Chapter 12

1574 Words
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Ermita. Halos lahat ng napuntahan kong Chinese Antique Shops at wala ng hinahanap kong brush. I decided na magpunta sa mall, I booked another grab. Waited for almost 20 minutes because of the traffic jam. So, when the grab arrives, i was shookt. It was the same driver earlier. “Ikaw na naman,” usal ko. “Yes, again,” he chuckle. Sumakay na ako sa kotse then nanahimik na rin dahil busy ako sa kaka-browse ng hinahanap ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng mall, ibinaba niya ako mismo sa babaan ng mga taxi. “Here we are, Ma’am,” aniya Kumuha ako ng pera sa sling bag ko at saka nagbayad. “Keep the change na lang, salamat!” sambit ko. Bumaba na ako, hindi ko na nilingon pa si kuyang grab driver. Dire-diretsong pumasok sa loob ng mall. I checked first the mall’s map then headed to to a book shop. I reached the 3rd floor, tingin sa kaliwa at kanan, then I easily spotted the stall. “Hello, may product ba kayo na ancient brush?” tanong ko sa staff. Tila nag-isip pa yung staff kung mayroon silang ganon na paint brush. “Wala po,” nagugulahan na sagot ng staff. Napa-isip din ako kung tama ba yung hinahanap ko. I checked my phone again and I intentionally hit my forehead. “Sorry,” sambit ko, “hindi pala ancient brush,” dugtong ko pa. Natawa ng bahagya ang staff at tinanong ako kung ano ba talaga ang hinahanap ko. “Brush na ginagamit sa pagpipinta ng Chinese painting,” sagot ko. “Yung may balahibo ng hayop?” tanong niya. “Yes,” sagot ko. Nag-isip muli ang babaeng staff at sinabing, “wala po, Ma’am,” aniya. Medyo nanlumo ako, wala na akong ibang choice kung hindi gumamit na lang ng normal na brush sa pagpinta. “Ganon ba? Eh silk mayroon ba?” tanong ko. “Sorry, wala po,” sagot niya. “Sige, ikot na muna ako sa loob,” Inikot ko ang buong store at ang nahanap ko lang ay cotton canvas. Kumuha ako ng tatlong canvass at apat na magkakaibang sukat na paintbrush at bumalik sa staff. Iniabot ito at ngumiti. Nag-scan naman na ang staff ng mga products na napili ko. “540 pesos po lahat,” sambit ng babaeng staff. Inilgay na niya ito sa paper bag at iniayos. Kumuha na ako ng pera at nagbayad. “Thank you,” sambit ko. “Thank you, come again,” sagot ng babae sa akin. Lumabas na ako at nag-ikot muli sa mall. Nakita ko ang isang store na nagtitinda ng mga tela. Pumasok ako sa loob nito at nagtanong kung mayroon silang silk na tinda. Buti na lang at meron. Bumili ako ng sampung yarda ng silka na tela baka sakaling magkamali ako. “750 Pesos,” sagot ng kahero. Kumaha na ako ng pambayad at saka umalis. Dumaan ako sa isang fast food chain at bumili ng makakain. Habang naghihintay ako sa aking order ay nakatanggap ako ng text mula kay Gerald, patungkol ito sa lalaking nag-iwan ng mga sulat. Tinawagan ko agad si Gerald. “Babe, may kopya ka na ng cctv?” bungad ko. “Yep,” sagot nito “Nakilala ba nila yung lalaki?” tanong ko. “Hindi. Nakasuot kasi ng mask at sombrero kaya hindi nila maidentified sa ngayon,” kwento niya. “Ganon ba, sige,” wika ko. “See you later,” aniya. Binaba ko na ang tawag saktong dumating ang inorder kong pagkain. “Salamat,” wika ko sa waiter. “Enjoy your meal, Ma’am,” sagot ng waiter. Ngumiti lang ako at uminom agad ng soft drinks. Natakam ako lalo nang makita ko ang inorder kong spicy chicken joy. Nilantakan ko na iyon mahigit bente minutos din akong nagtagal sa loob ng fast food na iyon. Dumiretso ako sa banyo ng mall, naiihi na kasi ako. Pagpasok ko sa cr ng mall ay nabunggo ako ng isang babae. “Aray,” aniya. “Sorry, Miss,” wika ko. Hindi pa rin kami tumitingin sa isa’t isa ng babae na nakabungguan ko hanggang sa magsalita ito. “next time, look at where you are going,” wika niya. Napatingala ako sa babaeng nagsasalita. Nagulat ako nang makita ko kung sino yun. Si Alexa. “A-alexa?” nauutal ko pang sabi. Tumingin ito sa akin. “Christine!” aniya. Napalakas ang pag-banggit nito sa pangalan ko kaya napatingin ang ibang tao na naroroon sa banyo. “Sorry,” nahihiyang turan ni Alexa. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. “Date?” sagot niya Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. “With whom?” tanong ko. “Some random guy I met in social media,” kwento niya. “Umayos ka nga,” suway ko. She pouted her lips and says, “he’s handsome,” paawa niya. “Umayos ka na, mamaya maloko ka pa,” turan ko. Tumawa naman ito at kumapit sa akin. “Tara, samahan mo ako para makita mo yung guy,” aniya Hindi pa man ako nakakasagot ay hinigit na niya ako papunta sa amusement park. Tumingin ako kay Alexa na may pag-aalinlangan. “Sigurado ka ba na may ka-date ka?” tanong ko. “Yes,” sagot niya, “here he is,” dagdag niya pa. Binilisan niya ang lakad habang nakakapit pa rin sa akin patungo sa lalaking nakaupo sa tapat ng exchange money and token booth. Hiningal ako sa ginawang paghila-hila sa akin ni Alexa kaya hinabol ko muna ang hininga ko bago ko iyon tignan sa mukha. “Jaeryll, this is my Best friend, Christine,” wika ni Alexa. Nakita ko na may naka-abang ng kamay sa harapan ko kaya humarap na ako. “Christine, this is Jaeryll,” sambit pa ni Alexa. Kinuha ko ang kamay saka nagpakilala rin. “Nice to meet you, Jaeryll,” sambit ko. “Nice to meet you too, Christine,” usal niya. Teka, familiar na naman yung boses. Ilang tao ba ang mayroon sa mundo na ito na magkalapit ang tinig at kung paano magsalita? “Have we met before?” tanong ko. Napatingin naman sa akin si Alexa na tila nagtataka. Hindi naman agad sumagot si Jaeryll kaya humingi agad ako mg paumanhin. “Sorry, your voice sounds familiar,” wika ko, “so I asks you directly to the point,” dagdag ko pa. “I think, no,” he replied, “but I think it will be so great if we have been met before,” he chuckles. Ngumiti naman si Alexa at sumingit na rin sa usapan. “Kung anu-ano talaga ang nasa isip mo, Bessy,” turan ni Alexa. Namula naman ako, baka kung anong isipin ni Alexa sa pinaggagawa ko. “Stress lang lately,” sagot ko. “Stressed at night?” natatawang tanong ni Alexa. “Gagi, hindi,” sagot ko. Bahagyang umubo si Jaeryll. Okay, nakakahiya. “Loka ka, Alexa, pinagsasabi mo sa harap ng ka-date mo,” usal ko. “Sorry, Jaeryll,” wika ni Alexa, “I will stress you too, later,” then she wink. Jaeryll smirk then said, “Can’t wait for that,” Binitawan naman na ako ni Alexa at kumapit kay Jaeryll. “Would you mind if I carry those paper bags?” tanong niya. Napatingin naman ako sa dala kong paper bags, nawaglit sa isipan ko na mayroon akong bitbit. “No, I’m okay,” sagot ko. “No, I should carry those things,” aniya, “I’m a gentleman person,” dagdag niya pa. “Just give it to him, Bessy,” Alexa smiled at me. Kinuha naman niya ang mga paper bags na dala ko at naglakad kasama si Alexa. Sinundan ko lang silang dalawa hanggang sa pumasok ito sa karaoke room. “Lets sing, Bessy!” turan ni Alexa. Ang taas ng energy niya, vibes na vibes niya ang nakuha niyang date. Umupo na ako at hinintay na matapos ang dalawa sa pagpili sa mga nais nilang kantahin. Sumulyap ako sa labas at napabalik tingin sa dalawa. Nabigla ako, nakatingin din sa akin si Jaeryll. Kinurap-kurap ko ang aking dalawang mata baka ako’y namamalik-mata lamang, pero hindi. Nakatitig talaga ito sa akin. Saka lamang niya inalis ang tingin nang tanungin sya ni Alexa na kung ano ang favorite songs nito. “You’re breakin’ my heart by Harry Nilsson,” sagot niya. Hinanap naman ni Alexa ang numero ng kanta at saka pinindot. Nagtanong siyang muli at sinagot naman ito ni Jaeryll. “You oughta know by Alanis Morissette,” “I hope you’re happy now by Elvis Costello,” “Your time is gonna come by Led Zeppelin,” “And,” aniya, “These boots are made for walking by Nancy Sinatra,” dagdag pa niya. Napaisip ako, puro revenge songs ang paborito niyang kanta? “This is all,” sambit ni Alexa, “revenge songs?” dugtong niya. Naisip din ni Alexa ‘yon, akala ko ako lang nakahalata. “Yeah,” sagot ni Jaeryll. “Sure ka?” tanong muli ni Alexa. “Yes,” sagot niya, “I will sung it from the bottom of my heart,” dugtong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD