Nakarating kami ng matiwasay sa bayan ng Tagaytay.
"Nasa arko na tayo ng Tagaytay, anong lugar ba?" tanong ni Alexa.
Huminto kasi muna kami dito sa gilid na bandang arko ng Tagaytay.
"Wait, let me check Dad's location right now," wika ni Alexis.
Inilabas nito ang kaniyang cellphone na mayroon gps tracker.
He moaned.
"Bakit?" tanong ni Alexa.
Tumayo si Alexa para tignan din ang tracker.
"Ano iyan, ang galawa naman ni Daddy," aniya.
Umupo siyang muli sa tabi ko at sumandal sa upuan ng kotse.
"Alexis, ano ba iyan? nakasakay sa sasakyan o naglalakad lang?" tanong niya.
"Based sa bilis ng gps, naglalakad ito," tugon ni Alexis.
Pinaandar na niyang muli ang sasakyan.
"Saan ang exact location ni Daddy?" wika ni Alexa.
"Brgy. Sambong," aniya.
"Saan banda iyon?" tanong ko.
I also tried to search it through my phone.
"Oh," I gasped.
Its in the boundary of 8 barangays near taal volcano.
"Near taal volcano," sambit ni Alexis.
Bigla naman natulala si Alexa at may malalim na iniisip.
"Alexis," wika niya.
Napatingin naman sa kaniya si Alexis.
"Bakit?" tugon ni Alexis.
"Didn't that place sounds familiar?" aniya.
Napa-isip si Alexis sa sinabi ni Alexa. Maya-maya pa ay napailing ito.
"Hindi naman,” aniya.
“Are you sure?” tanong ni Alexa.
“But I remember, we once go near taal, when we were kids,” turan niya.
“Can you recall which place is that?” sambit ni Alexa.
“No, we were just 7 that time,” tugon niya.
“Seven? Is that our...” wika ni Alexa.
Pinutol ni Alexis ang kaniyang sasabihin at itinuloy iyon.
“Our 7th birthday,” aniya.
Napa-isip naman silang dalawa.
Hindi ako makasingit dahil hindi ko alam ang kwento na iyon.
Napatingin ako kay Alexa nang sumingal siya sa gulat.
“B-bakit?” tanong ko.
Nagtaka kasi ako kung bakit gano’n ang kaniyang reaction.
“Teka, Bessy,” aniya.
Tumango naman ako.
“O-okay,” tugon ko.
Humarap siya kay Alexis na ngayon ay nakatingin sa malayo.
“Alexis,” aniya.
Hindi tumugon sa unang tawag ni Alexa ang kaniyang kambal.
“Alexis?” tawag niya.
Hindi pa rin sumasagot si Alexis.
“Alexis!” sigaw ni Alexa.
Sinamahan na niya ito ng pagkalabit sa balikat ni Alexis.
Nagulat naman si Alexis sa ginawa at sigaw ni Alexa.
“Bakit ba?!” tanong nito.
Medyo nainis si Alexis do’n.
“Ano ba ang natatandaan mo tungkol sa 7th birthday natin?” wika ni Alexa.
“Wala akong masyadong alaala do’n,” sagot nito.
“Iyong mga natatandaan mo lang,” saad niya.
Pabalik-balik lang ang aking tingin sa kambal. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n.
Huminga ng malalim si Alexis.
“Nagtungo tayo rito sa Tagaytay, pero hindi ko matandaan na kasama natin si Mommy no’n,” kwento nito.
“Tapos?” wika ni Alexa.
“Masaya lang tayo, malabo na ang mukha ng mga tao na nakasalamuha natin no’n,” turan nito.
Nakinig ako sa kambal, hindi ako gumawa ng anumang ingay.
“Alam ko may nag-iisa tayong litrato no’n,” saad ni Alexis.
“Oo, tanda ko iyon, na sa album iyon,” tugon ni Alexa.
“Oo, isa lang iyon, tanda ko rin dahil kakaiba iyon kumpara sa iba natin na naging birthday,” aniya.
“Hindi natin naitanong iyon, ni minsan,” turan ni Alexa.
“Tama, masyado pa kasi tayong bata no’n,” tugon ni Alexis.
Napakagat labi si Alexa.
“May natatandaan ako,” aniya
“Ano?” sambit ni Alexis.
“May kasama tayong ibang babae nang araw na iyon,” turan niya.
“Parehas lang tayo nang naaalala,” tugon ni Alexis.
“Tara na,” aniya.
“Oo, tara na,” sagot ni Alexis.
Inumpisahan na ni Alexis na paganahin ang sasakyan.
Naiwan ang isip ko na tuliro, hindi ko makuha ang kanilang ibig sabihin. Ito ata ang tinatawag na koneksiyon sa pagitan ng kambal.
Umandar na ang sasakyan namin at tinungo ang lokasyon ng gps ng kanilang Daddy.
Na sa kalagitnaan na kami nang tumawag ang kanilang Mommy kay Alexa.
“Si Mommy,” wika nito.
Tumingin si Alexis saglit at ipinagpatuloy pa rin ang pagmamaneho.
Huminga ng malalim si Alexa saka sinagot ang tawag.
“Hello, My?” wika niya.
“Opo, I’m with him,” aniya.
Humarap muli si Alexa sa kaniyang kambal.
“He’s driving,” saad niya.
“Tagaytay,” sagot ni Alexa.
Nagbago naman ang timpla ng mukha ni Alexa.
“Why?” aniya.
“No, Mommy, we need to see Dad,” saad nito.
Huminto si Alexis sa pagmamaneho at kinuha ang cellphone kay Alexa.
“Hello, Mom, we are going to fetch Daddy,” turan nito.
Mariin ang pagsasalita ni Alexis habang kausap ang kanilang Ina.
“No, we’re on our way,” aniya.
“Yes, just wait in our condo, you know the passcode, right?” wika niya pa.
“No, you stay in the condo,” utos nito.
Hinablot naman bigla ni Alexa ang kaniyang phone.
“Mom, just listen to us, please,” sambit ni Alexa.
“Mom, you’re hard headed person,” wika niya pa.
Medyo may pagka-inis na ang pananalita ni Alexa pero pinipilit pa rin nito na kumalma.
“You don’t want to listen, Mom,” aniya.
“We’ll fixed this,” wika niya pa.
Ibinaba na ni Alexa ang tawag pagtapos nitong sabihin iyon sa kaniyang Ina.
“What did Mom say?” tanong ni Alexis.
“She didn’t listen, she’s on her way, too,” tugon ni Alexa.
Napasinghal ang kambal.
Hinawakan ko ang kamay ni Alexa para maramdaman niya na narito lang ako sa kaniyang tabi.
Ngumiti naman ito sa akin at hinawakan rin ang kamay ko.
“I’m fine, Bessy, thank you,” aniya.
“I know your not,” turan ko.
Ngumiti ito ng napaka-pakla sa akin.
“I can handle this one,” sambit niya.
“I’m sure you can,” wika ko.
Humarap na siyang muli sa kaniyang kambal na abala sa pagtingin sa gps.
“Alexis, drive, we need to be there first,” saad ni Alexa.
Tumango naman si Alexis at inumpisahan na ang pagpapa-andar ng kotse.
Tahimik lang kami sa buong biyahe.
Tumingin ako kay Alexa na nakadungaw sa bintana at malayo ang tinitignan, marahil ay malalim ang iniisip.
Napatingin rin ako kay Alexis na sobrang seryoso ng mukha habang nagmamaneho.
Hindi ko alam kung ano ang na sa isip ng kambal pero sana maging ayos ang lahat.
Lumingon ako sa katabi kong bintana. Doon ay tinitignan ko ang mga tao na nadaraanan namin. Hindi ko kasi alam kung paano pagagaanin ang ihip ng hangin sa loob ng kotse.
Nagtuloy-tuloy ito hanggang makaabot kami sa bukana ng Baranggay Sambong. Huminto pansamantala si Alexis para tignan kung malapit lamang ba ang lokasyon ng kanilang Ama mula sa amin.
“Three kilometers,” aniya.
“Okay,” tugon ni Alexa.
Nagmaneho nang muli si Alexis. Nadaraanan namin ang mga kabundukan. Tila ako’y may naalala habang pinagmamasdan ang mga halaman at punung-kahoy.
“Did I hike before?” tanong ko sa sarili ko.
Narinig pala iyon ni Alexa.
“Hike? When?” tanong nito.
Umiling ako.
“I don’t know, but I feel I went to an hiking before,” tugon ko.