Nang gabi ding iyon ay hinanda na ni Lynn ang mga gamit para makauwi na siya sa Manila. There’s no use of staying in Mapayapa. Tapos na ang high school reunion niya. Hindi na rin naman na siya kailangan pa ni Hyun. He’s got Juliet back. Ano naman ang lugar niya sa buhay nito ngayon? Wala! As in W-A-L-A! Kaya mas dapat pa niyang bilisan ang pag-alis. May bus pa naman hanggang alas nuebe ng gabi. Makakasakay pa siya sa last trip pabalik ng Manila. Habang naghahanda sa dadalhin ay pinipilit ni Lynn na huwag maalala ang tagpong nakita niya sa restaurant. She could clearly see Hyun and Juliet hugging tightly. May mag-ex pa bang nagyayakapan? Ano ‘yon? Hi o Hello tapos magyayakap na? Kahit ano pang sabihin, klaro na. She’ll just spare Hyun for the trouble of explaining. At