Chapter 9

1254 Words

NAPAMAANG si Lynn sa ganda ng mga damit na gawa ni Terri. Ang may-ari ng boutique at kaibigan ni Tita Camille. Mula sa mga koleksyon nito ay ang isang white dress ang napili niya at saka isinuot iyon.      “Wow! You look absolutely perfect!” puri ng may edad na ring designer. Nakalugay ang mahaba nitong buhok habang nakapatong sa ulo ang makapal na eyeglasses. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nito kay Tita Camille.      Napatingin siya sa malaking salamin sa dingding. Mukhang tama nga si Terri. Bumagay nga sa kanya ang damit. Pinalilitaw nito ang maganda kurba ng kanyang katawan. Parang dinisensyo ang damit para sa kanya.      “Bagay na bagay sa iyo, Lynn! I think this is the perfect dress for you.”      “Sa tingin niyo po?” tanong niya rito habang umiikot siya sa harap ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD