Chapter 47

1432 Words
Sandaling minuto lang ang aming hinintay para makakain. Nasa hapag na ang mga inorder namin. “Enjoy your meal,” sambit ng babae na kumuha ng aming order kanina. Ngumiti lang kami sa kaniya bilang pagtugon pero kay Gerald lang ito nakatingin. Nang makaalis na siya ay sinenyasan ko si Gerald na ilapit ang kaniyang mukha sa sakin. Nagtaka ito pero sumunod pa rin sa akin. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at bumulong ako. “Kanina pa nakatingin sa iyo ang waitress na iyon,” saad ko. Nabigla naman siya at natawa. “Nagseselos ka ba?” aniya. Nakangisi ito sa harapan ko. Napasimangot ako at tinarayan siya. Hinarap ko na ang pagkain at sumubo. “Umiiwas ka,” sambit niya. Saka siya tumawa na naman. “Ewan ko sa iyo, kumain ka na diyan,” wika ko. Tumatawa pa rin siya habang sinasandok ang sabaw ng sinigang. Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ang aking pagkain. “Mmm..” ungol ko. Napakasarap ng pagkakaprito. Hindi siya sunog at sakto lang ang pagkakaluto. Tumingin ako kay Gerald, sarap na sarap siya sa sabaw ng sinigang, ninanamnam ang bawat paghigop nito. “Masarap?” tanong ko. Humarap siya sa akin habang numunguya. Tumango siya at ngumiti. “Pahingi,” sambit ko. Sumandok ako at ibinuhos iyon sa aking mangkok. Mabuti na lamang at naglalagay sila ng sobrang lagayan sa lamesa. Hinigop ko iyon at namangha ako sa lasa, talagang masarap at malasa iyon. “Masarap ba?” tanong ni Gerald. Tumango ako at muling sumandok ng sabaw. Nasa kalagitnaan na kami ng aming kinakain nang lumapit sa amin ang babae na nag-asikaso kanina. “Hello,” aniya. Napalingon kaming pareho ni Gerald sa kaniya na ngayon ay nakangiti ng maganda kay Gerald at sandali akomg sinulyapan pero agad na ibinalik ang paningin sa lalaking nasa harapan ko. Napataas ako ng kilay. Napansin naman iyon ni Gerald. “Oo, napakasarap ng mga luto niyo,” saad niya. Ngumiti ng malaki ang babae. “We are pleasure to serves our customers through our foods,” wika nito. “I’ll recommend this shop to my employees,” tugon ni Gerald. Natuwa naman ang babae sa tinuran ni Gerald. “If that’s so, here’s our business card,” aniya. Iniabot niya ang business card ng restaurant. Nakangiting tinanggap ito ni Gerald. Nang makita ko iyon, malakas kong ibinaba ang aking kutsara’t tinidor. Napatingin naman ang dalawa sa akin. “What’s wrong?” tanong ni Gerald. Inis ko siyang sinagot. “Napalakas lang,” sagot ko. Umiwas ako ng tingin kay Gerald. Nakinig na lamang ako sa usapan nila. “Express Grilled House, the owner is Clarisse Ann,” sambit nito. “Yes, I am Clarisse Ann,” saad ng babae. Napalingon ako nang marinig iyon. “Oh, that’s why,” wika ni Gerald. “That’s why what?” tanong ko. “She’s more than employer than a employee because of her accent and posture,” sagot niya. Namula naman ang babae na nagngangalang Clarisse na siyang may-ari ng bentelogan na ito. ‘’Flustered ka girl?’ sa isip isip ko. “T-thank you, I’m overwhelmed,” turan ni Clarisse. Tinarayan ko siya at nagbigay ng masamang tingin kay Gerald. Hindi niya napapansin ang mga matatalim kong tingin sa kaniya dahil abala pa siya sa pakikipaglandian sa ibang babae. “So, if ever na kakain kayo, punta lang kayo dito,” aniya. “Yeah, sure, I’ll bring my whole company,” tugon ni Gerald. Hala sige, harot lang kayo habang kasama ako. Napasimangot ako at umiwas na lang ng tingin. Uminom ako ng tubig at hindi na inubos ang kinakain. “Busog ka na ba?” tanong ni Gerald. At last, napansin na niya ako akala ko forever na silang maghaharutan sa harap ko. “Yes, nawalan ako ng gana,” sagot ko. Agad naman akong tinanong ni Clarisse. “Is it our food?” aniya. Nairita naman ako, nairita ako sa pananalita niya. Ngumiti ako ng labag sa loob ko, “No,” wika ko. “Is it the ambiance?” tanong niya pa. Muli ko siyang nginitian. “No,” sagot ko. Natatawa naman si Gerald sa aking ginagawa. “No, she’s fine,” aniya. “Well, if that’s so, do you want to get your bill?” tanong nito. “Yes, thank you,” sagot ni Gerald. Ngumiti ang babae at umalis. Pagkaalis niya ay agad kong tinignan ng masama si Gerald. Tumawa ito. “Seselos ka, ano?” sambit niya. “In your dreams,” tugon ko. Ilang sandali lang ay bumalik na agad sa aming mesa ang babae. Iniabot niya ang bill kay Gerald. Mas lalo akong nairita. “Oh, thank you,” wika ni Gerald. Nakatayo lang ang babae habang ninanamnam ang ganda ng tanawin sa kaniyang harapan— si Gerald. Naglabas ng wallet si Gerald at naglabas ng 1 thousand pesos. Inipit niya ito sa loob ng bill namin. “Keep the change,” aniya, “Your food is so delicious,” dagdag niya pa. Nabigla naman ang babae. “Thank you,” sambit nito. ‘Kunwari ka pang nabigla, tsk,' sa isip isip ko na naman. Umalis na ito at nagpunta sa cashier nila. “Tara na, nakakawalang gana,” saad ko. Nagpipigil ng tawa si Gerald pero agad din na tumayo. “Sige na nga, lumabas na ang usok sa lahat ng butas mo,” aniya. Napataas ako ng kilay pero hindi na iyon ginatungan para makaalis na kami agad. Humabol naman sa amin ang babae. “Excuse me,” wika nito. Napahinto kami sa paglabas. Inis ko iyon na nilingon. Nakatuon lang ang kaniyang mata kay Gerald. Mas lalo akong nairita. “Can I have your business card, too? So, that will placed it under our vip’s customer,” turan nito. Nilingon ko si Gerald. Hinihintay ang kaniyang gagawin. “If that so…” Kinuha niyang muli ang kaniyang wallet at naglabas ng isa sa kaniyang business card, “Here’s mine,” Iniabot niya ito sa babae. Magiliw naman itong tinanggap ng babae at nagbigay ng napakalaking ngiti na aabot sa kaniyang tainga. “Maihipan ka sana ng masamang hangin,” bulong ko. “Ano po iyon?” tanong niya sa akin. Nagulat naman ako, napalakas ata ang pagkakabigkas ko. Natawa naman si Gerald. “Wala,” saad ko. “I thought you said something against me,” aniya. Ngumiti ako, “No, none of your business,” wika ko. Bigla naman akong inakbayan ni Gerald. “Sorry, we need to go,” sambit ni Gerald, “As you can see, my fiancée, is having her bad day from work,” dagdag njya pa. Halata naman na nagulat ang babae. “I thought she’s your sister,” turan nito. Tumawa naman si Gerald. “She looks young, right?” sambit niya. Nag-aalangan naman na sumagot ang babae. “Y-yes,” aniya. Mukhang labag pa sa loob niya na sumagot nang malaman niya ang tunay na relasyon namin ng nilalandi niya. Taas noo ko siyang nginitian. Sa pagkakataon na ito, totoo ang aking ngiti dahil ipinalagdakan ako ni Gerald bilang kaniyang mapapangasawa. “Thank you, for the yummy foods,” wika ko. “We-“ pinutol ko agad ang kaniyang sasabihin. Hinawakan ko agad ang aking tiyan at hinimas-himas iyon. “My baby’s like it,” saad ko. Nararamdaman ko na nagpipigil ng tawa si Gerald. Nabigla na naman ang babae. “Congratulations,” aniya. Ngumjti ako sa babae at nagpasalamat, “Thank you,” Tiningala ko si Gerald, “Let’s go, I’m sleepy,” Nauna na akong maglakad. Hindi ko na hinintay ang reaksiyon sa mukha ng babae na pilit hinaharot sj Gerald. Narinig ko na lamang na nagsalita ito. “Th-thank you, come again,” sigaw niya. Dumiretso na ako sa kotse at hinintay na buksan iyon ni Gerald. Nang makapasok na kami sa loob, seryoso akong tinignan ni Gerald. “Sino nga ba ang nagsabi na masamang biro ang tungkol sa pagbubuntis?” tanong niya. Namula naman ako. Hindi ko alam paano ko lulusutan iyon. “Hindi ko alam, magmaneho ka na nga diyan,” saad ko. Humagalpak siya sa tawa at pinaandar na ang sasakyan. Bumalik kami sa pinanggalingan namin dahil sa ibang daan ang aming hotel. Habang binabaybay namin iyon, nakaidlip ko at ginising na lang ni Gerald sa basement parking ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD