Chapter 33

1309 Words
Nasa Slex na kami nang makaramdam si Alexa ng sama ng tiyan. “Kumukulo tiyan ko,” aniya. Nasa harapan ko ngayon ang kambal. “Gagawin ko?” tanong ni Alexis. “Bilisan mo at humanap ka ng pinakamalapit na may banyo,” turan ni Alexa. “Lalabas na ba?” tanong ko. “Oo, malapit na,” aniya, “Ikaw bilisan mo magmaneho,” utos niya sa kambal niya. “Bahala ka, nakikita mo naman na tatlong minuto pa ang pinakamalapit na gas station dito,” sagot ni Alexis. Huminga ng malalim si Alexa at ibinuga iyon ng malakas. “Hindi ka ba naglabas kanina habang naliligo?” tanong ni Alexis. “H-hindi, kaya huwag ka na magtanong pa,” saad ni Alexa. Natatawa na nag-aalala ako kay Alexa. Baka biglang sumirit iyon. “Bilisan mo na, Alexis,” turan ko. Napa-singhal naman ito saka binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Nakarating kami sa gas station at napatakbo si Alexa papunta sa banyo. “Full tank,” sambit ni Alexis. Inilagay naman ang hose ng gas sa kaniyang kotse. “Bili muna ako,” wika ko. Tumango naman ito. Lumabas na ako ng kotse at nagtungo sa convenient store. Namili ako ng makakain namin sa biyahe. Bumili ako ng tatlong soft drinks na maliit, tatlong tubig na malaki, at mga snacks like biscuits and chips. “357 Pesos, Ma’am,” saad ng kahera sa akin. Naglabas ako ng 500 peso bill at iniabot ito doon. “Here’s your change, 143 Pesos,” wika ng kahera. “Salamat,” saad ko. Kinuha ko na ang plastic bag at lumabas. Tinatanaw ko kung nasa loob na ba ng sasakyan si Alexa pero wala pa ito roon. Pumasok na akong muli sa loob at iniabot ang mga pagkain at inumin kay Alexis para kumuha na lang ito ng kakain niya. “Tubig at biscuits na lang sa akin,” aniya. “Bakit?” tanong ko. “For healthy living,” tugon niya. “Wow,” I said sarcastically. He just smirked. “Bahala ka,” wika ko. Ibinalik na niya sa akin ang plastic bag at kumuha ako ng inumin at biscuits at chips. “Bahala ka, tataba ka niyan,” aniya. Napaharap naman ako kay Alexis. “Saka ko na aalalahanin iyon kapag mataba na ako,” tugon ko. Natawa naman siya. “Gusto mo ba talagang malaman kung sino ang first love ko?” aniya. Nabigla naman ako. Iniisip pa rin pala niya iyon. “A-ano kasi,” sabi ko. Nauutal ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon. Pabuka na ako ng aking bibig nang biglang bumukas ang pinto. “Success!” bulalas ni Alexa. Pumasok na ito sa loob at naupo sa tabi ko. “Ano iyan?” tanong niya. Iniabot ko naman ang plastic bag at tinignan naman niya iyon. “Nice, snacks,” aniya. Kinuha niya ang bote ng tubig at binuksan. “Nauhaw ka matapos maglabas ng sama ng loob?” turan ni Alexis. Sinamaan naman siya ng tingin ni Alexa habang umiinom ng tubig. “Oo, kaya akin na lang iyang tubig mo,” saad niya Akmang kukunin na niya ito nang pigilan siya ni Alexis. “No, you buy yourself,” turan ni Alexis. Inis na lumabas ng kotse si Alexa at nagtungo sa convenient store. “Loko ka, lagi kayong nagbabangayan ng kambal mo,” kwento ko. “Gano’n kami mag-lambing sa isa’t isa,” tugon niya. “As long as mahal niyo ang isa’t isa, masaya na ako,” kwento ko. Ngumisi ito, “Salamat,” Binuksan niya ang kaniyang tubig at uminom. Binuksan ko naman ang isang plastic ng chips at kumain habang naghihintay kay Alexa na bumalik. “Sa tingin mo ba? May pag-asa ako sa babaeng gusto ko?” tanong niya. Napatigil ako sa pag-nguya ng chips at tumingin sa kaniya. “Tulala lang? Wala ng sagot sagot?” aniya. Kinuha ko agad ang bote ng tubig at uminom. “Paano ko masasagot kung hindi ko alam ang kwento?” turan ko. Natawa ito. “Una ko siyang nakita noon habang naglalakad ako,” Ngumiti ito. Pinakinggan ko lang siya “Naligaw kasi ako noon, at napunta sa ibang eskwelahan,” Tumawa siya. Hinayaan ko lang siya na magsalita. “Kasama niya no’n ang mga kaibigan niya,” Humarap siya sa akin. Mukhang gusto na gusto niya ang babaeng iyon dahil hanggang ngayon ay tanda niya pa ang unang beses na nakita niya iyon. “Una ko pa lang siyang nasilayan, may kakaiba na akong naramdaman para sa kaniya, tila nakuryente ako sa kinatatayuan ko habang papalapit sila sa akin,” aniya. Ewan ko ba pero parang may iba sa pananalita niya— parang ibig niyang ipaalam sa akin ang kaniyang nararamdaman. “Tapos mula ng araw na iyon ay lagi ko siyang hinihintay kung saan ko siya unang nakita kahit na hindi ako roon nag-aaral,” sambit niya. “Anong nangyari?” tanong ko. “Nakikita ko siya, kaso isang araw hindi na sila nakikita ng kaniyang mga kaibigan,” kuwento niya pa. “Nakita ko siyang muli, na sa kolehiyo na kami pareho, same school,” aniya. “Bakit hindi mo niligawan?” tanong ko. “Wala akong lakas ng loob,” Tumawa siya, “Pero ayos lang atleast nakikita ko siya,” Binuksan nito ang kaniyang tubig at uminom. “Ano na nga nangyari?” tanong ko. “Hindi ba sinabi na ni Alexa na malapit na iyon na ikasal?” aniya. Tumango naman ako. “Masaya na ako para sa kaniya, kung saan siya liligaya, doon na rin ako,” turan niya. Nasaktan naman ako para sa kaniya. As his friend, I feel sorry for him. “Ang sakit naman no’n,” tugon ko. Tumawa ito. “Ano ka ba, ayos lang, atleast nakikita ko na masaya siya,” wika niya. Dumating naman bigla si Alexa. Inilapag ang dalawang supot ng mga pagkain. “Ano ka ba magpipicnic?” tanong ni Alexis. “Oo, pipicnic ako,” sagot ni Alexa. “Patingin nga ako, baka may magustuhan ako,” saad ko Ibinigay naman niya ang supot sa akin. “Ano nga pala ang pinag-uusapan niyo? Parang ang seryoso niyo kasi mula sa malayo,” tanong niya. “Tungkol sa—” wika ko. Pinutol naman agad ni Alexis ang aking sinasabi. “Tungkol sa iyo, kung bakit ka naglabas ng sama ng loob habang nasa biyahe,” kuwento niya. Inihagis naman ni Alexa ang kaniyang bote ng tubig kay Alexis. Nasalo ito ni Alexis, “Salamat sa tubig,” at inilapag niya ito. “Anong salamat? Akin na iyan,” sambit ni Alexa. Nag-aagawan sila sa bote. Inaasar pa rin kasi ni Alexis ito. Samantalang ako hinahayaan lang sila at pumipili ng puwede kong mangata habang nasa biyahe. “Okay na, tapos na kayo?” tanong ko. Natigil ang dalawa at tumingin sa akin. “Anong okay?” tanong ni Alexa. “Okay na makakakain na ako habang na sa biyahe,” tugon ko. Tinigan naman ni Alexa ang supot at natawa. “Tataba ka niyan,” aniya. “Sinabi ko na sa kaniya pero hindi nakikinig,” tugon ni Alexis. “Bahala kayo,” wika ko. “Alis na nga tayo, para maubos na ni Christine ang mga pagkain,” saad ni Alexis. Tumawa naman kami ni Alexa. Umayos na ng upo si Alexa at naki-kain na rin kasabay ako. “Walang sisishan kapag tumaba kayo,” turan ni Alexis. “Oo, wala talaga, hindi ka naman doctor,” tugon ni Alexa. “Hindi kita sisisihin, basta paandarin mo na ang sasakyan,” sagot ko. Natawa naman si Alexis, hinayaan na lamang kami ni Alexa na kumain. Pinaandar na niya ang kotse at bumalik na kami sa biyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD