“I’M SORRY, Tita.” Nakayuko si Lynn habang humihingi ng tawad kay Tita Camille. Hindi niya talaga halos matingnan ito sa mata habang kausap. Pakiramdam niya ay napakalaki ng kasalanan niya rito. Kahit ano pang sabihin ay niloko nila ni Hyun si Tita Camille. Nasa loob sila ng isang restaurant at kasalukuyang nanananghalian. Ang totoo ay wala siyang gana sa pagkain. Mas kinakabahan kasi siya kaysa sa nagugutom. “Wala talaga akong excuse, what we did was wrong. Sorry po talaga,” muli niyang sabi. Naramdaman ni Lynn ang paglapat ng kamay ng ginang sa kanyang balikat. Doon na siya napaangat ng mukha at agad bumungad sa kanya ang nakangiting si Tita Camille. “Hyun explained everything to me, Lynn. Kaya naiintindihan ko. Ang totoo, pakiramdam ko itinulak ko si H