NAPAMULAT si Lynn dahil sa init ng araw na tumagos sa bintana ng kanyang kwarto. She must have overslept. Inalis ni Lynn ang suot nakabalot na puting kumot sa katawan pero wala pang isang segundo ay tila nasa loob na siya ng ref. Napakalamig ng kanyang pakiramdam. Para tuloy siyang walang damit sa sobrang ginaw. Teka? Walang damit? Agarang pinakiramdaman ni Lynn ang sarili at ganoon na lang ang kanyang pagkabigla nang wala nga siyang saplot. NI ISA! She’s naked as the day she’s born. Kaya naman agad siyang bumalik sa kama at ibinalot sa sarili ang tinapong kumot. What the f**k just happened? Bakit siya walang damit? Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang alalahanin ang nangyari. Umuulan nang malakas kagabi. Tumawag si Hyun at nalamang naghihintay ito sa labas ng kani