“HELLO, Lynn.” Hindi alam ni Lynn kung ano ang gagawin. Sobra-sobra na ang sorpresang natatanggap niya nang araw na iyon. Hindi niya halos alam kung paano pa tatanggapin ang isang ito ngayon. She saw Terrence opening the door and getting off the car. Tumayo ito sa harap niya at doon na niya nakita ang buong hitsura nito. He looked more mature pero hindi naman maikakaila na gwapo pa rin ito. “T-Terrence.” Ngumiti si Terrence habang nakatingin sa kanyang mukha. “Ikaw na ba talaga ‘yan, Lynn? I haven’t seen you for years.” Sinuklian rin niya ng ngiti ang pagbati nito. “Ako ito. Wala nang iba.” “Natutuwa ako na makita ka ulit, Lynn,” narinig niyang sabi ni Terrence. Pinakiramdaman niya ang sarili habang nakatitig sa lalaki. How funny. Wala na talaga ang dating nararamdaman ni