NAPABUNTONG hininga si Lynn habang nakatitig sa pregnancy kit. Negative. She should be happy. Matatapos na ang halos dalawang linggo niyang pag-aalala kung buntis ba siya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit may kaunting lungkot. Sa loob kasi ng ilang araw ay parang tinanggap na rin niya ang posibilidad na buntis siya. Kahit pa ayaw sa kanya ni Hyun, kahit siya lang ang bumuhay sa bata, okay lang sa kanya. Pagkatapon ng nagamit na pregnancy kit ay lumabas ng banyo si Lynn. Binitbit niya ang DSLR camera at saka naisipang gumala. Napakaganda ng sikat ng araw para magmukmok lang sa cabin. Hindi gagaling ang puso niya kung mananatili lang siya sa cruise ship. Sayang ang ganda ng Japan kung hindi man lang siya maglalakad-lakad. Pababa na ng grand staircase ng c