bc

Chrysanthemums

book_age16+
269
FOLLOW
1.1K
READ
revenge
drama
tragedy
mystery
evil
betrayal
friendship
lies
secrets
passionate
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo nang makalipas ang labing-lima na taon ay may isang tao na mangangahas na ikaw ay pagbantaan sa mga bagay na hindi mo naman matandaan na iyong ginawa? Paano kung matuklusan mo na sadyang totoo ang mga paratang na iyon?

Ito ang kwento ni Christine Gallerno, isang babae na nawalan ng alaala labinlimang taon na ang nakakaraan.

Isasa-ayos niya ba ang mga bagay-bagay o kaniya lamang na pagtatakpan ang mga pangyayari?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"H'wag!!!" Huling sigaw ng babae na tanging naaalala ko sa tuwing ako'y nagigising sa isang bangungot na hindi ko mawari kung ano. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa panaginip ko at kung sino ang babae sa likod ng tinig na iyon. It felt so real that it really does happened. It's been 10 years to be exact on this day since nagsimula ang kakaibang panaginip na hindi ko matandaan. Ngayon araw ay magtutungo ako sa sementeryo, para dalawin ang babaeng hindi ko kilala pero bawat taon I ended up here in her grave… Whenever I saw her name, may matinding kirot sa puso at galit akong nararamdaman. I tried to search her name in social media but nothing shows up. Maybe because this girl died 10 years ago. No active social media before. "Here are some chrysanthemums,” wika ko. Umupo ako saglit para ilagay sa gilid ng kanyang lapida ang mga bulaklak na dala ko at agad din tumayo. Hindi ko alam pero ito ang laging pumapasok sa isipan ko na bilhin at ilagay sa puntod niya bago ako tuluyang pumasok sa sementeryo. Wala din ibang bulaklak na nakalagay sa puntod niya ngayon taon marahil ay nauna akong dumalaw. "I have to go. See you, again,” wika ko. Ayun ang huling salitang lagi kong binabanggit sa pagdalaw ko sa puntod nya. 15 minutes din akong nakatayo at nakakatitig sa pangalan nya. Marami akong tanong patungkol sa babae na ito kung ano ang kauganayan niya sa akin gayon din kung bakit lagi ko siyang dinadalaw sa petsa ng kanyang kamatayan pero hindi ko alam kung kanino at kung saan ako magtatanong ng ganitong usapin kaya minabuti ko na lang na isarili ang mga tanong sa aking isipan. Sa 'di kalayuan, nakita ko ang isang babae na nakatingin sa direksyon ko,— sa direksyon ng puntod na dinalaw ko… Hindi sinasadyang magtama ang tingin namin ng babae. Ang kanyang mga mata ay puno ng galit at pighati. Natakot ako. Agad kong iniwas ang aking tingin at naglakad na palayo. Nang makasakay na ako sa aking kotse ay napatingin ako sa side mirror, nandoon ang babae— nakatitig sa akin. Akmang baba pa sana ako upang kausapin ang babae kung bakit nya ako tinitignan nang biglang tumawag ang aking nobyo. Sinagot ko ang tawag at binaling muli ang tingin sa dakong kinaroroonan ng babae ngunit mabilis itong naglaho. "Where are you, babe?" tanong niya. Bungad sa akin ni Gerald na tila nag-aalala. We've been for 5 years in relationship and his my childhood friend,— the only person I know in my childhood days. "Cemetery,” sagot ko. Ito ang pangalawang beses na sinabi kong nasa sementeryo ako, ang unang beses kong sinabi yon ay 5 years ago pa. "Ano na naman ang ginagawa mo dyan?! Pumunta ka na rito," sabi niya, "baka mapano ka pa d'yan!" dagdag pa niya. As usual lumakas na naman ang kanyang boses na akala mo may mangyayaring masama sa akin. "On my way. See you,” wika ko. Binaba ko na ang tawag bago pa sya makasagot. Tumingin akong muli pero wala na talaga ang babae kaya pinaandar ko na ang sasakyan. Nakarating na ako sa bahay ni Gerald. Pinagbuksan ako ng guard at sinalubong ni Gerald. Sa may sala nila naroon ang magulang niya, ang tanging mga kakilala ko. "Hello po tita Rose and tito Rey,” wika ko. Lumapit ako sa kanila at binigyan ng halaik sa kanilang pisngi. "Okay naman, iha,” tugon ni tita Rose, "Happy birthday!” dagdag pa nito. Nakangiti ito habang inaabot sa akin ang kaniyang regalo. Samantalang si tito Rey naman ay sumulyap lang at hinigop ang kanyang kape at muling itinuon ang kanyang paningin sa binabasa niyang dyaryo. "Thank you po tita for this gift,” wika ko. Napangiti ako at nahihiya at the same time dahil every year ay nireregaluhan ako ni tita. Ang ama ni Gerald na si tito Rey ay ang pinaka-maraming lupain sa buong Pilipinas. Hindi man hekta-hektarya gaya sa iba ngunit kung ang pagbabasehan ay ang mga titulo na nakapangalan sa kanya ay walang duda na siya ang nangunguna. Ang ina naman niya na si tita Rose ay dating abogado at ngayon ay nasa bahay na lamang nila. Maaga kasi siyang nag-retiro. "Kailan ba kayo magpapakasal ni Gerald, iha?" tanong ni Tita Rose sa akin. "Ah, eh. Hindi ko pa po alam," sagot ko. "Aba! Magmadali ka na at pakasalan mo na si Christine. Mag 6 years na din kayo next month. Dapat mag settle down na kayong dalawa,” sabi ni Tita. Hinampas naman niya ng bahagya ang balikat ng kaniyang anak na si Gerald at siya ay ngumiti sa akin. "Ma! Ano ba. Darating din kami ni Christine doon. Perfect timing lang ang kailangan,” sagot ni Gerald. Kumindat naman sa akin si Gerald. Magmula noong sinagot ko si Gerald, never pa kaming nag-usap o planong magpakasal. Pero everytime na nandito ako sa bahay nila, ayun lagi ang topic ni tita. "Ay sus Ginoo! Kailan pa ba iyang perfect timing? Gusto ko na ng apo,” wika ni Tita Rose. Mababatid sa kaniyang pananalita ang pananabik sa bata. Sabagay, si Gerald lamang ang maaasahan niyang magbigay sa kanila ng apo dahil nag-iisang anak "Gagawa na kami ngayon, Ma," sagot ni Gerald, "next time na kasal, baby na muna,” dagdag pa niya. Malakas na tawa ang binitawan ni Gerald habang kami’y naglalakad. Nilingon ko sila tita para humingi ng pasensya at binigyan ako ng 'okay' sign gamit ang kanyang kamay. Ngumiti ako at saka tinignan si Gerald. "Pasensya na ha? Lagi ka na lang napepressure ni mama," sabi niya. Medyo lumungkot ang boses niya. Marahil ay napre-pressure rin. "Okay lang. Nandyan ka naman para tulungan akong makatakas e," sagot ko. Ngumiti ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. "Tama. Gagawin ko lahat para matulungan ka," aniya. Naguluhan naman ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ko na kinuwestiyon at binalewala na lamang iyon. Nakarating na kami sa kanyang kwarto. Sa pinakadulo katabi ng kanilang family portrait. Umupo ako sa kaniyang higaan at siya naman ay biglang nagtungo sa kaniyang cabinet. Ilang sandali pa ay bumalik ito bitbit ang ilang mga damit niya at nagpatulong sa kaniyang susuotin. "Saan ba tayo pupunta at aligaga ka?" tanong ko. Nakakapagtaka kasi na pagkarating namin sa kwarto niya ay magpapatulong siya sa susuotin nyang damit. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Lumabas na sya ulit sa Cr at nakasuot namn ng kulay black na tshirt. "Hindi yan, yung color peach na lang. Bagay sayo yung kulay na yon,” sabi ko. "Sa lugar kung saan mawawala ang mga stress at makakapag-celebrate tayo ng iyong kaarawan,” wika niya. After 10 minutes lumabas na sya. Magandang lalaki na may matipunong pangangatawan ang tumambad sa akin. Napatulala ako sa kakisigan nya. Bakit ba napakaswerte ko at naging nobyo ko sya. Lahat ng katangian ng lalaki na pinapangarap ng bawat kababaihan ay napunta sa akin. Bumalik ako sa uliro ng magdikit ang aming labi. Napahiga ako sa kama. Dahan dahang bumaba ang kamay nya sa aking dibdib ng biglang kumatok ang kanilang katulong. "Sir, kakain na po," sambit ng kanilang katulong sa kabilang bahagi ng pinto. "Ano ba yan! Oo, baba na pero pakisabi hindi kami rito kakain!" sigaw ni Gerald na tila naiinis. Tumayo na si Gerald at tinulungan akong makabangon. Natatawa ako sa ekspresyong ng mukha nya. Mukhang nabitin ang loko. "Mamaya ka sa akin," Bulong nya sa akin na may kasamang kindat. Nakaramdam ako ng pananabik sa mga katagang binanggit nya. "Ma, alis na kami,” paalam nito sa kanyang ina. "Gagawa na ba kayo ng apo namin?" tanong ng ina niya. "Kambal pa kung gusto mo mama,” sagot ni Gerald. Hinalikan naman ni Gerald ang kanyang magulang sa mga pisngi nito gayon din ako saka nagpaalam sa kanila. "Office at 7pm,” wika ng papa nya. Biglang sumeryoso ang mukha at pananalita ni Gerald. "Opo." Tugon nito sa kaniyang ama. Lumabas na kami ng bahay nila, habang hawak ni Gerald ang kamay ko ay inikot ko ang aking paningin sa kanilang hardin na puno ng mga mamahalin at naggagandahang mga bulaklak at halaman. Oo, napakayaman ng pamilya nila. Sumulyap pa akong muli sa kanilang mansyon na tila palasyo sa laki. Sino ba naman kasing mag-aakala na magiging kami rin pala ni Gerald sa huli. Mayaman din naman ang pamilya ko, yun nga lang hindi kasing yaman ng pamilya ng nobyo ko. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na ang sasakyan niya. "Hoy! Tulala ka na naman," wika nito. Bumalik ako sa realidad ng pitikin ako ng malakas sa noo ni Gerald. Hinapo ko ng noo ko habang nakasimangot at umupo na sa harapan. Pinaandar na nya ito at habang nasa byahe kami ay paulit-ulit ko syang tinatanong kung saan ba kami pupunta pero ang tanging sagot nya lamang ay 'secret' o hindi kaya ay ngingiti lang siya ng nakakaloko. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Secret. Basta matutuwa ka,” sagot niya. 30 minutes na kasi kaming nasa byahe at hindi pa rin nya sinasabi kung saan kami paroroon. Umidlip na muna ako at baka mapasabak sa pupuntahan namin. "Nandito na tayo,” sambit ng babae na may mahaba at straight na buhok. "Hala! Ang ganda! Ang daming bulaklak,” ani pa ng isa babae na maiksi ang buhok. "Hindi ba ang galing ko. Si papa ang may-ari ng lugar na ito," wika ng lalaki. Inaalalayan naman ng lalaki ang isa pang babae na medyo kulot ang buhok na hanggang balikat. "Maganda nga ang mga bulaklak dito pero nakakatakot. Walang katao-tao dito,” sambit ng babaeng kanina ay natutuwa sa mga bulaklak habang pinagmamasdan ang paligid. "Inabandona na kasi ni papa ito. Pero pwede pa rin naman pumasok," sagot ng lalaki, "kaya mo na ba?" tanong nya sa kaninang inaalalayan nyang babae. "Oo. Salamat," sagot ng babae. Matamis na ngiti ang binigay ng babaeng may hanggang balikat na kulot ang buhok sa lalaki. Naglatag ng kumot ang naunang babae at nilagyan naman ng mga pagkain ng isa pang babae. Samantalang namitas ng mga bulaklak ang isa. Sa di kalayuan ay ang lalaki na kumukuha ng mga kahoy na gagamitin nila panggatong. "Ang presko at sariwa ng hangin dito," wika ng babaeng may maiksing buhok. Nakatayo ito habang dinadama ang hangin na dumadampi sa kanyang balat. "Oo nga. Ang sarap matulog," sabi ng babaeng may mahabang buhok. Tumingin ito sa langit at humikab. Pumikit sandali ang mga mata para damhin ang sariwang hangin. "Thank you for making my birthday special," wika ng babae na kulot ang buhok sa lalaki, "lalo na kayong dalawa na kaibigan ko," dagdag pa niya sa dalawang babae. "No. Thank you, for being our friend, Chri----" naputol ang sinasabi ng babaeng may maiksing buhok dahil ginising ako ni Gerald. "Babe, wake up! We're here,” wika ni Gerald. "Oh,” wika ko. Tumingin ako sa paligid. Panaginip lang pala. Panaginip na parang totoo. "What do you see?" tanong ni Gerald. "It's beautiful,” sagot ko. Nakakamanghang tanawin ang bumulaga sa akin paglabas ng sasakyan. Nasa itaas kami na napapalibutan ng mga bulaklak gaya ng nasa panaginip ko, pero naiba dahil natatanaw ko ang dagat dito. "Hindi ba ang galing ko? Si papa ang may-ari ng lugar na ito." Napalingon ako sa sinabi ni Gerald. Kagaya iyon ng katagang sinabi ng lalaki sa panaginip ko. Hindi. Coincidence lang na parehas sila ng sinabi. "Bagong bili lamang ito ni papa. At ililipat na ito sa pangalan ko." Sabay hawak sa kamay ko, "tandaan mo, lagi akong nasa tabi mo." Seryoso nyang sabi sakin. Ngumiti ako bilang pagtugon sa sinabi nya. Manghang mangha pa rin ako sa ganda ng lugar pero hindi ko maiwasan na isipin ang napanaginipan ko. Habang pinagmamasdan ang paligid napansin ko ang isang tao sa hindi kalayuan, sapat na para mapansin sya pero malayo para matanaw ang itsura nya. Nagsawalang kibo na lamang ako baka kasi isa sa mga tauhan ng papa nya na nag aalalaga sa lugar na ito. "Ah babe, maiwan na muna kita ha. Kukuha lang ako ng makakain natin at syempre ng tent para sa alam mo na." Sabay kindat sa akin at ngumiti ng nakakaloko. "Sira. Sige, dalian mo. Balikan mo ko agad." Natatawa kong sabi. "Pangako babalikan kita." Sambit nya ng biglang---- 'Pangako, babalikan kita. Hintayin mo ako.' katagang narinig ko sa isipan ko na dahilan para sumakit ang ulo at mahilo ako. "Babe!!!" Huling tinig na narinig ko bago ako mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.4K
bc

His Obsession

read
89.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook