Chapter 45

1234 Words
Nasa harapan ko na si Gerald. Hinahabol pa niya ang kaniyang hininga ng lumapit sa akin. “Oh, hingal na hingal ka,” sambit ko. Agad akong tumayo para alalayan siyang maka-upo pansamantala. Nang maka-upo siya ay naghahabol pa rin ito ng hininga. “Ayos ka lang ba Sir Gerald?” tanong sa kaniya ni Mr. Montes na siyang secretary niya. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay bilang pagtugon. Kumuha ako ng pera sa aking sling bag, “Mr. Montes, here,” Iniabot ko rito ang pera at agad naman niyang naintindihan iyon, “Paki-bili naman po siya ng maiinom,” Tumango ito at tumayo na para makaalis. Muli akong humarap kay Gerald na hapong-hapo. “Tumakbo ka ba?” tanong ko. Nanlaki ang mata niya ng aking tanungin iyon. Ngumiti ito sa akin, “Oo nang nasa ikalawang palapag na ako,” Hinubad niya ang kaniyang t-shirt. Pinigilan ko siya, “Ano ka ba, ang lamig lamig,” Pilit kong ibinabalik ang kaniyang t-shirt na ngayon ay hubad na niya. Tumawa lamang ito at sinabing, “Okay lang, pawis na pawis ako dahil nagmamadali akong makita ka,” Hinawakan niya ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang t-shirt. Napatikom ako. Marami na naman na tumatakbo sa aking isipan. “Nagmadali na makita ako?” wika ko. Tumitig lang ito sa akin na tila naghihintay ng akong sunod na sasabihin. “Paano kung maaksidenta ka habang tumatakbo sa hagdan?” saad ko. Hindi ko siya hinayaang maka-singit sa akin. “Paano kung magkasakit ka dahil nagpatuyo ka ng pawis?” sabi ko pa. Mangiyak-ngiyak ko sa mga sinabi dahil iyon ang mga natakbo sa aking isipan. Hinigit niya ako papunta sa kaniyang mga braso. Hindi ko na napigilan pa at bumuhos ang aking mga luha. Hinaplos ang aking buhok at pinatahan. “Shhh,” Pagpapatahan niya sa akin habang hinahaplos ang aking ulo. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. “Don’t cry, I won't do it again,” aniya. Mas lalo akong napa-iyak. “Hala!” He gasped. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kaniyang mukha. “Ano ka ba, look I’m fine, nothing bad happened,” saad niya. Kahit anong sabihin niya ay buhay na buhay pa rin ang takbo ng aking isipan. Umiling ako. “But…” Hinarangan niya agad ang aking labi ng kaniyang daliri para hindi ko na ma-ituloy pa ang aking sasabihin. “No, buts,” anya. Pilit kong hindi na maiyak at pinilit na alissin sa aking isipan ang mga imahe na tumatakbo rito. Malakas ang aking hikbi at hindi iyon natigil agad. Ilang saglit pa ay dumating na si Mr. Montes na may dalang one bottle of water, two bottles of ice coffee and one paper bag of pandesal. Nang dahil sa dala niya ay napatahan ako ng tuluyan. “Thank you,” sambit ko. Nagtaka naman sa akin si Mr. Montes. Inilapag niya ang kaniyang mga dala sa inuupuan namin. Kinuha ko agad ang ice coffee at kumuha ng pandesal sa paper bag. “Kain ka na rin po,” wika ko. Kumagat muna ako sa pandesal pagkatapos ko siyang ayain. “Ay hindi na, mamaya ay uuwi na rin ako para makapag-palit ng damit,” tugon niya sa akin. Ngumunguya ako ng tumugon ako sa sinabi ni Mr. Montes. “Mukhang gutom na gutom ka, iha,” wika ni Mr. Montes. Napangiti naman ako habang kumain. “Ay oo nga po, dahil siguro na-miss ko si Aling Conching, lagi kasing may pandesal na nakahain sa bahay,” tugon ko. “Akala ko naman ay nagdadalang-tao ka na,” aniya. Nanlaki ang mata ko sa aking narinig gayon din si Gerald na abala sa pag-punas ng kaniyang pawis ay napatigil dahil doon. “Grabe ka naman, Mr. Montes,” sambit ni Gerald. Tumawa naman si Mr. Montes dahil sa mga reaction namin. “Excited lang ako para sa inyo,” aniya. Napalitan ng ngiti ang aking gulat dahil sa sinabi ni Mr. Montes. “Kailan nga ba kayo ikakasal?” tanong niya pa. Umayos ng pagkakaupo si Gerald, “Don’t worry, Kuya Danny,” Ngumiti ito ng nakakaloko sa kaniya, “Ikaw ang pangalawang makakaalam ng petsa ng aming kasal,” Bigla siyang tumayo at umakbay kay Mr. Montes. “You know naman na parte ka ng buhay ko,” Kumindat pa si Gerald sa kaniya. Napangiti naman si Mr. Montes nang marinig iyon mula sa batang inaalagaan niya mula pagkabata. “Maraming salamat, iho,” tugon ni Mr. Montes sa lahat ng sinabi sa kaniya ni Gerald. I breathed so deep and exhaled it loud. Nagbalik sa akin ang alaala noong unang beses ko siyang makita, magmula pa noon ay alagang-alaga na niya si Gerald. Naalala ko na mas strikto pa siya kaysa sa mga magulang ni Gerald kaya dahil roon ay inakala ko na siya ang ama nito. Napangiti ako sa nakikita ko sa aking harapan. Masayang tumatawa ang dalawa, kung hindi ko lang talaga sila kilala ay aakalain kong mag-ama ito. Sumubo muna akong muli ng pandesal at saka tumayo para sumama sa kaniyang akbayan. Sinama naman nila ako, “Masarap ba ang pandesal?” biglang tanong ni Mr. Montes. Nagpigil ako ng tawa dahil may ninanamnam pa akong pandesal. Tumango naman ako at napangiti. “Mamaya kuya Danny, mabubuntis na si Christine,” sambit ni Gerald. Napaalis ako bigla at humarap sa kaniya. Binigyan ko siya ng tingin na masama. Tumawa anamn sila ng sabay ni Mr. Montes. Napa-simangot ako. Lumapit sa akin si Gerald at umakbay, “Hindi pa kita bubuntisin, saka na kapag kasal na tayo,” at hinalikan niya ako sa aking ulo. Bigla naman pumalakpak si Mr. Montes, kaya naman napatingin kaming sabay ni Gerald. “Okay, alas singko na, mauna na muna ako sa inyong dalawa at baka maka-istorbo pa ako,” saad niya. Nakatingin pa siya sa kaniyang cell phone, at ipinakita sa amin ang text ng kanyang asawa. “Nako po! Yari na kay Ate Jocelyn,” kantyaw pa ni Gerald. “Ay yari talaga ako kapag hindi ako nakauwi ng maaga sa nakatakdang oras,” turan ni Mr. Montes. “Salamat po kuya Danny sa pag-tulong sa akin sa pag-asikaso rito,” wika ni Gerald. Tumingala ako kay Gerald para makita ang kaniyang mukha, kumindat ito kay Mr. Montes pagkatapos niyang magpasalamat. Napailing ako at napangiti dahil sa pagkindat ni Gerald. Bumitiw naman sa pagkaka-akbay sa akin si Gerald at nakipag-kamay kay kuya Danny. “Ano ka ba! Wala iyon, basta para sa iyo,” tugon niya. Humarap ito sa akin at nagpaalam. “Ingat kayo sa pag-uwi,” sambit ni Mr. Montes. “Ikaw din po, salamat po sa pandesal,” wika ko. Tumawa naman si Mr. Montes. “Dadamihan ko na sa susunod,” aniya. Naglakad na ito palayo at sumakay sa kotseng nakaparada malapit sa kinaroroonan namin. Ibinaba niya muna ang salamin sa pinto ng kaniyang sasakyan at kumaway sa amin bago tuluyang umalis. “Lets go home?” tanong ni Gerald. “Yeah, but you should dress first,” sagot ko. Tumingin ako sa kaniyang six pack abs. “You’re drooling, Babe,” turan ni Gerald. “Yes, nakakpaglaway ‘yan,” tugon ko. Nagpanggap pa akong isang lion na umungol habang nakatingin sa abs niya. “We really should go home,” sambit ni Gerald. Saka niya ako itinulak papunta sa pinaradahan niya ng kanyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD