Nakakailang talaga itong kasama ni Alexa, laging tumitingin sa akin lalo na kapag kumakanta.
These boots are made for walking
And that's just what they'll do
One of these days these boots
Are gonna walk all over you
Yeah ?
Natapos na din sa pagkanta si Jaeryll. Silang dalawa lamang kasi ang kumanta, pagtapos ng song na napili ng isa ay yung isa naman.
“Ang ganda naman ng boses mo, Jaeryll,” sambit ni Alexa.
Kumapit ito sa braso ni Jaeryll at saka inilapag ang kaniyang ulo dito.
“Hindi naman,” sagot ni Jaeryll.
Hinamas-himas naman niya ang buhok ni Alexa at biglang tumingin sa akin.
Napataas ang isa kong kilay sa ginagawang tingin sa akin ni Jaeryll.
“Tara na kaya, kain tayo,” turan ni Alexa.
Tumayo ito at inaaya kaming kumain sa isang restaurant.
“Pass, kakakain ko lang saka need ko na bumalik sa gallery,” kwento ko.
Nalungkot naman ang mukha ni Alexa nang marinig niya ang aking sinabi.
“Gan’on ba?” aniya
Kinuha ko na ang mga paper bags sa lapag at tumayo na rin.
“Ganito na lang,” wika ni Jaeryll.
Napatingin kaming dalawa ni Alexa sa kaniya.
“Ano?” usal ni Alexa.
“Hatid na lang natin siya sa Gallery niya,” ani nito.
Tumingin sa akin si Jaeryll ng nakangiti gayon din si Alexa na tila nais nitong magtatatalon sa galak.
“Huwag na, nasa date kayo ngayon ‘di ba?”
“Huwag na, nasa date kayo ngayon ‘di ba?” sambit ko.
Binitawan ni Alexa si Jaeryll at biglang kinapitan ang braso ko.
“Come on, Bessy!” aniya, “we’ll drive you to your Gallery,” dagdag niya.
“Yeah, we can eat food after we drop you,” turan ni Jaeryll, “or we can just eat in drive thru, what do you think, Alexa?” tanong niya kay Alexa.
“Great idea! The drive thru, so Christine will be able to eat, too,” bulalas ni Alexa.
Okay, wala akong palag sa dalawa na ito. Sasang-ayon ba ako o pipilitin na mauna na sa kanila? Tanong ko sa isip ko.
“What do you think, Christine?” tanong ni Jaeryll.
“Just say yes, Bessy,” wika ni Alexa.
Pressure is all over my brain, chapperon ang kalalabasan ko nito.
“Gusto ko rin naman kasing ilibot si Jaeryll sa Gallery mo para makita niya kung gaano ka kagaling sa larangan ng pagpipinta,” kwento ni Alexa.
Napangiti ako ni Alexa sa mga sinabi niya, proud na proud siya sa akin. Sa huli, sumang-ayon na ako sa pangungulit ng dalawa.
“Sige, hatid niyo ako,” wika ko.
Niyakap naman ako ni Alexa sa tuwa at nabitawan ko ang paper bags na hawak ko.
Dinampot iyon ni Jaeryll at sinabing, “I think you need a hand for these paper bags,” aniya.
Nakakailang talaga itong lalaki na ito, hindi ko alam kung ganiyan talaga siya sa lahat or what.
Binitawan ko si Alexa at kinuha ang dalawang paper bags mula kay Jaeryll.
“No need, I can manage,” wika ko.
Naiinis na naiilang kasi ako. Alam na nga niyang may date siya at bestfriend ko pa, ganon ganon na lamang niya akong tignan.
“Oh, sorry,” aniya.
“Independent woman kasi yang Best friend ko,” turan ni Alexa.
“Mabuti naman kung ganoon,” sagot ni Jaeryll.
“Let’s go,” aya ni Alexa.
Sumunod naman ako sa dalawang nasa harapan ko. Nakarating na kami sa parking area ng mall at namangha sa ganda ng sasakyan ni Jaeryll.
“Nice car,” sambit ni Alexa.
“Mercedes,” mahina kong sambit.
“Regalo lang sa akin iyan,” aniya.
Tumango lang si Alexa at ako ay gustong-gusto nang sumakay para mapahing pansamantala ang aking mga paa at binti.
“Sakay na kayo, may tatawagan lang ako,” sambit ni Jaeryll.
Kinuha niya ang susi sa kaniyang bulsa at binuksan ang sasakyan. Lunakad ito ng konti mula sa amin at may tinawagan. Marahil ay importante at private.
Sumakay na kami ni Alexa. Ako sa likod at siya sa may shot gun seat.
“Bessy, I didn’t know that he’s a rich person,” usal ni Alexa.
“I didn’t expect that either,” sagot ko.
“Yeah, he just wants us to spend our time in a mall,” aniya.
“Yeah, I didn’t expect you to be in an amusement area,” sagot ko.
Natawa naman si Alexa.
“Actually, he just suddenly invited me,” aniya, “he just said that he’s around the area,” dagdag pa niya.
“When did you two first meet?” tanong ko.
“First time,” sagot niya, “but we’d been chatting and texting and lots of calls for almost a month,” dagdag niya.
“Wow,” sarkastikong sagot ko.
Umayos naman ng upo si Alexa. Napatingin sa harapan, pabalik na pala si Jaeryll.
“Lets go?” sambit ni Jaeryll.
“Yeah, let’s go!” sagot ni Alexa.
Tumingin na naman si Jaeryll sa akin mula sa rearview mirror, okay, nakakailang talaga siya.
Habang lumalabas kami ng parking area, napansin ko yung sinakyan ko na grab na nakaparada rin. Pero baka nagkakamali lang ako.
“What’s the matter?” tanong ni Jaeryll.
Nakatingin na naman pala ito sa akin.
“Nothing, don’t mind me,” sagot ko.
Nagtataray na ako para tumigil na siya sa kakatingin sa akin.
“Lets stop first to,” wika ni Alexa.
Hindi niya tinapos ang kaniyang sasabihin marahil ay nag-iisip.
“Where?” tanong ni Jaeryll.
Humarap sa akin si Alexa at tinanong kung saan ko gusto.
“Anywhere, its up to you,” sagot ko.
“You sure?” tanong niya.
“yes,” sagot ko.
“Okay, lets go to the Wendy’s,” aniya.
Kinuha ko na ang phone ko at baka may mga texts and calls na si Gerald para sa akin.
Napakunoot-noo akong hinanap kung mayroon mensahe si Gerald ngunit wala.
“wala kang text o tawag man lang,” sambit ko sa isipan ko.
Ibinalik ko na ang phone sa aking sling bag at tumingin na lamang sa daan habang ang dalawang nagdadate ay nag-uusap tungkol sa kanilang buhay.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising na lamang ako nang gisingin ako ni Alexa. Nasa tapat na kami ng Gallery, bumaba na ako. Inaya ko sila sa loob.
“Sorry, nakaidlip ako,” nahihiya kong sabi.
“Its okay, I know you’re tired,” makabuluhang sabi ni Alexa at siya’y kumindat.
Oh crap. Utak berde talaga itong babae na ito. Pero totoo naman, napagod plus napuyat ako kakapasok ni Gerald sa aking kweba.
“loka ka,” sambit ko.
Binuksan ko ang pinto at bumungad ang bati ni Imee.
“Good afternoon, welcome to Gallerno’s Art Gallery,” aniya.
Nakayuko ito nang bahagya at nang inangat na niya ang ulo ay natawa siay nang makita na ako yung pumasok.
“Ikaw lang pala iyan, Miss Tin, kala ko mga visitors,” turan niya.
“Nanonood ka naman ano?” usal ko.
“Oo,” sagot nito.
“Where’s Joyce?” tanong ko.
“Umuwi, masama raw pakiramdam,” sagot nito.
Nag-alala naman ako, parang kanina lamang ay napakasigla niya tapos ngayon masama na ang pakiramdam.
“Do you have any informations about her?” tanong ko.
“Yes,” sagot niya.
Maya-maya pa ay pumasok na rin sila Alexa at Jaeryll.
“Hi Ms. Alexa,” bati ni Imee.
“Hello, Imee,” bati rin ni Alexa.
“Hala, may kasama pala kayo,” bulalas ni Imee habang nakatingin kay Jaeryll.
“Welcome po, Sir,” aniya.
Payuko na sana si Imee nang pigilan siya ni Jaeryll.
“Don’t do that nor calling me Sir,” aniya.
“Waeyo?” tanong ni Imee.
“Waeyo?” nagtatakang tanong ni Jaeryll at Alexa.
Natawa naman si Imee at nagsorry, “Sorry, why po iyon sa english,” aniya.
“What language is that?” tanong nito.
“Nihonggo, South Korean’s Language po,” sagot nito.
Kumapit naman si Alexa kay Jaeryll at nagsabing maglibot-libot na sila.
“I’ll tour you around,” wika ni Alexa.
“Sure,” sagot niya, “See you later,” sabi niya kay Imee.
Kunot-noo siyang kinausap ni Alexa.
“See you later? For what?” tanong ni Alexa.
Mukhang nagseselos si Alexa based on her words. Bumabakod agad si Best friend.
“We’ll see her later after this tour, right?” sagot nito.
Tumango naman si Alexa at nawala nang bahagya ang pagiging sarkastiko.
“So, I just said it,” aniya.
“Oh, you mean to say you want to be friends with her too?” usal ni Alexa.
“Yes, your friends will be eventually be my friends too,” sagot niya.
Suningit na ako sa kanila.
“Are you guys done quarrelling?” natatawa kong tanong
“Yes and no, we’re not quarrelling,” natatawang sagot ni Alexa.
Inilibot ko na sila sa aking Gallery.