Chapter 4

2405 Words
Dalawang linggo na magmula nang magtrabaho dito sa aking gallery si Joyce bilang apprentice. Wala naman na akong masyadong maituro sa kanya dahil hindi maikakaila na magaling na itong magpinta, knowing the fact na graduate siya ng fine arts sa isang kilalang unibersidad sa Amerika. Wala naman kakaiba sa kanya maliban sa gusto niya dito sa gallery kahit na hindi pa ako ganoon kakilala. Hindi ko na hinalungkat pa ang dahilan niya baka isipin pa niya na tsismosa ako sa private life niya. Hindi tulad sa ibang nakikita kong apprentice ng mga sikat na maestro sa pagpipinta, si Joyce ay madaldal kumbaga masayahin na tao. Lagi silang nag-uusap at nagtatawan ni Imee kapag lunch break, marahil patungkol iyon sa k-drama o k-pop. “Hey, Miss! Tulala ka dyan,” wika ni Imee. Biglang sulpot ni Imee sa harapan ko kaya naihagis ko ang aking cellphone sa mukha niya. “Grabe, magugulatin lang?” sabi niya, “Ang sakit. Bumukol ata,” dagdag pa niya. Hinimas-himas niya ang kanyang noo na medyo may umbok nga. “Sorry. Nakakagulat ka kasi,” wika ko, “Medyo may umbok na iyang noo mo, halika at umupo ka diyan bibili lang ako ng cube ice sa convenient store,” dagdag ko pa. Kinuha ko ang aking cellphone sa sahig at siya’y aking inaalalayan papuntang upuan ya bigla naman pumasok sa silid si Joyce. “Anong nangyari?” Tanong ni Joyce. Nakatingin lamang ito sa amin habang hinihintay ang sagot namin. “Natamaan ako ng cellphone ni Miss Tin, ginulat ko kasi siya e,” sagot ni Imee. Halata sa kilos at pananalita ni Imee na nahihiya siya sa nangyari. “Kailangan ba ng yelo? Ako na bibili,” wika ni Joyce. “Yes, Miss Joyce, pasensya na ha?” Sabi ko. Bigla naman na tumunog ang aking cellphone. Si Gerald... “Excuse ha? Sagutin ko lang itong tawag,” wika ko. Iniwan ko muna sila at bago pa man ako makalabas ay narinig ko si Joyce na may sinasabi kay Imee. “Nakakasakit talaga siya ng hindi sinasadya,” Ika nito. Natawa naman si Imee at dinepensahan ako. “Okay lang, kasalanan ko naman,” sagot ni Imee. Tuluyan na akong lumabas sa silid at sinagot ang tawag ng aking nobyo. “Happy anniversary, Babe!” wika ni Gerald. Napatingin ako sa aking cellphone. 21 nga pala ngayon hindi ko namalayan ang araw dahil hindi ko talaga inaalala. Buhat pa noon, si Gerald ang unang bumabati tuwing sumasapit ang aming anibersaryo. “Happy anniversary, Babe,” sagot ko, “Sorry nakalimutan pero don't worry may regalo ako para sa iyo,” dagdag ko pa. Yes, dahil advance ako mag-isip nakahanda na ang aking regalo in case na mawaglit sa isipan ko ang aming anibersaryo. “Can't wait to see you,” aniya, “nasa gallery ka ba?” tanong niya. “Yes, why?” Sagot ko. “Okay. I love you!” Sabi niya. Binaba naman agad niya ang tawag kahit hindi pa ako nakakapagsalita. “Pambihira! Ano na naman ba ang nasa isip mo?” tanong ko sa sarili ko. Nakatingin ako sa screen ng aking cellphone at napangiti na lamang. Bumalik nang muli sa loob ng silid. “Miss Tin, di ko na need ng yelo,” Sabi ni Imee, “lumiit na ata ang bukol,” dagdag pa niya. Natatawa pa ito habang hinihimas-himas ang noo niya. “Hindi nga?” tanong ko. “Yes po,” sagot ni Imee. “Sa tingin mo ba hindi na kailangan ng noo ni Imee ng yelo?” tanong ko kay Joyce. “If she says, then I think it’s okay, Miss Tin,” sagot ni Joyce. “Okay, if you insists,” wika ko, “Maaga pala akong uuwi ngayon araw,” dugtong ko. “Kami pwede rin ba?” Tanong ni Joyce. “Oo naman. Kahit anong oras ang uwi natin,” sagot ko, “Maliban kay Miss Imee kasi weekly yung sahod niya,” dagdag ko pa. Tumingin ako ng nakakaloko kay Imee. Agad naman na nakuha ni Joyce ang aking sinabi kaya naman siya’y natawa ng bahagya. “Hala, miss!” sabi niya, “Maiiwan ako dito mag-isa hanggang 5 pm?” tanong niya. Nakakatuwa talaga siya lalo na ang expression sa kanyang mukha. “Biro lang,” sagot ko. Kinurot ko naman ang kaniyang pisngi na tila bata. “Magliligpit na ako Miss Tin,” wika ni Joyce. “Ako rin ng makauwi nang maaga,” sabi ni Imee. Hindi ko alam pero sumobra naman ata sa galak itong si Imee ngayon, epekto marahil ng pagtama ng aking cellphone sa kaniyang noo dahil nagpatalon-talon siya patungo sa kanyang lamesa. Napaupo ako at kinuha sa ilalim ng lamesa ang isang easel na nakabalot na pang regalo. “Matutuwa kaya siya rito?” Tanong ko sa sarili ko, “Sana naman ay magustuhan niya,” Dagdag ko pa. Ilang sandali pa ay biglang bumukas at may nagsalita. “Happy anniversary, Babe!!!” wika ni Gerald. Nabigla ako dahil nandito siya sa aking harapan gayon na ilang minuto pa lang ang lumilipas buhat ng aming pag-uusap sa cellphone. “Grand entrace, Babe?” Sarkastiko kong tanong. “Sorry but I can't help not to see you soonest, so I came here all along,” wika nito. Hindi ko alam kong kikiligin ba ako o matatawa. “Ay nga pala anniversary pala nila ngayon,” sambit ni Imee. Sobrang laki ng ngiti na halatang kinikilig itong si Imee. “Hindi ba naikwento ko sa iyo na may nag-apply as my apprentice?” wika ko. “Oh. Yes. Where is she?” tanong ni Gerald. “There,” sagot ko. Tinuro ko ang pwesto ni Joyce pero nabigla ako nang makita ko itong nakatingin sa amin na tila nagngingit-ngit sa galit. “May problema ba Joyce?” tanong ko. “Wala, Miss,” sagot niya, “May hinahanap ako kaso hindi ko matandaan kung saan ko nailagay,” dagdag pa niya. “Ganon ba? Para kasing ang sama ng tingin mo sa amin,” sabi ko. “Ganito lang po talaga ako kapag may hinahanap lalo na kapag hindi ko agad nakita,” aniya. “Tara! Ipakikilala kita sa aking boyfriend,” wika ko. Inaya ko siya palapit sa aming pwesto at siya naman ay lumapit. “Babe, this is Alyssa Joyce Natividad. My apprentice,” wika ko. Ngumiti ng bahagya si Joyce saka niya inilahad ang kaniyang kamay. Samantala, medyo naging seryoso ang mukha ni Gerald nang mabanggit ko ang buong pangalan ni Joyce. “Hey. What’s with that face?” tanong ko kay Gerald. “Ah. Sorry, may naalala lang ako,” sagot niya. Hindi na ako nag-usisa pa sa naalala niya. “Joyce, this is Gerald Horteleza, my boyfriend,” wika ko. “You should call me ‘fianceé’,” sambit ni Gerald. “Fianceé ka diyan!” wika ko. Inilahad din ni Gerald ang kaniyang kamay bilang pagtugon kay Joyce. “Nice to meet you. Maging maligaya ka sana dito sa gallery,” sabi ni Gerald, “at magkaroon ng masayang alaala kasama sila,” dagdag pa niya. “Yeah. Sure,” sagot ni Joyce. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa. Hindi ko mawari pero may iba akong nararamdaman, tila may tensiyon ang pag-uusap nila. “So, pauwi na ba kayo?” tanong ni Gerald. Bumitiw agad si Gerald sa pakikipag-kamay niya kay Joyce. “Yes po,” sagot ni Imee. Nasa harapan na pala namin ito at bitbit ang kaniyang bag habang himas-himas ang kaniyang noo. “I want this day to be special,” aniya. “Puwede bang sumama kayo sa amin ngayon?” tanong niya. Kumukurap- kurap pa ang kanyang mga mata na tila nagpapaawa sa dalawa. Natawa kami ni Imee sa kinilos ni Gerald. Si Joyce naman ay tahimik lang na para bang may nag-iba sa kanya. “Babe, ano ba! Nakakahiya!” wika ko. Bumitiw ako sa kanyang braso at inumpisahan itong hampasin. Agad naman na sumagot si Imee. “Okay lang Miss Tin, sasama ako sa inyo baka kasi sa masarap na restaurant tayo dalhin e,” aniya, "Sasama ka ba, Joyce?” tanong niya. “Hindi ko sure,” sagot nito. Tumingin sa akin si Joyce na parang hinihingi ang aking opinyon. Tumango-tango lang ako nang nakangiti sa kanya. “Sama ka na para hindi ako magmukhang thirdwheel sa kanila,” wika ni Imee. Pambihira talaga ang kulit ni Imee, you can’t resists her charm sa sobrang cute. “Sige, para sa iyo,” sagot niya. Napatili si Imee marahil ay na-excite na kasama si Joyce. “Okay then, shall we?” tanong ni Gerald. Tumango ako at ngumiti kay Gerald. Tinignan ko rin sila Imee at sumunod na sila sa amin. Pagkalabas namin sa gallery ay ni-lock muna ni Imee ang pinto at saka kami sumakay sa kotse ni Gerald. Iniwan ko muna ang dala kong ko dahil hassle lamang kung dalawa ang dala naming sasakyan. Halos isang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa isang restaurant, buti na lang at madaldal si Imee hindi naging boring ang byahe namin. “Parang ang mahal dito,” wika ni Imee. “Oo nga e. Parang hindi bagay yung suot natin,” sagot ko. “Dapat pala sinuot ko ang pinaka magandang heels na mayroon ako,” wika ni Imee, “sayang, nakapaghanda pa naman ako,” dagdag pa niya. Tatanungin ko sana si Imee sa kung anong ibig niyang sabihin sa sinambit niya pero bigla naman sumingit sa amin si Gerald. “My treat, don’t worry,” sabi ni Gerald. “Joyce, okay ka lang ba?” tanong ko. Inusisa ko baka may nararamdaman siya dahil magmula sa gallery ay tahimik lang ito. Ngingiti lang kapag humarap sa kanya si Imee tas seseryoso ulit pagtapos. “Yes,” sagot niya. “Wala ka bang nararamdaman na kakaiba, like parang magkakasipon, ubo, o lagnat ka?” tanong ko. “Yes,” sagot niya. Mabuti naman at wala siyang nararamdaman na kung ano. “Kung may problema ka, feel free to tell us,” wika ko. Tumango lamang ito at biglang hinila ni Imee. “Samahan mo ako sa C.R,” wika ni Imee, “Ihing-ihi na ako,” dagdag pa niya. Tumango naman sa kaniya si Joyce. Hinila niya ito patungo sa gilid ng restaurant. “Babe, hintayin mo na lang sila dito, ayusin ko lang yung magiging table nila sa loob,” wika ni Gerald. Tumango ako at iniwan na niya ako sa parking lot. 10 minutes has passed pero hindi pa rin bumabalik sila Imee marahil ay may pila sa banyo. After 20 minutes of waiting, nagtext si Imee na nasa loob na sila ng restaurant sakto raw paglabas nila ay nasa front desk si Gerald kaya sumunod na sila sa mesa nila. Pumaroon na rin ako ngunit bago ko pa man tuluyang mabuksan ang pinto ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ako dahil wala akong naririnig na tinig o sigaw mula sa loob. “Hello?” wika ko. Mahahalata sa aking tinig na kinakabahan ako. Sino ba naman ang hindi, biglang nawalan ng kuryente tapos sobrang tahimik sa loob. “Guys na saan kayo?” tanong ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob. Biglang nagkaroon ng liwanag sa bawat dinaanan ko. Maliliit na ilaw sa magkabilang bahagi ng carpet. Sunod ay isang napaka-gandang ritmo ang aking narinig. ? When the rain is blowing in your face And the whole world is in your case I could offer you a warm embrace To make you feel my love ? Kinakabahan pa rin ako habang sinu-sundan ang ilaw at musika. ? When the evening shadows and the stars appear And there is no there to dry your tears I could hold you for a million years To make you feel my love ? Ramdam kong malapit na ako dahil lumalakas ang tunog nang biglang may umawit. Napakalamig ng kanyang tinig. ? I know you haven’t made your mind up yet But I will never do you wrong I’ve known it for the moment that we met No doubt in my mind where you belong ? Nagliwanag ang bahagi kung na saan ang mga manunugtog ng violin, cello, harp at piano gayon din ang singer na si Adele. ? I’d go hungry; I’d go black and blue I’d go crawling down the avenue No, there’s nothing that I wouldn’t do To make you feel my love ? Si Adele na isang international singer ang siyang nakikita kong umaawit sa aking harapan. “Totoo ba ito?” tanong ko sa sarili ko na tila isang panaginip lamang ang aking nakikita at naririnig. ? The storms are raging on the rolling sea And on the highway of regret The winds of change are blowing wild and free You ain’t seen nothing like me yet ? Sunod na lumitaw sa aking harapan si Gerald at bigla itong lumuhod. ? I could make you happy, make your dreams come true Nothing that I wouldn’t do Go to the ends of Earth for you To make you feel my love ? "Christine Estacio Gallerno,” aniya, “will you be my wife?” tanong niya. Inilabas niya ang itim na kahon na hugis puso mula sa kaniyang bulsa. Binuksan niya ito at tumambad ang isang napakagandang singsing. Luminga-linga ako sa nakapaligid sa amin. Nandoon lahat ng kakilala namin gayon din ang mga magulang ni Gerald. Napukaw ang paningin ko sa isang matandang lalaki, ang aking ama. Narito siya. “Papa,” Mahina kong sambit. Narinig iyon ni Gerald at siya’y ngumiti. Ibig sabihin siya ang nagpapunta rito sa papa ko. Ang ama ko na hindi ko nakasama sa iisang bahay magmula nang mamatay ang aking ina ay narito sa araw na inaaya ako ng kasal ni Gerald. “Oo. Gusto ko. Gustong-gusto ko,” sagot ko. ? To make you feel my love ? Mangiyak-ngiyak kong tinanggap ang alok nitong kasal. Isinuot na niya sa aking daliri ang singsing. Nagsimula naman na maghiyawan ang mga tao sa paligid namin. Hinanap kong muli ang aking ama ngunit hindi ko na ito makita. “I love you, Christine,” bulong sa akin ni Gerald.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD