Nakarating na kami sa aming hotel bago mag-alas sais ng umaga. Maliwanag na ang paligid no’n.
“Mauna ka na sa kwarto,” aniya.
Kahit na nag-aalangan ako at nagtataka ay sinunod ko pa rin siya at nagtungo na sa aming kwarto.
Habang nasa loob ako ng elevator ay napatingin ako sa labas. Ang gandang pagmasdan ng Manila bay sa araw at gabi pero mas maganda pala ito kung pasikat pa lang ang araw.
Natulala at namangha ako sa mga sinag na dumidikit sa kalangitan galing sa araw.
“How I wish na mahawakan ko iyon,” saad ko.
Napahawak ako sa magkabilang siko ko.
“It’s getting warmer,” wika ako pa.
Kanina kasi ay napaka lamig ng hangin at ngayon na sumikat na ang araw nararamdaman ko na ang init.
Biglang tumunog ang elevator at nagbukas.
Tinignan ko ang floor buttons at nagulat na nasa ika-sampong palapag na ako ng hotel.
“Ang bilis,” sambit ko.
Lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa aming silid. I swipe my card to enter the room.
Sumandala agad ako sa sofa at nag-isip saglit. Ipinikit ko ang aking mga mata, at may biglang kung anu-anong tumatakbo sa aking isipan.
Dumilat ako at umiling.
“Hindi naman magagawa ni Gerald na mambabae,” wika ko.
Tumawa ako ng pilit at biglang nawalan ng gana.
“Paano kung totoo ang nasa isipan ko?” tanong ko pa.
Tumayo ako at pumunta sa may veranda ng aming kwarto. Inilabas ang aking cellphone at sinubukan na tawagan si Gerald.
Nag-ring ito.
Sa sobrang inip ko na sagutin ni Gerald ang aking tawag ay nagpabalik-balik ako sa paglalakad.
“Gosh, why doesn't he answer?” bulalas ko.
Naiinip na naasar na ako dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Nang ibaba ko na sana para muli itong tawagan ay biglang may nagsalita.
“Hello?” boses babae ito.
Napatingin ako sa numero na tinawagan ko at tama naman ako, kay Gerald ito.
“Saan si Gerald?” tanong ko.
Kalmado lang akong nagsalita dahil baka nahulog lang ni Gerald ang kaniyang cellphone.
“Nasa banyo,” sagot ng babae.
Nanlalaki ang aking mga mata nang marinig iyon.
“Banyo? T-teka sino ka ba?” tanong ko.
Naguguluhan akong nagtanong sa babaeng sumagot ng aking tawag.
Medyo nautal pa ako at mabuti na lang ay naisa-ayos ko ang aking sarili at pinilit kumalma.
“Me? I’m....” naudlot ang kaniyang sasabihin, mga tatlong segundo rin iyon na natahimik saka siya muling nagsalita, “I’ll tell Gerald to call you back,” at ibinaba na nga niya ang aking tawag.
Walang buhay kong ibinaba ang aking kamay mula sa aking tainga.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Napaupo ako mula sa aking kinatatayuan.
Bumuhos ang aking mga luha mula sa pagkabigo.
Iniyuko ko ang aking ulo, inilagay sa hita at pinulupot ang aking dalawang kamay sa binti.
Para akong isang bata na umiiyak, na tila inagawan ng laruan mula sa mga kalaro.
I checked the time on my phone, it's 6:15 in the morning. Ibinalik kong muli ang aking ulo sa kaniyang pwesto at doon naghihintay ng oras.
Nagising ako. Nakatulog pala ako habang naghihintay kay Gerald. Ini-angat ko ang aking ulo dahil nangalay na ang aking batok mula sa matagal na pagkakapwesto nito.
Inikot ko ang aking paningin. Walang nagbago rito, ibig sabihin wala pa si Gerald.
I felt my thighs were numb, so I decided to stand up. Kamuntikan pa akong matumba sa pagtayo ko dahil nakaramdam na ako ng parang tinutusok-tusok ang parte na kung namanhid.
“Argh!” I expressed my anger.
I tried my best to stand and try to do some hops para naman mawala na ang nararamdaman kong pagtusok sa kalamnan.
Nagtagumpay ako, nawala naman agad ang tusok-tusok. Naglakad ako pabalik sa sofa at doon naupo at isinadal ng aking batok na nangalay.
Bigla ko naman na naalala ang oras. Napabalikwas ako at huminga ng malalim.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking cell phone. Napapikit ako nang makita ang oras.
Marami na naman ang tumatakbo sa aking isipan.
I closed my hand and made a fist.
Naguguluhan ako. Hindi alam ang gagawin. Ang tanging alam ko lang ay nakakaramdam ako ng pagkabigo mula kay Gerald.
I tried to fix myself.
Naisip ko na tawagan muli si Gerald.
Isang ring palang ay sumagot na ito.
“Babe, sorry, urgent meeting,” aniya.
Napa-singhal ko.
“Saan ka?” tanong ko.
“Sa company,” sagot niya.
Tumawa ako.
“Bakit ka tumatawa?” tanong niya.
Patuloy pa rin ako sa pagtawa.
“Wala naman, nakakatuwa lang isipin na hindi mo man lang naisip na tawagan ako nang malaman mo na may biglaan kayong meeting,” turan ko.
Natahimik siya saglit.
“Alam mo bang 1 oras kitang hinintay?” wika ko pa.
“Sorry,” sambit niya.
Hindi ko iyon pinakinggan. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita.
“In the first place, bakit hindi mo sinabi kung saan ka pupunta?” tanong ko.
Magsasalita na sana siya pero bigla akong nagsalitang muli.
“Anong ginawa mo for the whole hour?” tanong ko pa.
“Are you sure that you’re in the company?” tanong kong muli.
“Y-” pinutol kong muli siya sa pagsasalita.
“So, need mo magbanyo kanina? Saan na banyo naman?” huli kong tanong.
Hinintay ko siyang aminin lahat sa akin ang nangyari sa buong isang oras na nawala siya.
Ilang segundo rin itong hindi nakapagsalita.
“Hindi ka ba makasagot?” wika ko.
“B-babe, how did you know I went to the restroom?” tanong niya.
May halong pagtataka ang tono ng kaniyang pananalita.
“So, saan nga na banyo?” tanong ko.
Kalmado ko lang siyang kinakausap kahit na marami akong tanong sa kanya.
“B-babe did you call earlier?” aniya.
“Am I not allowed to call my fiance?” saad ko.
“No, nevermind, sorry for making you wait,” wika niya.
Tumawa ako. Sa pagkakataon na ito, malakas na tawa ang aking binitawan.
Hindi siya sa akin nagsabi ng totoo. Hindi niya na-mentioned ang babae na sumagot ng tawag ko na siyang kasama niya kanina.
“Babe, are you alright?” tanong niya.
“Of course, I’m so happy to feel this,” sambit ko.
“Good to hear that, oh, Mr. Montes is here, bye, I love you!” saad niya.
Hindi na ako sumagot pa dahil ibinaba na rin naman ni Gerald ang tawag.
Inis kong tiningnan ang wallpaper ng aking cellphone.
“Bakit mo ba ako niloko?” tanong ko.
Walang emosyon kong tiningnan ang kaniyang larawan.
“I better get rid of that b***h,” I said.
Biglang tumunog ang aking cellphone at umiling ng mabilis.
“Ano ba ang nasa isip ko? Hindi iyon maganda,” wika ko.
Dahil biglang nag-iba ang takbo ng aking isipan nang sandali na iyon. Isang hindi magandang gawain ang nasa isipan ko.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Imee pala.
Sinagot ko ang tawag ni Imee.
“Hello, Miss Tin, magandang umaga,” aniya.
Napangiti ako.
“Magandang umaga rin,” sagot ko.
“Nakakahiya pero kakapalan ko na muna ang mukha ko,” aniya.
“A-ano iyon?” tanong ko.
“Pwede ba na makahiram ng pera? Need ni mama na mag dialysis,” sambit niya.
Hindi na ako nag-alinlangan pa.
“Oo, kunin mo mamaya sa gallery,” tugon ko.
“T-talaga? Salamat!” wika niya.
“See you,” ibinaba ko na ang tawag.
Dumiretso sa banyo at naligo.