NAGTAKA si Lynn sa dami ng kotseng nakaparada sa labas ng bahay nina Hyun. Kakarating lang nila sa Mapayapa at dumeretso na sila sa bahay nito dahil nga naghihintay roon si Tita Camille. Maghahanda raw ito ng lunch para sa kanila. “Mukhang maraming bisita ang mama mo.” Hindi niya mapigilang puna. Kunot noong tiningnan ni Hyun ang mga sasakyan. “Mukha nga. Pero wala namang nabanggit si Mama na may mga bisita siya.” Pinasadahan niya ng tingin ang mga kotse nang may mapansin siyang isang pamilyar na sasakyan. Kapareho kasi iyon sa kotse ng papa niya. Titingnan niya sana ang plate number nang tinawag siya ni Hyun. Pinapapasok na kasi siya nito sa loob ng gate. Sinulyapan niya ang disenyo ng bahay. Wala pa rin itong masyadong pinagbago. Simple pa rin iyon tulad ng dati