“SIGURADO ka bang pagpapanggap lang ‘yan? Tuwang-tuwa ka yata sa naging date niyo,” komento kay Lynn ng kaibigang si Rea. Matutulog na sana siya nang ‘di siya makatiis at kinwento thru private message ang nangyaring date nila ni Hyun. Laking gulat na lang niya nang bigla siyang tinawagan ni Rea via Skype. Gusto raw kasi nitong malaman ang lahat ng detalye. “Nagpapanggap lang kami, siyempre. Sini-share ko lang naman ang mga nangyari. Wala nang iba.” “Talaga lang ha? Patingin ulit ng picture?” Ang tinutukoy nito ang kopya nila ni Hyun sa larawang kinuha kanina sa restaurant. Binigyan kasi sila ng waiter ng kopya. Ipinakita naman niya kay Rea ang larawan sa ikalawang pagkakataon. “Ang saya mo naman yata sa picture na ‘yan. Hoy ikaw, babae? Mag-ingat ka. Baka kung ano na ‘ya