ALAS diyes na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Lynn. Naglalaro pa rin ang isip niya tungkol sa nangyari kanina sa basketball game. Bakit kaya ito nagpresenta na magdrive para kay Terrence? Ayaw ba talaga nitong magkasama sila ni Terrence? Girl! Nag-aassume ka na naman! ‘Di ba nga ang ganda ng ngitian niyang si Hyun at Juliet! Malay mo naman nagkabalikan na. Gosh! Gabing-gabi na pero nasi-stress pa rin siya sa mga pangyayari. Kailangan pa naman niyang matulog nang maaga dahil bukas na ang reunion. Nasa higaan na siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Hyun ang tumatawag. “Hello, Hyun? Napatawag ka.” “Lynn, I want to talk to you.” Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ano kaya ang pakay nito? Sasabihin kaya n