Chapter 44

1408 Words
Nagising ako. Tinignan ko ang oras sa wall clock, alas tres na pala ng madaling araw. Lumingin ako sa gilid ko at nakitang wala sa tabi ko si Gerald. Tumayo ako, nagtungo sa may banyo pero wala ito roon. Lumabas ako ng aming kwarto at tumingin sa sala pero wala rin ito roon. Sunid ko naman na tinungo ang kusina, ngunit wala akong nadatnan roon. Bumalik ako agad sa aming kwarto at kinuha ang aking cellphone para matawagan si Gerald. I dial his phone number.  Nag-ring ito ng apat na beses saka niya sinagot. “Babe, where are you?” I asked. “Office, something came up,” aniya. Medyo nagduda ako pero hindi ko iyon ipinahalata kaya naman iba na lang ang sianbi ko. “Why didn’t you wake me up?” tanong ko. “Ang himbing kasi ng tulog mo, ayaw ko naman na mabitin iyon,” sagot niya. “Anong oras ka ba umalis?” tanong ko pa. Matagal din bago siya makasagot sa akin.  “An hour ago,” sagot niya. Medyo kakaiba rin talaga ang nangyayari ngayon. “Ga-ganon ba?” I said with hesitation. “Matulog ka na ulit, uuwi rin ako mamaya,” sambit niya. “Sige,” tugon ko. He hung up the phone without saying I love you. This is the second time na hindi siya nagsabi ng ganon sa akin. Nanlumo ako. Nararamdaman ko talaga na may kakaiba pero hindi ko alam kung ano iyon. I took a very quick shower. Dress properly and book a grab headed to Gerald’s office. When I arrived in front of the company, I was amused. Lots of people were working even though it was still dark. I looked around to find Gerald, but he’s nowhere to be found. I saw Mr. Montes sitting next to a tree near the fountain on the side of the building. I approached him, “Good morning, Mr. Montes,” I humbly greet him. He looked at me with amusement, “What are you doing here, Ms. Gallerno?” He asked. Nagtaka ako sa sa itsura niya nang makita ako. “Wala naman po, hinahanap ko lang si Gerald,” sagot ko. Tila nag-aalangan pa si Mr. Montes na sumagot sa akin. “Ganoon ba?” aniya. Ngumiti ako. “Saan po ba siya naroon?” tanong ko. Hindi makatingin ng diretso sa akin si Mr. Montes. “Mr. Montes, are you alright?” I asked. Pinagpapawisan kasi siya kahit na malamig sa dito sa labas. “Ah, yes, yes, Ms. Gallerno,” he said. Hindi pa rin mapakali si Mr. Montes. “Do you know where Gerald is now?” I asked. He grabbed his tablet, “I’ll call him first, I don’t know his exact location here in the building,” I nodded. Tinawagan na niya si Gerald. Hindi pa niya ito sinasagot. Naiinip na ako. “Mr. Montes, he still hasn’t answered?” tanong ko. Umiling ito. He tried about three times. “Wait, let me call him,” sambit ko. Nabigla naman si Mr. Montes pero agad na pumayag. “Sige po,” tugon niya, Tumalikod ako kay Mr. Montes habang hinihintay na sumagot si Gerald. Hindi niya sinagot ang tawag ko, pero sa pangalawang pagkakataon ay sinagot na niya ito. Humarap ako kay Mr. Montes ng nakangiti. “Babe, where are you?” tanong ko. “I’m in the company right now,” he said. “I’m here in front of your building,” sambit ko. “I told you to go back to sleep,” turan niya. I chuckled. “I can’t sleep, where is your exact location?” i asked. “I’m in the 20th floor,” sagot niya. “Puntahan kita diyan ?” wika ko. “No! No! No!” aniya. Napa-kunot noo ako. “Why?” I asked. Matagal din itong nag-isip ng sasabihin sa akin. “Because…” aniya. “Because what?” tanong ko. Medyo iritable na ako ng oras na ito. “Ginagawa pa ang elevators, mapapagod ka umakyat dito gamit ang hagdan,” tugon niya. Medyo wala akong tiwala sa sinabi niya kaya naman nagpanggap ako na naniniwala sa kaniya. “Sige, I’ll wait you here,” wika ko. I hung up the phone call. I looked at Mr. Montes with sharp eyes. “Mr. Montes,” I said. Tumingin naman ito sa akin. Itinaas niya ang kanyang dalawang kilay bilang tugon sa tawag ko. “Inaayos ba ngayon ang mga elevator?” tanong ko. Nag-isip si Mr. Montes. “Hindi pa ako naka-akyat, pero kasi noong nakaraang araw ay humito ito sa paggana,” sagot niya. “Thank you,” tugon ko. Ngumiti ako sa kanya, samantalang siya ay nag-aalangan sa pag-ngiti na tila may iniisip. “Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong ko. Nakakapanibago lang kasi ang mga kinikilos ni Mr. Montes. I’ve known him for 17 years, since he was working in the house of Hortaleza. Tumango naman siya sa akin at ngumiti. “Ayos lang ako,” aniya. “P’wede po bang maki-upo sa gilid niyo?” tanong ko. “Aba’y oo naman, hindi ko naman pag-mamay-ari ito,” aniya. Tumawa si Mr. Montes gayon din ako. Umupo na ako sa tabi niya sa gilid ng puno. “Bakit naman biglaan ang pag-aayos?” tanong ko. “Hindi ko nga rin alam,” sagot niya, Nagulat kaming pareho sa sinagot niya. “Huh?” Pagtataka ko. “Ah, ano kasi, nakalimutan ko iyon, napag-usapan na iyon last week,” aniya. Nakahinga naman ng malalim si Mr. Montes na talagang maririnig ng mkakatabi niya. “Ah ganoon ba?” sambit ko. Hindi ko na gaanong pinansin iyon, kaya naman binuksan ko na lang ang aking cellphone at nag-browse sa aking social media. Nakita ko na may recent na nag-add sa akin. Binuksan ko iyon at nakita ko na si Jaeryll iyon, kaya naman inaccept ko iyon. Naisip ko naman na hanapin ang pangalan ni Aerielle na siyang kaibigan ko na namatay labing limang taon na ang nakalipas. Isa lang ang tanging larawan na lumabas. Isang babae na napakaganda. I read some articles about her. Nag-aral din ito sa parehong paaralan na pinasukan ko noong high school. May larawan din na nakalagay dito kung saan may tatlo pa siyang kasama. Ito ang huling kuha na may buhay pa siya. “Ang ganda ng kaniyang mga ngiti,” sambit ko. Napalakas pala ang pagkakasabi ko kaya naman ay napalingon sa akin si Mr. Montes. “Ano iyon?” tanong niya, “Ay, wala ho,” wika ko. Ngumiti ako. Muli kong ibinalik ang aking paningin sa harap ng aking cellphone. Nagbasa pa akong muli tungkol kay Aerielle. Ang hindi ko alam ay nakisilip sa aking tinitignan si Mr. Montes. “Si Ms. Aerielle iyan,” sambit ni Mr. Montes. Napalingon ako sa kaniya. “Kilala mo siya?” tanong ko. Hindi sa hindi ko alam na magkakaibigan kami nila Aerielle, kaso kasi madalang lang na kakilala ni Mr. Montes ang mga kaibigan ni Gerald. “Oo naman, lagi kaya kayong nasa bahay dati,” aniya. “Mag-kwento ka pa po,” saad ko. Nagkibit-balikat siya at nagsimula nang mag-kwento. “Sobrang close kaya nila ni Sir Gerald,” sambit niya. Nakinig lang ako ng mabuti. “Akala ko nga magiging sila ni Sir, eh,” wika niya pa. Nakatingin siya sa kalangitan habang sinasariwa ang nakaraan. “Kaso namatay siya kaya hindi naging sila,” dagdag niya pa. Nang mapagtanto niya na parang mali ang pagkakasabi niya ay agad naman siyang nagpaliwanag. “Don’t get me wrong, sa sobrang close kasi nila akala mo may relasyon,” turan niya. Tumango naman ako at tumawa. “Ano ka ba, wala iyon sa akin,” tugon ko. Kahit na sinabi ko iyon, may impact pa rin iyon sa akin. He felt relieved. “Mabuti naman kung ganoon,” aniya. Ngumiti lang ako at muling tumingin sa cellphone. Lumipas pa ang bente minutos pero hindi pa rin nakakababa si Gerald. Nag-aalala ako pero alam kung gumamit lang ito ng hagdan kaya siya natagalan sa pagbaba. I decided to play some songs from my phone para naman hindi ako mainip. Gumana naman iyon dahil ilang sandali lang ay dumating na si Gerald.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD