Alas syete na ng gabi nang ako'y magkamalay. Napatingin ako sa paligid ko, nasa isang kwarto ako. Tumayo ako at muli kong inikot ang aking paningin sa isang silid na yari sa kawayan at kahoy. Simple lang ito pero napaka-aliwalas marahil dahil konti lamang ang mga kasangkapan na nandoon. Napukaw ang aking paningin sa bintana, binuksan ko ito at natanaw sa ibaba ang aking nobyo kasama ang dalawang matanda, marahil mag-asawa ang dalawa.
Sila'y nasa ilalim ng malaking puno ng mangga at masayang nakikipag-kwentuhan at nagtatawanan. Napansin naman ako agad ni Gerald at agad tinawag upang makasama sa kanilang kasiyahan. Agad akong bumaba at nakasalubong ang isang batang babae na magiliw akong binati. Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bilang pagtugon ko at sabay kaming lumabas ng bahay.
Paglabas ko pa lamang ng pinto ay humampas na agad sa aking balat ang napaka- sariwang hangin. Binati ko ang dalawang matanda at binati rin naman nila ako.
"Christine, sila nga pala yung katiwala ni papa dito, si aling Neneng at manong Gilbert,” wika ni Gerald, "siya yung apo nila, si Clarisse,” dagdag pa nito.
Napatingin ako sa batang si Clarisse na naglalaro ng manika.
Bigla naman tumunog ang aking tiyan hudyat iyon na gutom na ako. Nagtinginan ang lahat sa akin dahil sa napakalakas na tunog na nagmumula sa tiyan ko.
"Halina't magsikain na tayo," saad ni Aling Neneng.
Pumasok na kami at dumiretso sa kusina. Napakalinis at simple ng loob ng bahay. Hindi man magara sa paningin ng iba, ito'y masasabing perpektong tahanan ng gaya nila aling Neneng.
"Pagdamutan mo na ang aming inihain para sa inyo, sana'y mabusog ka nito,” wika ni Mang Gilbert.
Sinandukan ako ni Gerald ng makakain gayon din si Mang Gilbert sa kaniyang apo na si Clarisse.
Pinagmasdan ko sila, napakasayang pamilya. Gusto ko sanang itanong kung saan ang kanilang anak pero ayaw ko naman masira ang kasiyahan.
Kumain kami ng kumain hanggang sa kaya ng aming sikmura. Grabe, napakasarap magluto ni aling Neneng, no wonder kaya ang taba ng kanilang apo. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay napag-usapan namin ang magulang ni Clarisse. Namatay ang ina nya na siyang anak nila Aling Neneng dahil sa komplikasyon sa panganganak at yung ama naman ay namatay sa minahan bago pa man ipanganak si Clarisse. Naawa ako para kay Clarisse dahil lumaking walang magulang pero natutuwa dahil hindi hinayaan ng kaniyang lolo't lola na magdusa o maghirap si Clarisse.
"Babe, tara sa veranda tayo,” wika ni Gerald.
Sakto ang pag-aya sa akin dahil natapos ko ng hugasan lahat ng pinagkainan at gamitan sa luto.
"Okay, una ka na,” sagot ko.
Tumango-tango ako habang ang kamay ko ay parang nagtataboy ng aso. Ngumisi lamang si Gerald sa kin at saka kami iniwan sa kusina. Natawa naman si aling Neneng sa amin.
"Nakakatuwa naman at mahal na mahal niyo ang isa't isa,” saad ni Aling Neneng.
"Ay, opo,” sagot ko.
Ngumiti ako sa kanya habang pinapunasan ang aking kamay.
“Mauna na po ako sa inyo," dagdag ko pa.
Ngumiti at tumango lamang si Aling Neneng sa akin at ipinagpatuloy na nito ang pagpupunas at ako ay pumanhik sa itaas.
Naabutan ko si Gerald na naninigarilyo. Hindi niya ako napansin marahil malalim ang kaniyang iniisip. Tinapik ko ang kaniyang balikat at mukhang nagulat.
"Oh. Nandiyan ka na pala,” aniya.
Pinatay nito ang sindi ng sigarilyo sa ashtray.
Tinabihan ko sa at niyakap.
"Nag-alala talaga ako sa iyo kanina. Bigla ka na lang nawalan ng malay,” sabi niya.
Mababatid sa kanyang mukha at boses ang pag-aalala.
Hindi ko masabi kay Gerald ang tungkol sa panaginip ko ngayong araw. Baka isipin niya na nahihibang lamang ako at kathang isip lamang ang mga narinig ko kaya nag-isip agad ako ng sasabihin.
"Kaya nga e. Baka buntis ako," wika ko.
"Delayed ka ba? Kailan pa?!" tanong niya.
"Joke lang ito naman, hindi mabiro,” sagot ko.
Natawa ako sa reaksiyon niya nang sabihin kong biro lang na buntis ako. Yung mukha niya na nanghihinayang sa nalaman niya.
"Huwag ka na magbiro ng gano,” aniya, "alam mo bang pinagnanasahan kita ngayon?" dagdag pa niya.
"Alam ko,” sagot ko.
‘kung ano mang balak niyang gawin, game ako,’ sa isip isip ko.
Palapit ng palapit ang kaniyang labi nang biglang sumulpot ang batang si Clarisse.
"Ano pong ginagawa niyo?" tanong ni Clarisse.
Napabalikwas kaming pareho dahil biglang sumulpot ni Clarisse.
Hindi kami agad nakasagot at ng ilang sandali pa nagsalita ulit ito.
"Matutulog na po ako. Good night po," aniya.
Paalam nito sa amin at iniwan kaming dalawa.
Sumunod na nagpaalam si aling Neneng. Sumigaw na lamang ito mula sa labas dahil nasa ibaba lang ang kwarto nilang mag-asawa. Ibinilin nito na magsara ng bintana kapag matutulog na dahil malamok at sa mga ibon na basta basta na lang papasok kapag nakita na nakabukas ang bintana.
"Kwarto na tayo. Malamok na,” wika ni Gerald.
"Oo tara na nang makakagat na ang lamok na iyon sa akin,” wika ko.
Hinila ko siya papasok sa kwarto.
Hindi ko pa man nasasara ang bintana ay agad akong sinungkaban ng mainit na halik ni Gerald. Kinapa-kapa pa nito ang dingding para patayin ang ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa labas ang aming ilaw sa isang mainit na gabi.
Dinama namin ang bawat halik na tila nagaapoy sa init. Napaupo na ako sa higaan at madaliang tinanggal ni Gerald ang aking suot na blouse habang magkalapat ang aming mga labi. Gumala ang kanyang isang kamay patungo sa aking dibdib at sinumulan niya itong pisil-pisilin, kaya hindi ko naiwasan na mapa-ungol.
Natigil saglit ang mainit naming lampungan. Hinubad niya ang kanyang t-shirt. Tumingala ako sa kanya para makita ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Bakas sa mukha niya ang pananabik kaya lalo akong ginanahan.
Dahan-dahan niya akong inihiga habang ang kanyang labi ay sinisisid ang aking dibdib. Hindi ko na maitago ang aking nadarama sa sandaling ito. Lalo ko pang ibinaon ang kanyang ulo sa aking dibdib kaya naman ay medyo lumakas ang kanyang pisil at sipsip sa aking mga dibdib.
Tumayo siya saglit at hinubad ang kanyang pantalon. Sunod ang kanyang boxer na may disenyong tigre. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang sa dumako ang aking paningin sa kanyang p*********i. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bakat na bakat ito, napakagat labi ako ng mga sandaling iyon.
"Mukhang galit na galit na iyang alaga mo," sabi ko.
habang kagat kagat pa rin ang aking labi.
“tara at simulan na natin,” dagdag ko pa.
Ngumiti ako ng nakaka-akit at hinawakan ko ang kaniyang ari. Dahan-dahan kong ibinaba at taas ang aking kamay habang hawak ito. Napaungol siya ng bahagya.
“I will never be gentle tonight,” wika nito.
Ngumisi ito at muli niya akong sinunggaban ng halik.
-
Alas syete ng umaga nang ako'y magising dahil sa sikat ng araw na dumampi sa aking mukha. Wala na sa aking tabi si Gerald, tanging kumot na lang ang bumabalot sa aking katawan.
Inunat ko ang aking katawan habang nakahiga at dinama ang sariwang hangin.
“Ang sarap sa pakiramdam ng preskong hangin,” sabi ko.
Itinapis ko sa aking sarili ang kumot at kinuha ang damit na nakatupi sa ibabaw ng mesa. Ito ang mga damit na ginamit ko kahapon. Nagtungo na ako sa banyo upang magdamit ng pumasok si Gerald sa silid.
"Babe, wear this," wika niya.
Iniabot niya sa aking ang isang supot na naglalaman ng pamalit na damit.
"Maligo ka na din, ang baho mo na,” dagdag pa niya.
Hindi pa man ako nakaka-pagsalita ay lumabas na siya ng silid.
Binuksan ko ang supot at tumambad sa akin ang isang puting bistida na may maliliit na disenyong bulaklak, isang bra at isang panty. Napangiti ako dahil sobrang maasikaso ni Gerald. Isinuot ko na ang binili niya at saka bumaba at nagtungo sa labas.
"Good morning po," wika ko.
Masigla kong bati kay mang Gilbert na nagpapatuka ng mga manok.
"Magandang umaga naman sa iyo, iha,” wika ni Mang Gilbert, "Mukhang maganda ang iyong gising at tila may masayang nangyari kagabi,” dagdag pa niya.
"Ay! Naku, dahil lamang po ito sa preskong hangin at malayo sa ingay ng siyudad,” sagot ko.
Ang dami talagang alam ng mga may edad na. Ang hirap makalusot.
“Huwag kang pahahalata,” wika ni Gerald, “expert na iyang si Mang Gilbert,” dagdag pa niya.
Aniya habang naka-akbay sa akin.
"Naku! Mga kabataan nga naman ngayon," saad ni Mang Gilbert, "basta imbitahan mo kami sa inyong kasal ha." dagdag pa niya.
"Ay, oo naman po!" sagot ni Gerald.
Nakangiti si Gerald habang hawak ang aking kamay.
“Tama na iyan, tayo nang mag almusal,” wika ni Aling Neneng.
Pagdating namin sa kusina ay napatulala ako sa sarap ng amoy ng nakahain sa mesa. May scrambled eggs, pritong tilapia, sinangag na kanin, tuyo na galunggong, at mga sariwang prutas. Tunay ngang napakasarap tumira sa probinsya.
Masaya naming pinagsaluhan ang inihain ni manang. Nagkwentuhan at nagtawan habang linanamnam sa bawat subo ang mga pagkain. Lumipas nag ilang sandali ay natapos na kami.
Pasado alas dyes na ng umaga nang kami'y magpaalam sa kanila. Mangilid-ngilid ang luha sa mga mata ni Clarisse marahil ay nais pa nitong magtagal pa kami roon.
"Babalik kami, okay?" saad ko, “Be a good girl,” dagdag ko.
Pinunasan ko ang kaniyang luha sa magkabilang pisngi at hinalikan siya sa kaniyang noo, siya'y ngumiti ng napakatamis.
Isinakay na nila Gerald at Mang Gilbert ang pabaon na sariwang prutas ni aling Nene. Sumunod na din ako sa loob ng kotse.
"Paalam na po. Salamat po ng marami. Hanggang sa muli," wika ko.
Kumaway-kaway ako hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
"Did you have lost all your worries out there?” tanong ni Gerald.
"Yeah. Thank you,” sagot ko, "Idlip muna ako,” dagdag ko.
"Okay. Gisingin kita kapag may nadaanan tayong fast food,” sagot niya.
Ngumiti ito at ako ay nakatulog.
-
Nang magising ako, nakahinto na ang sasakyan. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa bahay na ako. Tinignan ko ang oras sa aking cellphone, alas singko na ng hapon. Mahigit anim na oras din akong tulog.
"Bakit hindi mo ako ginising?” tanong ko.
"Sarap kasi ng tulog mo,” sagot niya.
"Anong oras tayo nakarating dito?" tanong ko.
"Mga alas tres ng hapon?" sagot niya.
"So, mag dadalawang oras na pala simula ng makarating tayo pero hindi mo man lang naisip na gisingin ako?" wika ko.
"Sarap nga kasi ng tulog mo,” aniya.
"Kakainis ka!" saad ko.
Medyo napalakas ang boses ko doon at pakunware ay nagtatampo sa kaniya.
"Lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag ganyan ka,” sabi pa niya.
Lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalo ko siyang minamahal dahil ramdam kong mahal na mahal niya ako.
"Tara pasok na muna tayo at nang makakain,” wika ko.
"Kailangan ko pang makipagkita kay papa,” giit niya, "Alam mo na, tagapagmana ako ng kanyang lupain,” dugtong pa niya.
Kumindat ito at biglang tumawa.
"Ikaw na. Ikaw na tagapagmana,” sarkastiko kong sabi.
"Ipamamana ko rin naman yun sa magiging anak natin,” sabi niya.
Hinawakan niya ang aking kamay paakyat sa aking balikat papunta sa aking dibdib.
"Nako. Sige, pasok na ako. Baka kung saan pa umabot tong kamay mo,” sabi ko.
Hinalikan ko siya sa labi at saka binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Kumain ka bago matulog,” sabi niya.
Tumango lang ako.
"Tawagan kita mamaya pagtapos kong makipag-usap kay papa,” dugtong pa niya.
Pinaandar na nyang muli ang sasakyan at kumaway muna sa akin bago umalis.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Walang katao-tao marahil ay nasa kani-kanilang silid ang mga kasambahay.
Dumako ako sa kusina para maghanap ng makakain. Naabutan ko roon ang bagong lutong ulam, calderatang baboy na luto ng aking tagapag-alaga simula noon ako'y bata.
"Ang sarap!" Bulalas ko.
Sumandok na ako ng konting kanin at ulam at ninamnam ang bawat pagsubo ko sa mga ito.
Ilang minuto pa ay naubos ko na ang pagkain. Hinugasan ko muna ang aking pinagkainan bago ako tuluyang umakyat sa aking kwarto.
Hinintay ko ang tawag ni Gerald hanggang alas nwebe ng gabi ngunit hindi pa rin ito hanggang sa nakatulog na ako.