Makalipas ang dalawang araw buhat nang aksidente na nangyari sa akin, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang napanaginipan ko nong araw din na iyon.
Sa nagdaan na dalawang araw ay pilit kong inaalala ang mga mukha ng dalawang babae at isang lalaki sa panaginip na iyon, pero hindi talaga magawang maalala ng isip ko.
"Ano ba yan!" wika ko.
Sinambunutan ko ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Ano bang klaseng panaginip ang hindi matandaan ang mga mukha ng tao?" tanong ko sa sarili.
Inayos ko na ang aking sarili dahil hindi ko talaga matandaan kahit anong gawin ko. Dumiretso na ako sa banyo para mahimas-masan at naligo. Mahigit bente minutos din akong naligo.
Inayos ko muna ang mukha ko, naglagay ng lipstick at polbo. Sinuot ko ang kulay peach na dress na may maliliit na disenyong bulaklak sa ibabaw ng laylayan. Sakto lang ito sa akin kaya kitang-kita ang hubog ng aking katawan.
Inihanda ko na rin ang isip ko para sa trabaho dahil kailangan ng malawak na imahinasyon ang napili kong propesyon.
Bumaba na ako at naabutan ko si aling Conching na naghahanda ng agahan. Fried rice, omellete, bacon and toasted bread. My all time favorite.
"Thank you sa pag-aasikaso sa akin, aling Conching,” wika ko.
Magiliw na bati ko sa kanya na at tinikman ang kanyang inihain.
"Ako ang dapat magpasalamat sa inyo kung hindi dahil sa papa mo baka hindi naging matagumpay lahat ng anak ko,” wika nito.
Bakas sa mukha niya ang pagpapasalamat at karangalan na napagtapos niya ang kaniyang anim na anak sa kolehiyo.
Mula noon, si aling Conching na ang naging tagapag-alaga ko kahit bago pa man mamatay ang aking ina sa sakit na cancer. Kaedaran ko lang ang kaniyang ika-apat na anak na babae na ngayon ay nasa Switzerland. Ewan ko ba kay aling Conching bakit nagtitiyaga pa na pagsilbihan at bantayan ako, lahat naman ng anak niya may magagandang trabaho.
"Naku, dapat po sa inyo nagpapahinga. Nagpapakasarap sa buhay. 60 years old ka na kaya, malapit ka na pong maging senior,” sabi ko.
Ayaw pa kasing umalis sa amin samantalang tumatanda na siya at marami naman ibang gagawa ng gawain niya dito.
"Kailangan ko pang bayaran lahat ng naitulong ng iyong ama,” sabi niya.
Ito na naman, utang na loob na naman ang nasa isip niya. Nagkwento na ulit si aling Conching ng pangyayari sa buhay niya hanggang sa matapos ako kumain.
"Tama na po. Wala ng utang na loob. Kung ano ang narating ng mga anak nyo, kayo po ang may gawa. Pinaghirapan at pinagpaguran niyo ang pag-aaral nilang lahat," sabi ko, "kaya dapat alagaan mo na po ang sarili niyo,” dagdag ko pa.
Niyapos ko siya at siya’y napa-iyak.
"Hindi pa pwede. Hindi 'yon utang na loob, pangako ko iyon sa yumao mong ina,” sagot niya.
All those years, akala ko tungkol sa utang na loob ang dahilan ng pananatili niya. Ipinangako pala niya ito kay mama. Naiyak na rin ako sa nalaman ko.
"Huwag ka nang umiyak, aalis din ako kapag alam kong kaya mo na. Kapag kasal na kayo ni Gerald,” wika niya.
Nakangiti sya habang pinupusan ang luha ko.
"Aling Conching!!"
Mas lalo akong naiyak dahil lagi na lang niyang iniisip ang kapakanan ko.
"Tama na, mahuhuli ka na sa trabaho," sabi niya.
Tinutulak-tulak niya ako na tila tinataboy. Muli ko siyang binigyan ng mainit na yakap.
"Aling Conching ako po ang may-ari,” wika ko, "Gallery po iyon,” dagdag ko pa.
Lagi kasi niyang nakakalimutan na walang nakatakdang oras ang trabaho ko.
"Ay siya nga! Nakalimutan ko,” wika nito.
"Pwede na po ba akong kumain muna?" tanong ko.
Natatawa dahil hindi matuloy-tuloy ang pagsubo ko sa pagkain na inihain niya.
"Aba'y syempre,” sabi niya.
Medyo napalakas ang pagkakasabi niya na mas lalo akong natawa.
"Para sa iyo nga iyan, magpakabusog ka,” aniya, "Ako'y didiretso muna sa hardin ng iyong mama,” dagdag pa niya.
"Sige po. Ubusin ko lang ito nang ako'y makaalis na,” wika ko.
Pahabol ko sa kanya bago pa ito tuluyang makalabas ng kusina.
Saglit ko lang natapos kainin ang sinandok kong pagkain. Pumunta na ako sa garahe at sumakay sa kotse.
Bago ko pa mapaandar ang sasakyan ay tumawag sa akin si Gerald.
"Good morning, babe!" wika ni Gerald.
Bati nito sa akin gamit ang pinaka mataas na enerhiya niya sa katawan pero syempre may halong lambing na tono.
"Ang taas ng energy,” sabi ko, "Good morning din, babe!" Dugtong ko pa.
"Kumain ka na? Papunta ka na ba sa gallery?” tanong niya.
“Oo,” sagot ko, “Ikaw ba? Nasa work ka na?” tanong ko.
“Yep. See you. I love you,” sabi niya.
“I love you too,” sagot ko.
Binaba ko na ang tawag at pinaandar ang kotse.
Trenta minutos lang naman ang byahe patungo sa Malate kung saan nakapwesto ang aking gallery kapag walang traffic pero kung mamalasin ay mahigit isang oras akong nasa kalsada.
Dumaan muna ako sa bookstore para bumili ng mga kulang na gamit.
"Good morning,” wika ng sales lady.
Ngumit lang ako at kumuha ng basket na lagayan ng mga bibilhin ko. Dumiretso ako sa arts section ng bookstore.
"I need this one,” wika ko sa sarili ko.
Dumampot ako ng mga sampong set ng oil paint.
"This one,”
Bahala na kung ilan ang madampot ko sa acrylic.
"Ay bahala na nga. Lahat na lang dadamputin ko,”
Dinampot ko na lang ang lahat na sakaling kailangan sa loob ng gallery dahil hindi ko matandaan ang mga kulang doon.
Dumiretso na ako sa counter at ipinila ang mga binili.
Mga limang minuto din mahigit ang hinintay ko bago ko maiscan ang mga pinili ko.
"15,038 pesos po lahat, Ma’am,” wika ng cashier.
"Here's my credit card,” sabi ko.
Iniabot ko iyon at pumirma sa kanilang credit card reader machine.
"Thank you for shopping,” sabi nito.
Nagmaneho na ako patungo sa gallery. Alas onse na ng umaga nang ako'y makarating doon. Binitbit ko ang lahat ng pinamili at bumungad sa akin ang aking secretary.
"Good morning po Ms. Tin!” wika ng aking secretary.
Masiglang ang pagbati niya sa akin at kinuha ang aking mga pinamili.
"Namili ka na po pala ng mga kailangan sa pagpipinta Miss Tin," aniya.
"Oo, sayang kasi ang oras,” sagot ko.
Isa akong pintor. Kaunti lamang ang aking pininta na makulay, marahil ay hindi ko pa rin kasi tuluyang nakakamtam ang kasiyahan sa buhay.
"Mauna ka na po Miss Tin para mapagbuksan mo ako ng pinto,” sabi nito, "Hindi ko naman po kasi kayang buksan yon dahil may bitbitin ako." Dagdag pa nito.
"Kung hindi ka lang talaga cute baka mawalan ka ng trabaho dito,” sabi ko.
Si Imee Cassandra Ferrer, dalawampu't limang gulang. Panganay na anak ng isa sa mga hardinero namin. Hindi siya nakapag-aral ng kolehiyo dahil mas inuna niyang pag-aralin ang mga nakababata niyang kapatid. Kaya naman nag-offer ako na maging secretary ko siya kahit na hindi ko naman talaga kailangan.
Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa aking paningin ang isang babae.
"Ay! Oo nga po pala, nandito siya para mag-apply bilang apprentice nyo,” wika ni Imee.
Hinila naman niya ang babae papalapit sa akin.
"Ah. I see."
Ayun lang ang tanging nasabi ko habang tinitignan ang babae. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko mawari kung saan ko siya nakita.
Nauna nang pumasok si Imee sa loob para i-ayos at ilagay sa tamang lagayan ang mga pinamili ko.
Nagpakilala naman ang babae na gusto maging apprentice ko.
"I'm Alyssa Joyce Natividad, I highly appreciates if you'll accept me as your student." Sabi niya.
Medyo nabigla ako sa biglaang pagyuko ng ulo niya.
"Bakit ka dito nag-aapply?" tanong ko.
Hindi sa ayaw ko sa kanya pero kasi hindi naman ako masyadong kilala sa industriyang ito.
"Well, as you can see po hindi po kayo kasing sikat gaya ng iba," aniya, "kapag sa kilalang artist ako nag-apply as their apprentice baka hindi rin nila ako maturuan kasi busy sila." Paliwanag pa niya.
"Okay,” sagot ko.
Gusto ko itong babae na ito, diretso kung magsalita wala ng paligoy-ligoy pa.
"Kailangan galingan natin sa pagpinta, sa atin nakasalalay sahod ni Miss Imee,” wika ko.
Tiningnan ko ng nakakaloko si Imee.
"Miss Tin! Grabe ka!" aniya, "Anong gusto niyo sa lunch?" dagdag pa niya.
Nakakapit ito sa aking braso na animo’y koala na nakalingkis sa sanga.
"Ikaw ba Miss…, what do you prefer to be called?" Tanong ko.
"I prefer to call me as Joyce,” sagot niya.
"Okay Miss Joyce, just tell it to Miss Imee and she'll get it for you,” wika ko.
Paalis na ako ng maalala ko na.
"By the way, did we met before?" tanong ko.
"Maybe?" sagot niya, "Pero I don't think na nagkita na tayo,” dagdag pa niya.
"You seem so familiar kasi. So…" sabi ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa silid para naman may maibigay na akong pagkakaabalahan niya.
“Could you paint now? I want to see it,” dagdag ko pa.
Actually, wala talagang pumasok sa isip ko na idea kaya ayun na lang pinagawa ko.
"Sure,” sagot ni Joyce.
She leads her arms inside the room.
"Miss, bibimbap sa akin,” wika niya kay Imee.
Napatili naman si Imee sa sinabi ni Joyce at agad hinawakan ang kamay.
"K-drama o K-pop?” tanong niya.
Nangingislap pa ang mga mata niya sa sobrang excited.
"B-both,” sagot ni Joyce.
Halatang nabigla ito kay Imee.
"Nice!" sigaw ni Imee
Tumalon-talon pa ito na parang bata.
"Talk to you later, chingu!" dagdag pa nito.
At iniwan niya kaming nakatulala ni Joyce sa silid.
"Chingu?" Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkakasabi ko.
"Chingu means friend in Hanggul," sagot naman ni Joyce sa akin.
Tumango-tango na lang ako at dumiretso sa loob ng silid. Inihanda ko na ang mga kailangan kong gamitin gayon din si Joyce na nasa kabilang dulo ng silid. Ang layo ng pwesto niya sa akin pero hindi na ako umangal pa.
Makalipas ang tatlong oras, malapit na matapos ang aking pininta na inabot ng isang linggo dahil hindi tuloy-tuloy ang aking pagpipinta rito. Samantalang si Joyce ay natapos na.
Tumayo ito at nag-unat, kinuha ang cellphone sa kanyang bag at narinig ko ang pagtunog ng kanyang cellphone na animo'y kumuha ng litrato.
"Miss, I'm done,” wika ni Joyce.
Nakangiti siya habang tinitignan ang kanyang pininta.
"I'll finish this up,” sabi ko.
At itinuloy ko na ang pagpipinta.
"Lunch na!" Sigaw ni Imee.
Inilatag niya ang mga pagkain sa lamesa na nasa gilid.
Tumayo na ako dahil natapos ko na at kumuha ng disposable plastic gloves para makakain. Kumuha na rin ang dalawa ng kanilang gloves at nagkwentuhan.
"Natutuwa talaga ako ngayon araw," aniya na tila kinikilig. "Madami akong tanong sa'yo, okay lang ba?" dagdag pa nito.
At itinuon niya ang tingin kay Joyce na busy sa pagkain ng Bibimbap.
Tumango-tango lang si Joyce kapag oo ang sagot niya at umiiling kapag hindi.
Natapos namin ang pagkain at saka ko hinarap ang pininta ni Joyce.
Hindi ko maitatanggi na maganda ang kinalabasan ng pagpipinta niya. Simple lang ito pero kuhang-kuha ang mga maliliit na detalye na nasa larawan.
"Chrysanthemums?" tanong ko
.
"Oo. Favorite flower kasi ng ate ko,” sagot ni Joyce.
Biglang lumungkot ang kanyang boses nang mabanggit nito ang ate niya.
"Ang galing mo na magpinta," wika ko, "dapat siguro nagtayo ka na rin ng sarili mong gallery,” dugtong ko pa.
"Ah. Eh," sagot ni Joyce, "Kapag may sapat na puhunan na, wala pa akong pera para magpatayo ng sariling gallery,” dugtong pa niya.
"Wow. Sana nagkaroon din ako ng talento sa pagpipinta gaya ninyo," sabi ni Imee.
"Pwede ka naman siguro sumubok magpinta,” wika ni Joyce.
Tama. Mukhang maganda ang suhestiyon ni Joyce.
"Oo nga, pwede ka naman magpinta," dagdag ko pa.
"Nahihiya po ako Miss Tin, binigyan niyo na nga po ako ng trabaho tapos gagamitin ko pa mga materials niyo sa pagpipinta. Grabe na po iyon,” wika ni Imee.
"Nako, okay lang,” sabi ko, "Kung gusto mo talaga pwede naman kita turuan o kaya ni Miss Joyce, mukhang mas magaling pa itong magpinta kaysa sa akin eh." Dagdag ko pa.
Tumango-tango naman si Joyce sa akin sinabi.
"So, balik tayo sa painting, pwede mo bang ipaliwanag kung bakit dark shaded ang nakapalibot sa flowers?" Tanong ko.
"She's dead." Joyce said.
Mahahalata ko sa boses niya ang galit nang sabihin niya iyon.