“NAKATULOG ako, Lynn, kaya hindi ko napansing gumagamit na pala si Miakel ng laptop at nagpi-f*******:. Kaya ‘yon, nabasa ang status ng nanay ni Hyun.” Napatango si Lynn habang pinapakinggan ang paliwanag ng kaibigang si Rea. Nag-uusap sila ngayon sa skype at kontodo ang sorry sa kanya. “Okay lang, mahirap naman talagang mabantayan nang 24/7 yang si kuya. At saka ‘di naman nagalit si Kuya kaya okay lang,” sagot niya sa kaibigan. Kanina nang tumawag ang kapatid ay sobra ang kaba niya. Mabuti na lang at si Hyun ang kumausap kaya napaliwanagan nang maayos. Kaya naman hindi na din tuluyang pang nagalit ito. Pero naging mahaba pa rin ang pag-uusap nila. Hindi kasi halos matapos-tapos ang kapatid sa pagpapaalala sa kanya. “Nakahinga rin ako nang maluwag dahil hindi ko