Nasa kalagitnaan na kami, kapwa kami tahimik habang nasa byahe.
I looked at Gerald, I think he thinks something while driving.
Gusto ko sana siyang kausapin ngunit wala akong maisip na sasabihin.
Inalis ko ang aking tingin sa kaniya at ibinaba ang salamin ng kotse. Dumadampi sa aking balat ang lamig ng hangin, lumiliwanag na rin ang kalangitan dahil alas singko na rin pasado.
Tumingin ako sa kalangitan, naalala ko tuloy sina Aling Nena, Mang Gilbert at ang kanilang apo na si Clarisse. Ang sarap magising na ang unang mong makikita ay ang pagbukang liwayway.
Naka-isip ako ng magandang ideya. Masaya akong lumingon kay Gerald.
Nang tumingin ako ay seryoso pa rin ang kaniyang mukha habang nagmamaneho.
Napangiwi ako, sakto naman na lumingon siya sa akin.
“Oh why?” aniya.
“Ang seryoso mo kasi, parang ang lalim ng iniisip mo, hindi kita gustong guluhin,” saad ko.
Nabigla naman siya.
“Sorry, iniisip ko lang ang sa kompanya,” turan niya.
Napasinghap ako at naisip ang tungkol sa gusto kong sabihin sa kaniya.
“I understand…” Ngumiti ako, “Do you want to go to Mang Gilbert’s place?” tanong ko.
Iniisip ko na sana ay sumang-ayon siya para naman mabawasan pansamantala ang knaiyang mga problema tungkol sa kompanya.
Ngumiti siya at mabilis na sumagot.
“Nice suggestions, Babe, I just want to be freed for awhile from my problems,” tugon niya.
“Yes!” bulalas ko.
Tumawa naman siya sa naging reaksiyon ko.
“Kailan mo ba gustong pumunta roon? Para maabisuhan ko sila,” tanong niya.
Nag-isip ako ng magandang araw upang magpunta sa lugar na iyon.
“Do you mind if I ask you, where is Aling Nena’s place by the way?” tanong ko.
He chuckles.
“Hindi mo pa ba alam? Natulog ka na lahat lahat, hindi mo pa alam?” aniya.
Napasimangot ako.
“Hindi, hindi mo naman nasabi pa sa akin iyon,” sagot ko.
Huminto muna kami, naka pula pa ang ilaw ng traffic lights.
Binitawan niya ang kambyo at hinawakan ang aking kamay.
“Sa Laguna iyon,” sambit niya.
Saka ko lang napagtanto na ang mga lugar na dumaan kami sa Cavite nang pabalik na kami.
Kinalabit naman niya ako at nakita ko na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Bakit natahimik ka?” tanong niya.
“Napagtanto ko kasi na dumaan nga pala tayo sa Cavite nang pabalik tayo dito sa Manila,” saad ko.
“Aha,” he said sounding relieved.
Napakunoot-noo ako.
“Why?” tanong ko.
Umiling ito.
“Wala naman, akala ko naman kung ano ang iyong iniisip,” aniya.
“Like what?” tanong ko.
Hindi ako mapakali, parang may mali sa kaniyang pananalita.
“I don’t know, I just feel concerned,” tugon niya.
Hindi ako kontento sa kaniyang sagot pero ayaw ko ng pahabain pa ang ganoon na pag-uusap at baka mapunta pa sa hindi pagkakaunawaan.
“I see, thank you,” saad ko.
Napataas siya ng isang kilay.
“For what?” tanong niya.
“For being concerned, I really appreciates it!” tugon ko.
Lumipat na sa kulay berde ang traffic lights at nabusinahan na kami ng mga kasunod na sasakyan.
Inilabas naman ni Gerald ang kaniyang kamay at sumenyas ng ‘okay’ sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
Pinaandar na niya ang sasakyan at lumiko kami para kumain muna.
“Kain muna tayo,” aniya.
Bigla naman nang kumalam ang aking tiyan. Nagugutom na marahil at hindi sumapat ang kinain kong pandesal kanina.
Hindi pa ako sumasagot pero naisip ko agad ang bacon, tocino at kung anu-ano pa na mabibigat na pagkain sa tiyan.
“Saan mo gusto kumain?” tanong niya.
Napangiti ako.
“Gusto ko sa naghahain ng mga bacon, tocino at iba pa,” saad ko.
Natulala naman si Gerald at biglang ngumiti ng nakakaloko.
“Nagliliha ka na ba?” tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagbibiro niya.
Tumawa siya, “Joke lang, sige sa bentelogan na lang tayo,” At nag voice text sa kaniyang cellphone, “Find the nearest bentelogan,” saad niya.
Inulit naman ng Ai voice, “Finding the nearest bentelogan,” tumunog ang kaniyang cellphone, “The nearest bentelogan here is in the next 2 kilometers,” wika ng Ai voice.
“You heard her, there’s bentelogan around the corner,” sambit ni Gerald.
“Yes, I clearly heard it,” sagot ko.
Hinawakan ko ang kumakalam kong sikmura.
“Huwag ka munang maingay, mamaya kakain na tayo,” saad ko sa tiyan ko.
Humaglpak na naman sa tuwa si Gerald.
Saglit din niyang hinipo ang aking tiyan, “Teka lang baby, papakainin ko kayo ng Mommy mo,” Inalis din niya agad ang paghaplos.
Hinampas ko siya sa kaniyang balikat, “Loko ka, anong baby ka diyan, bulate?!” Pabiro kong sambit at sabay tumawa.
“Oo, baby natin iyan, nasa tiyan mo, eh,” pabiro din niyang sagot.
Puro kami kalokohan habang binabaybay ang kalsada patungo sa bentelogan na suhestiyon ni Aireen, ang kaniyang Ai waze.
After 30 minutes, we’ve reached the bentelogan. Bumaba kami ng sasakyan at mabuti naman ay may nakalaan na paradahan para sa mga customer na kakain sa kanila.
Pumasok na kami, namangha sa nakita maganda ang pagkakagawa ng interior sa loob na hindi mo aakalain na bentelogan pala iyon.
Lumapit sa amin ang isang babae na kumbaga sa mga restaurant siya’y isang waitress.
“May I have your order?” aniya.
Nakahawak na ito sa isang sticky note pad at nakahanda na sa pagsusulat.
Hindi na ako nagpaawat at sinabi na agad ang mga gusto kong kainin.
“I’ll have your bacon, tocino, hotdog, longganisa and egg in one bowl,” saad ko.
Isa isa naman na sinulat ng babae ang aking order. Ngumiti ito sa akin at nagtanong.
“How many rice, Ma’am?” Aniya.
Naloko talaga ako, the way she gets our food is like she’s been worked before to a high class restaurant.
“2 cups of sinangag, please,” sambit ko.
Dinagdagan naman niya ang kaniyang sinulat.
Sunod naman niya nilingon si Gerald na nakangiti habang tinitignan ako.
“You look so gorgeous,” saad ni Gerald.
Hinampas ko siya ng mahina sa kaniyang kamay, medyo nailang kasi ako dahil nasa public place kami.
“What? I’m just expressing my love for you,” aniya.
Natatawa siya sa akin.
Napasimangot naman ako.
Napatingin naman kaming pareho ni Gerald sa waitress.
“Sorry, can’t help it, you two look so cute,” wika niya.
Natutuwa pala sa amin ang waitress.
Napanganga ako.
“Anyways, can I take your order, Sir?” sambit niya pa.
“Oh, I’ll have…” Kinuha ni Gerald ang menu book at namili, “Nice, madaming makakain maliban sa mga tapsilog,” aniya.
“Yes, Sir, marami kasing naghahanap ng ibang putahe,” sambit ng babae.
Napatingin ako sa kaniya, nakatingin siya kay Gerald nang sobrang lagkit na akala mo’y nais landiin.
Nilingon ko si Gerald, abala pa rin ito sa pagpili ng makakain.
“Okay, Miss, I’ll take the sinigang, and three cups of rice,” wika ni Gerald.
“Okay, Sir,” sambit ng babae.
Ngumiti ito na may pang-aakit sa kaniyang mga mata.
Tumango naman si Gerald at umalis na ang babae.
Hinarap naman akong muli ni Gerald.
“Babe, looked at their menu,” saad niya.
Tinignan ko naman ang menu. Tama siya, maraming pagpipilian.