WHAT THE HELL is he doing here? Nakatayo si Hyun sa harap ng kotse ni Terrence. His eyes are glaring at them. Ano bang kailangan nito sa kanya? Hindi ba’t dapat nandoon ito kay Juliet? Akmang lalabas si Terrence ng sasakyan pero pinigilan niya iyon. “Ako na kakausap sa kanya. Dito ka lang.” Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto ng kotse. Ang totoo ay nanlalamig ang kanyang mga kamay habang papalapit kay Hyun. Pero tinatagan niya ang sarili. Hindi pwedeng magpakita siya ng kahinaan ngayon. “Hyun, tumabi ka na please. Aalis kami ni Terrence.” Pinilit niyang kalmahin ang boses habang kaharap si Hyun. She doesn’t want to make a scene. Nasa loob lang ng bahay ang mga parents niya. As far as she could remember, ayaw ng parents niyang magkausap sila ni Hy