SHOPPING, spa at salon. Iyon ang naging itinerary ni Lynn kasama si Tita Camille. Sa dami ng pinuntahan nila ay inabot tuloy sila ng hapon. To be fair, nag-enjoy naman siya nang todo. Makwento kasi ang ginang at mahilig pang magbiro. Every now and then ay nakikipag-selfie din ito sa kanya na agaran naman nitong pino-post sa f*******:. “Thank you at sinamahan mo ako, today, Lynn. Alam mo namang unico hijo ko ‘yong si Hyun kaya ‘di ko pa nae-experience ang makapag-girlbonding with a daughter. Natupad mo ang isang wish ko,” pasasalamat ni Tita Camille. Kasalukuyan silang nasa isang café at nagpapahinga. Pareho kasi silang napagod sa kakaikot. “Ako nga po ang dapat magpasalamat. Hindi po ninyo ako pinagbayad. Nakakahiya kasi ako dapat ang manglibre sa inyo.” Kahit gaano pa niya ipilit kani