Puno iyon ng mga nagkikislapan na mga bituwin. Tama nga si Rea. Nakaka-relax ang pagdalo niya sa birthday ni Hyun. Naisantabi nga niya muna ang trabaho at in-enjoy lang gabing iyon. Pero ang akala ni Lynn na relaxing moment na iyon ay hindi pala magtatagal. May isang pares ng babae at lalaki ang naglalakad palapit sa kanya. Napatingin siya sa dalawa at agad nakilala ang lalaki roon. It was Hyun. Sakto lang talaga at kanina pa niya ito hinahanap. Hindi pa kasi niya ito nababati. Ang kasama naman nitong babae ay napakaseksi sa suot nitong purple dress. Tatawagin na sana niya niya si Hyun nang bigla itong kumaway sa kanya. “Babe! Nandito ka lang pala,” nakangiting tawag ni Hyun. Babe? Kunot noo niyang tiningnan ang kanyang kaliwa, kanan at likod. Pero wala siyang nakitang ibang babae roon maliban sa kanya. Ibinalik niya ang tingin kay Hyun at nakitang sa kanya nga ito nakatingin! Siya ba ang babe na tinutukoy nito? “Babe!” tawag muli ni Hyun sa kanya. Napatitig siya sa mukha ng binata. Malapad pa rin ang ngiti nito habang nakatunghay sa kanya. Napatayo siya sa kinauupuan. “Babe?” paglilinaw niya sa tawag nito sa kanya. “Yes, babe! Kanina mo pa ba ako hinihintay rito?” tanong ni Hyun. “A-ako naghihintay sa’yo?” Nalilito na talaga siya. Ano bang nangyayari? Bahagyang niyakap siya ni Hyun at pagkuwa’y bumulong. “Please, just go with the flow.” Pagkasabi ay inakbayan siya nito. “By the way, Taba...I mean ‘babe’, this is Nina. A friend.” Malamang ay parang nanalamin na rin siya habang kaharap ang babae.Bakas kasisa mukha nito ang gulat at pagkalito. “Are you sure she’s your girlfriend?” Nakataas ang kilay ni Nana. Pinasadaha din siya nito tingin mula ulo hanggang paa. Mukha ba talaga siyang hindi magugustuhan ni Hyun? Sa reaksyon palang ng babae ay diskumpyado na talaga ito sa kanya. Hindi kaya dahil simple lang ang suot niyang blouse and jeans? Hindi nga naman siya mukhang girlfriend ng birthday celebrant. “Of course, she’s my girlfriend! Right, babe?” Napakislot siya nang hinapit siya ni Hyun papalapit sa katawan nito.  “Y-yes. I’m Hyun’s girlfriend.” Shems! Talagang sinakyan niya ang pagkukunwari ni Hyun. Tinitigan siya ng babae kaya naman napahawak na rin siya sa bewang ni Hyun. Ngumiti rin siya nang matamis para hindi na ito magduda pa. “No. I can’t believe this! Sinasabi mo lang ‘yan para iwasan ako. Ano ba Hyun? Gano’n nalang ba ‘yon? Basta-basta mo na lang akong iitsapwera? Just like the others?” Just like the others? Hindi niya alam na playboy na pala si Hyun. At dinadamay pa siya para masolve ang problema nito sa babae! “I’m sorry, Nina. But I can’t give you more than friendship. Please understand.” Kalmado ang bosesng binata. Hindi pa rin lumambot na ang expression ng mukha ng babae habang nakatitig sa kanila ni Hyun. Nakataas pa rin ang kilay nito. Pero ilang sandali pa ay sarkastiko itong tumawa. “Okay, you have a girlfriend. That means I have nothing to do here anymore.” Tumalikod ang babae at akmang aalis na nang lumingon muli ito sa kanya. “A friendly advice to you, girl. Mag-ingat ka kay Hyun. Paasa ang taong ‘yan. Baka matulad ka sa akin.” Pagkasabi ay mabilis na naglakad palayo ang babae. Inaamin niya, kinabahan din siya sa brief acting stint nilang iyon ni Hyun. Pero kahit wala na ito ay ramdam pa rin niya ang tensyong dulot ng eksena. “Ano ba ‘yon? Ba’t mo kailangan magsinungaling? At dinamay mo pa talaga ako. Kawawa naman ‘yong babae.”      Huminga nang malalim si Hyun. “Pasensya ka na Lynn. Wala akong choice. She’s asking for something I can’t give. Kaya gusto kong tumigil na siya.”      “Narinig mo ba ang sinabi niya? Paasa ka raw. Baka naman pinaasa mo talaga.”      “Of course not! Sa simula pa lang kinlaro ko sa kanyang hindi ako nakikipagrelasyon. And she agreed. I don’t know what’s gotten into her.”      Napailing na lang siya. “Playboy ka nga. Ang dapat sa’yo mag-asawa at nang ‘di na paglaruan ang feelings ng mga babae.”      “Asawa? Hell no! Sakit lang sa ulo ‘yon.”      “Oh well, obvious naman na ayaw mong mag-asawa. Ikaw na lang ang ‘di pa married sa lahat ng mga kaibigan mo.”      Tumawa si Hyun. “Look who’s talking. Alam mo bang gusto na ng kuya mong ilagay sa classified ads ang ‘Wanted Husband’ para sa’yo. Ready na raw siya tumanggap ng resumes para sa gustong mag-apply na husband mo. Kikilatisin na raw niya para ‘di ka na mahirapan pang maghanap.”      Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. “Hindi ‘yan totoo. Gawa-gawa mo lang ‘yan. Hindi ganyan si Kuya.”      “’Di bale, tutulong naman ako sa screening kaya ‘wag kang mag-alala.”      “Heh! Baka gusto mong last birthday mo na ‘to?”      Tumabi muli sa kanya si Hyun at inakbayan siya. “Joke lang. ‘Di ka na mabiro. Pagbigyan mo na ako. Birthday ko naman.”      “Oo na. Happy birthday nga pala. Tumatanda ka na. Kaya mas mauna ka nang mag-asawa.”      Tumawang muli si Hyun. “Parehong pareho talaga kayo ng nanay ko. Gusto na akong mag-asawa. I bet magkakasundo kayo.”      Siguro nga ay tama ito. Minsan na niyang na-meet ang nanay ni Hyun noong nasa Mapayapa pa sila. Pero hindi na niya iyon masyadong nakilala pa dahil agad ding umalis papuntang Korea. Ang naalala lang niya tungkol sa ginang ay ang pagiging mabait niyon.      “Hindi na ako magtataka kung pati ang nanay mo ay pinipilit ka nang mag-asawa. ‘Kuuu, napaka-playboy mo kasi.”      “Hindi nga ako playboy. Friendly lang.”      Inikot niya ang mata. Mukhang ‘di talaga siya mananalo sa pakikipag-usap kay Hyun. “Whatever. Tara na nga sa loob at nang makapag-refill na nitong wine. In fairness, ang sarap nitong bagong wine nina Kuya,” sabi niya matapos inumin lahat ng laman ng kopita.      Napapailing na tiningnan siya ni Hyun. “Hindi ka masyadong mahilig sa wine ano, Tabachingching?”      Hanggang ngayon na payat na siya ay hindi pa rin nagbabago ang tawag sa kanya ni Hyun. Tabachingching pa rin siya para dito. Kahit nga kapatid niya ay ganoon din ang tawag sa kanya.      “Oy! Di na ako mataba ha? Kaya ‘di mo na ako pwede tawagin niyan. At saka, I only drink wine. Paminsan-minsan lang ang liquors. Wine talaga ang favorite ko.” Simula noong naging conscious siya sa timbang ay naging mapili na rin siya sa mga iniinom. Kaya naman naging paborito na niya ang wine dahil may health benefits iyon.      “Dapat kang magpahatid pauwi sa kuya mo. Hindi ka pwedeng mag-drive nang naka-inom,” paalala sa kanya ng binata.      “Naku! Out of the way ang condo ko kaya ‘di ako maihahatid ni kuya. ‘Di bale, magtataxi na lang ako pauwi.”      “Hoy ‘di pwede! Malay ba natin kung malasin ka at may sayad na taxi driver pa ang maghahatid sa iyo. Baka saan ka pa dalhin. H’wag na. Sa guestroom ka na lang matulog. Bukas ka na umuwi.”      “Naks! Ang bait mo naman ngayon. Don’t worry. Ipapaalam ko sa’yo if ‘di ko kayang umuwi mag-isa. At saka hindi naman ako iinom nang marami. Wine lang naman ‘to kaya there’s nothing to worry about.”      “Oo na. Wine na kung wine. Basta, si Tabachingching ka pa rin,” pagkasabi ay tumalilis na papasok ng bahay si Hyun.      Natawa na lang siya sa birong iyon ng binata. Mukhang hindi pa rin talaga ito nagbabago sa pangungulit sa kanya. Bukod doon ay totoong na-touch siya sa pag-aalala nito. Lahat naman ng mga kaibigan ng kuya niya ay ganoon. Bunso pa rin siya kung ituring ng mga ito.3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD