Chapter 11

1565 Words
“Thank you for buying some of my paintings,” sambit ko. Nakipag-kamay akong muli sa kanila, sobra akong nagpapasalamat na tinahkilik nila ang aking mga obra. “Sa susunod mas mahal na itong mga likha mo,” wika ni Ms. De Guzman. Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya napatanong ako, “bakit naman?” ani ko. Ngumiti ito sa akin at sinabing, “hindi ba kapag namatay na ang may likha ng mga ito mas nagiging mahal ang halaga?” turan niya. Kinabahan naman ako pero tama naman ang kaniyang tinuran sa akin, mas mahal ang valie kapag patay na ang nagpinta ng mga obra. Ngumiti ako sa kaniya at sumagot, “tama, pero matagal pa naman siguro bago magmahal ang mga likhang sining ko,” “Oo, matagal pa,” aniya, “bata ka pa naman kasi,” dagdag pa niya. Tumingin ito sa akin at sa lahat ng tao na naririto sa Gallery at ngumiti. Sumingit naman sa usapan namin si Mr. Robinson at nagtanong patungkol sa gagawin ko para sa kaniya. “Aabutin ba ng buwan ang pinapagawa ko?” tanong nito. “Depende po Mr. Robinson,” sagot ko. “Can’t wait to see your work,” aniya. Naglabas na sila ng kanilang mga cheque at sinulatan ng presyo. Kinuha naman na ni Imee ng ma-ingat ang mga likhang sining na kanilang napili at ibinigay sa amin. Nagpakuha kami ng litrato habang hawak ko ang mga paintings at sa kanilang kamay ay ang cheque. Laman ng mga larawan ay ang aktong pagpalitan namin ng cheque and paintings. Nagpasalamat akong muli sa kanilang pagtangkilik at gayon din sila. Tumingin naman si Mr. Robinson kay Joyce at magiliw itong kinausap. “Good bye and thanks for showing us around, Miss Joyce,” aniya. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ni Joyce, kinuha naman ito ni Joyce at masayang sumagot, “No, thank you Mr. Robinson for paying attention to this Gallery, hope we’ll meet again,” aniya. Halata sa mukha ni Mr. Robinson na sobrang namangha siya sa ipinakitang gilas ni Joyce kanina. Nakaramdam ako ng konting inggit nang makita ko iyon, marahil ay kung hindi lamang ako nahuli sa pagpunta dito ay sa akin nakatuon ang pansin ng mga buyers. Kinamayan din si Joyce nila Ms. Pacheco at Mr. Morella gayon din si Ms. Del Mundo. “Thank you, see you soon,” sambit ni Ms. Pacheco Ngumiti naman si Mr. Morella at kumindat kay Joyce. “If you need something just beep me up,” aniya. Ngumiti lang si Joyce at nagsabi, “Yes, Mr. Morella, I’ll beep you up whenever I need something from you,” tugon niya. Lumapit naman si Ms. De Guzman at hinalikan sa pisngi si Joyce at nagsabing, “Thank you, Ms. Joyce, hope we’d be together in work, soon,” aniya. “Thanks,” sagot ni Joyce. Inihatid na namin sila sa may pinto at sinalubong kami ng magiliw na si Imee. Yumuko ito ng bahagya at sinabing, “Thanks for buying our paintings, ‘til next time,” taas noo siyang nakangiti sa apat na buyers. Ngumiti sila sa kaniya at isa-isang sumakay sa kanilang mag sasakyan na talagang mamahalin ang datingan. Kumaway-kaway kaming tatlo sa mga buyers at nang biglang magsalita si Imee. “Kailan kaya ako magkakaroon ng sasakyan?” tanong niya. Nakatanaw ito sa mga mga sasakyan. “Soon,” wika ko. Napatingin naman si Imee at Joyce sa akin. “Syempre, with all your help makaka-benta rin tayo ng mas maraming paintings,” kwento ko. “I hope so,” sagot ni Joyce. Ngumisi lang si Joyce at tumingin muli sa kalsada. “Sana nga, pero sana matuto muna akong magmaneho para naman kapag nakabili na ako e hindi babangga,” turan niya. Natawa naman kami ni Joyce maging siya ay natawa rin sa sinabi niya. We sold the three paintings, it costs over 200 thousands pesos for that three paintings. “Imee, saan ba galing yung apat na iyon?” tanong ko. “Nagulat lang din po ako biglang may nag email na bibili sila ng paintings e,” sagot ni Imee. “Ayaw niyo n’on?” tanong ni Joyce. “Hindi naman sa ayaw pero kasi,” naputol yung sasabihin ko nang sumingit si Imee. “Okay na ‘yon, atleast may commission ako,” aniya. “Natumbok mo!” natatawa kong sagot. “Congrats sa atin, sana marami pang bumili,” wika no Joyce. “Pa art exhibit kaya tayo?” tanong ko sa kanila. “Magandang ideya ‘yan,” sagot ni Joyce. “Sana maraming tao ang magpunta sa exhibit na iniisip mo,” wika ni Imee. Pumasok na kami sa loob ng Gallery, nag order ng makakain sa isang fast food pakon-swelo ss dalawang naghirap na aliwin ang mga buyers. Pumwesto na kami sa aming kani-kaniyang lamesa. “Imee, nag order ako Jollibee,” sabi ko. “Okay, ako na bahala,” tugon ni Imee. Nasa art room kami, kung saan namin ginagawa ang mga art work namin. Nakita ko si Joyce na may inuumpisahan na bagong obra. Lumapit ako sa kaniya at tinanong kung ano ang pinipinta niya ngayon. Hindi siya tumingin sa akin bagkus ay patuloy pa rin siya sa pagpipinta habang sinasagot ako. “Japanese style painting,” aniya, “sinusubukan ko kung kaya ko,” dagdag pa niya. Namangha naman ako, naging motivation sa akin ang sinabi niya. Kaya naisipan kong sumubok din ng ibang style sa pagpipinta. “Good luck!” sambit ko. Tumungo na ako desk, pero wala akong magawa kaya napagdesisyonan ko na lang din na magpinta. Kinuha ko ang mga kailangang kulay sa ipipinta ko. Ngunit wala akong maisip na magandang ipinta. Napaisip ako, kung japanese style ang ginagawa niya baka maari kong subukan ang Chinese style painting. So, I decided na sumubok ng chinese painting. Kinuha ko ang phone ko then search for some chinese style paintings to gather some imformation and ideas. “Wow,” bulalas ko. Mahirap pala gumawa ng chinese style painting. Pero kailangan ko rin pag-aralan ang ibang uri ng pagpipinta. Naghanap ako ng near Chinese antique shop dito sa Gallery, buti na lang at may natagpuan ako, malapit lapit na rin naman ang Ermita dito sa Malate. Magbo-book na sana ako sa grab nang biglang tumawag ang nagdeliver ng Jollibee. So, napalabas ako then kinuha ang orders at nagbayad. Nagbigay na rin ako ng tip sa delivery guy. “Imee, tara na,” aya ko kay Imee na busy manood ng K-Drama. Tumingin ito sa akin ng isang minuto at itinuon na muli ang mga mata sa pinapanood na video. Gayunpaman, sumunod naman ito pero sa cellphone pa rin ang tingin kahit naglalakad. “Joyce, kain na muna,” tawag ko. Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa at pumunta sa wash area para maghugas ng kamay. Iniayos naman ni Imee ang kaniyang cellphone, sinadal ito sa flower vase na nakalagay sa mesa. “Ayaw mong papigil diyan ah,” sambit ko Natawa naman si Imee at sinabing, “ kaka-release lang kasi ng episode na ito,” aniya. Nag-walang kibo na lang ako dahil hindi ako mahilig sa K-Drama. Bumalik na si Joyce at tumabi kay Imee, titig na titig silang dalawa sa pinapanood nila. “Hindi ba kayo kakain?” tanong ko sa kanila. “kakain,” sabay nilang sagot sa akin. Hindi pa rin naalis ang mata nila sa cellphone pero ang kani-kanilang kamay ay kumukuha na ng mga pagkain, napangiti ako sa kanilang pinaggagawa. “Ano ba ang pinapanood mo?” tanong ko. “Love Alarm,” sagot ni Joyce. Romance siguro iyon, wala talaga akong alam sa ganon kaya tumango lang ako kunware ay naiintindihan ko. “Anong episodes na ba iyan?” tanong ko. Binuksan ko na ang chicken joy ko, at sumubo. “13,” sagot naman ni Imee. Kumuha naman si Imee ng isang fries at sinubo rin. Samantalang, kumagat naman si Joyce sa kaniyang cheesy burger. Ang galing, talented talaga sila. Nakain habang nanonood. Hinayaan ko na lang sila sa kanilang pinapanood at inubos na ang aking pagkain. Nagpaalam na rin ako sa kanila na aalis ako sandali para mamimili ng mga gagamitin sa pagpipinta. Tumango naman sila bilang pag sang ayon. Nag-book na ako ng grab at ang nakuha ko ay nasa 15 minutes away. So, nag-isip muna ako ng magandang gawin sa chines style painting ko. And I decided to choose the flower-bird painting. Fifteen mintues has passed and my grab driver arrived. “Good after noon, Ma’am,” bati ng driver. Naging familiar naman sa aking pandinig ang kaniyang boses. Napatingin ako sa driver, nakasuot ito ng mask dahil protocol ito ngayon sa mga nagtatrabaho. Hindi ko maaninig masyado ang kaniyang mukha kaya napatanong na ako, “nagkita na ba tayo manong driver?” sambit ko. “Ay hindi pa po,” sagot ng driver, “hindi pa po ako manong,” dagdag pa niya. Nahiya naman ako, napagkamalan ko pa siyang matanda. “25 pa lang po ako, Ma’am,” wika ng driver. “ah okay,” nailang ako, mas matanda pa pala ako sa grab driver. “Sige na po, alis na po tayo baka maabutan pa tayo ng traffic jam sa Taft, eh,” turan ko. “Sige po, Ma’am,” sagot nito Umalis na kami sa tapat ng Gallery at nagtungo sa Ermita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD