Nakarating na ako sa aming kwarto. Dumiretos muna ako sa higaan para mahiga saglit.
“Sa wakas!” bulalas ko.
Humiga na ako at pumikit. Pilit iniisip kung sino si Chrys sa buhay ko at ano ang tunay na nangyari, labinlimang taon na ang nakakalipas.
“Arghh!” saad ko.
Sinambunutan ko ang sarili ko dahil sa inis. Kahit anong isip ko ay wala talaga akong mapigi sa utak ko.
“Gusto kong maalala ang lahat,” sambit ko.
Dumapa ako at isinubsob ang mukha sa unan. Maya-maya pa’y bumangon ako, tumayo at naglakad-lakad.
Tila nasisiraan na ako ng bait kung may ibang makakakita sa akin ngayon.
Huminto ako.
“Okay, what should I do first?” tanong ko.
“Should I go back to that place?” tanong ko pang muli.
“And solve the puzzles like a detective?” turan ko.
Umiling ako.
“Pero dapat may alam ako sa lugar na iyon,” wika ko.
“Sino nga ba ang mga kasama ko no’n?”
Iyon ang mas lalong tumatak sa aking isipan.
“Maliban kay Gerald ay may dalawa pa kaming kasama, ang isa ay si Arielle na nahulog sa bangin. Pero sino ang isa? Wala silang sinabi no’n na pangalan sa akin,” turan ko.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagpdaala ng mensahe kay Gerald tungkol sa isa pa namin na kaibigan.
“Okay, sana magreply agad siya,” wika ko.
Inilapag ko ang aking cellphone sa ibabaw ng side table at pumasok sa banyo para makaligo.
Nag-asikaso na ako sa sarili ko para makapunta na sa Gallery. Nagsuot ako ng maong na pantalon at long sleeves na damit na may disenyo na ruffled.
Tumunog ang aking cellphone sa ibabaw ng side table. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino iyon, si Joyce pala ang tumatawag.
“Hello, Joyce,” bungad ko.
“Miss, sarado ang Gallery,” aniya.
“Oo, wala kasi si Imee, on the way na ako diyan, iaabot ko na rin sa iyo yung spare key ng Gallery,” turan ko.
“Sige, maghihintay na lang ako dito,” wika niya.
“Thirty minutes pa ako bago makarating diyan, magliwaliw ka na lang muna,” sambit ko.
“S-sige, bye,” turan niya.
Ibinaba na niya ang tawag kaya naman nagmadali na ako. Kawawa naman kung matagal siyang maghihintay roon.
Tinawagan ko muna si Gerald para sabihin na tapos na ako mag-asikaso.
Dalawang beses akong tumawag dahil hindi nito sinasagot.
“Bakit ayaw naman nitong sagutin,” sambit ko.
Nasa tainga ko lang nakadikit ang cellphone habang naglalakad ako palabas ng kwarto.
Sa wakas bago matapos ang tawag ay sinagot na ni Gerald ang tawag ko.
“Babe, ang tagal mo naman na sagutin,” turan ko.
“Sorry, busy lang sa pakikipag-usap dito sa mga security personnel,” tugon niya.
“Ganoon ba? Pababa na ako diyan,” wika ko.
“Hintayin mo na lang ako sa may lobby, patapos na rin ito,” aniya.
“Sige, bye,” saad ko.
Ibinaba ko na ang tawag. Pinindot ang floor sa elevator.
Habang nasa loob ako ng elevator ay tumawag naman si Alexa.
“Bessy!” aniya.
Isang mahabang salita ang kaniyang binungad sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
“Na-locate na namin ang exact address ni Daddy,” kwento niya.
“Good for you, I’m on the way to the Gallery,” wika ko.
“Okay, we’ll pick you up there,” turan niya.
“Okay, see you,” tugon ko.
She hung up the phone call.
“Mabuti naman, sana walang mangyari na masama mamaya,” bulong ko.
Matapos ang halos dalawang minuto sa loob ng elevator ay nakarating na ako sa lobby mg hotel
Dumiretso ako sa mga upuan na nakalagay doon at naghintay kay Gerald.
Habang naghihintay ako ay pinagmamasdan ko ang mga tao na dumaraan sa aking harapan.
Lagpas limang minuto na ako nang maisipan kong mag-text kay Gerald.
“Hey where are you? I’m already here for five minutes,”
Saad ko sa text.
Hindi ito nagreresponse sa text ko kaya minabuti ko na lamang na tumaayo at magtungo sa security room.
Patayo na ako nang may pumasok sa loob ng hotel na apat na magkakasama, tatlong babae at isang lalaki.
Narinig ko silang masayang nagtatawanan.
“I can’t wait for this night!” wika ng isang babae na nakasuot ng dress.
“Me too! First time akong payagan ng parents ko,” sambit ng babae na naka-akbay sa isa pang babae.
“A-ako rin, hindi ko alam kung bakit ako sumama sa inyo,” sambit ng maliit na babae.
Natawa ako nang bahagya nang makita ko iyon, mukhang nag-aalangan pa ang huling babae na nagsalita.
“Don’t worry, girls,” sambit ng lalaki, “This is my Dad’s treat, our hotel,” dugtong pa nito.
Nang marinig ko iyon ay may biglang kumislap sa isip ko. Tila, may naririnig ako sa loob ng akong isipan.
“Arielle, ayaw mo ba talagang sumama?” tanong ko.
“A-ano kasi,” sagot ng babae sa akin.
“Sama ka na, sasama nga ako,” sambit ng isang babae.
“Ayaw mo ba, Aerielle?” tanong ni Gerald.
Bigla akong natulala nang naalala ko iyon. Tinapik ako ni Gerald kaya nagbalik ako sa riyalidad.
Iyon pala ang itsura ni Aerielle, ang ganda. Pero yung babae na isa, hindi ko maaninag masyado ang mukha, malabo pa rin ito.
Humarap ako kay Gerald, gusto ko iyon sabihin sa kaniya pero parang hindi ko kaya.
Huminga ako ng malalim.
“Babe, may problema ba?” tanong niya.
Umiling ako at ngumiti.
“W-wala naman,” tugon ko.
“Sorry sa paghihintay, tara na,” wika niya.
Hinawakan niya ang aking kamay at naglakad na kami papunta sa basement parking.
Pagkasakay ko sa loob ay nag-ipon ako ng lakas ng loob para magtanong.
“Babe,” wika ko.
Umupo ito sa driver’s seat at humarap sa akin.
“Bakit?” aniya.
Umurong ang dila ko bigla. Hindi ko pa pala kayang harapin at malaman ang nakaraan ko.
Umiling ako, “Wala pala,” Ngumiti ako sa kaniya.
“Ikaw talaga,” sambit niya.
Kinurot niya ako sa pisngi.
Pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lang ako sa buong biyahe namin.
“Bakit ang tahimik mo?” tanong niya.
“Wala naman,” sagot ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng daan, pero ang isip ko ay iniisip pa rin ang alaala na pumasok sa aking isipan.
“We’re here,” aniya.
Nagulat ako.
“You’re spacing out, Babe,” turan niya.
Inilapag niya ang kaniyang palad sa aking noo.
“Wala ka naman na lagnat,” aniya.
“Iniisip ko lang yung tungkol sa pamilya nila Alexa” wika ko.
Pagsisinungaling ko.
“Tuloy ka ba mamaya sa lakad nila?” tanong niya.
“Oo, kaibigan ko siya,” tugon ko.
“Sige, ingat kayo,” aniya.
“Hindi ka ba sasama?” tanong ko.
“Hindi, may aasikasuhin pa ako sa kompanya,” turan niya.
“Sige, baba na ako, ingat ka,” sambit ko.
Hinalikan ko siya sa kaniyang labi. Bibitiw na sana ako sa pagkahalik ko nang bigla niyang inilagay sa aking batok ang kaniyang kamay.
Dahil na rin nadala ako sa halik, naghalikan kami sa loob ng kotse.
“Teka, bababa na ako,” saad ko.
Natawa naman si Gerald.
“Sorry, ingat kayo,” aniya.
“Loko ka talaga,” wika ko.
“I love you,” aniya.
“I love you, too,” tugon ko.
Bumaba na ako ng kotse, kumaway ako kay Gerald na paalis na.
Nang humarap ako sa Gallery ay naabutan ko si Joyce na naka-upo sa gutter at naka-yuko.
“Joyce?” tawag ko.
Ini-angat naman niya ang kaniyang ulo.
“Hala! Sorry, nakatulog ka na,” sambit ko.
“Sorry, nakatulog ako,” She chuckles.
Agad ko naman na kinuha ang susi para mabuksan na ang Gallery.
Nang mabuksan ko na ito ay pumasok na muna kami sa loob. Inilapag ang aming mga dala sa mesa. Tinanggal ko ang spare key ko at lumapit kay Joyce.
“Here, your spare key,” sambit ko.
Kinuha naman niya ito.
“Salamat,” tugon niya.
“Ikaw na munang bahala rito,” wika ko.
Naguluhan naman si Joyce sa aking mga sinabi.
“Bakit?” tanong niya.
“Sasamahan ko lang sina Alexa,” tugon ko.
“Oh, I see, okay,” aniya.
“Ikaw na bahala, nagtext naman ata sa iyo si Imee na hindi siya makakapunta ‘di ba?” turan ko.
Tumango naman ito.
“Oo, ingat kayo,” aniya.
“Salamat,” tugon ko.
Umalis na ako sa pwesto ni Joyce, kinuha ang gamit ko sa mesa.
“Mauna na muna ako,” wika ko.
Ngumiti ito sa akin at kumaway.
Lumabas na ako at sakto naman na dumating ang kambal.
“Tara,” saad ni Alexa.
Sumakay na ako sa likuran at doon na-upo.